17/12/2025
PAGBATI!✨
Noong ika-13 ng Disyembre ay naganap ang kauna-unahang Gawad Kabataang Pylon 2025 na inorganisa ng Quezon City Youth Development Office, kung saan kinilala ang ating organisasyon bilang NATATANGING ORGANISASYON AWARDEE.
Bukod dito, kinilala rin ang ating Secretary na si Kuya Lawrence Coralde bilang NATATANGING LIDER KABATAAN AWARDEE.
Ang mga parangal na ito ay pagkilala sa kahusayan at makabuluhang ambag ng iba’t ibang lider-kabataan at organisasyon sa ating lungsod.
Muli, pagbati sa ating organisasyon at kay Kuya Lawrence Coralde sa karangalang ito. Patuloy tayong magsilbing inspirasyon at lakas ng kabataan ng Quezon City.