02/10/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐
๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Nakausap ng Climate Change Network for Community Initiatives ang mga lider ng mga lokal na organisasyon ng mga mangigngisda ng San Miguel Bay sa Camarines Sur, Philippines kung saan pinaliwanag nila ang banta ng San Miguel Bay Offshore Wind Project sa kanilang kabuhayan.
Ayon sa kanila, sakop ng naturang proyekto ang 15 kilometro ng baybayin na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga lokal na mangingisda. Dahil dito, kinakailangan nilang pumalaot sa mas malayo. Inaasahan din na may masidhing epekto ang pagtatayo nito sa katubigan sapagkat sisirain nito ang mga tirahan ng lamang-dagat.
Panawagan ng mga mangingisda ng Calabanga, Camarines Sur ang agarang pagtigil sa pagtatayo ng naturang proyekto sapagkat kabuhayan ang kapalit sa hangarin ng rehiyon na lumipat sa malinis na porma ng enerhiya. Walang hustisyang pangklima kung tahasan nitong sinasagasaan ang kabuhayan ng mga lokal na komunidad at kasama ang CCNCI sa pagtatambol ng kanilang panawagan para sa pagtigil sa naturang proyekto.
!