04/10/2026
๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐ค๐ก๐ ๐ง
Banal na Diyos, na sa simula, ang Espiritu ay umaaligid sa ibabaw ng tubig, kami ay natitipon bilang bahagi ng iyong komunidad ng buong sangnilikha, nauuhaw sa iyong biyaya. Nagpapasalamat kami sa handog ng tubig, ang mga ugat ng aming nag-iisang tahanan, na nagpapanatili ng buhay ng sedro at balyena, pastulan at kalunsuran. Kami ay nagpapasalamat sa mga lokal na tubig na nagpapalusog sa aming mga tinubuang-lupa at sa aming mga kapwa nilalang. Nagpapasalamat kami na sa iyong hardin na sapat na nadiligan, ang bawat patak ay isang banal na testamento ng iyong pag-ibig.
Gayunpaman, inaamin namin na itinuturing namin ang kaloob na ito bilang isang kalakal lamang. Nahihirinan ng aming mga basura ang mga dagat at pinagmamasdan namin ang tubig na umiinit nang may paghatol. Nagdadalamhati kami sa bitak na lupa sanhi ng tagtuyot at sa maalat na luha ng mga nagsilikas ng kanilang lugar dahilan sa pagbabago ng klima. O Diyos, tunawin ang aming mala-yelong mga puso at hayaang dumaloy ang tubig ng pagsisisi.
Panginoon ng lahat ng Buhay, nangako ka na saanman umagos ang ilog, mabubuhay ang lahat. Pukawin sa amin ang panawagan na pangalagaan ang katubigan - protektahan ang tubig-kanlungan, ipagtanggol ang mga karapatan ng tubig, at parangalan ang dignidad ng nauuhaw. Nawa'y ang iyong Salita ay maging bukal sa aming kalooban, umaagos para sa paghilom ng mga bansa.
Nawa'y ang Diyos nating Ama na nagpadaloy ng tubig mula sa bato ay umalalay sa atin sa disyerto. Nawa'y paginhawahin tayo ni Kristong ating Panginoon na Buhay na Tubig para sa gawain ng pagsasag-uli. At nawa'y dalhin tayo ng Banal na Espiritu sa mga alon ng biyaya hanggang sa ang katarungan ay umagos tulad ng mga tubig at ang katuwiran tulad ng isang patuloy na dumadaloy na batis. Amen.