07/12/2025
Sa pagtatapos ng buwan ng "katatakutan" o Nobyembre, muling balikan ang pista ng pelikulang nakakasindak ng Cine Eugenio Film Society!
🩸
Iniraos ang "CineSindak 2025" ngayong taon matapos ang isang buwang preparasyon ng anim na produksyon. Sa ilalim ng temang "Mensahe; Pelikulang may laman."
Nagkaroon ng simple ngunit elepanteng pagpapalabas ng mga pelikula noong ika-24 ng Nobyembre, ito'y sinamahan ng pamimigay ng stickers, photobooth, at ticket memorabilia sa mga dumalo.
Nagkaroon din ng paggawad sa mga produksyong nagkamit ng mga espesyal na parangal noong ika-5 ng Disyembre sa flag retreat ceremony ng paaralan.
Malaking salamat sa mga produksyon at ang kanilang ginawang pelikula:
"TINDA" ng Tita LC's Customers
"Obra de Aurora" ng Katathough Kolektib
"PARINIG" ng Ano-Anino Productions
"HBD" ng et.dal collective
"walang nagpaalam" ng Aunnettikaled
"HAPAG" ng Mumho Creatives
Mabuhay ang malaya at malalim na pagpepelikula!
✉️❤️