02/04/2025
🚍BEEP BEEP! TAPOS NA ANG STOP-OVER, PERO TULOY ANG BIYAHE NG BATANG DEL MONTE!
Matagumpay nating naisakatuparan ang Youth Empowerment Summit: Lead, Thrive, and Empower – , isang orihinal na inisyatiba ng Batang Del Monte Organization!
Lubos ang aming pasasalamat sa Sangguniang Kabataan - Brgy. Del Monte sa kanilang walang sawang suporta. Kayo ang isa naming naging sandigan ng tagumpay ng proyektong ito. Sa walang sawang paggabay ng aming Punong Barangay Cornelio Pabustan, ating naisulong ang mga mahahalagang usapin sa holistic well-being, mabuting pamamahala, at gender equality. Isang taos-pusong pasasalamat din kay Dr. Nimfa C. Piñera, Principal ng San Francisco Elementary School, sa pagbubukas ng court eskwelahan para sa makabuluhang kaganapang ito.
Isang mainit na pasasalamat sa ating mga Panauhing Tagapagsalita sa kanilang gabay at makabuluhang talakayan, na nagpalalim sa kaalaman ng kabataan sa holistic well-being, pamamahala, at gender equality. Saludo rin kami sa masigasig na kabataan ng Barangay Del Monte—kayo ang nagpapatibay sa ating adhikain para sa isang matatag at mulat na henerasyon!
Bagamat natapos na ang stop-over, hindi dito nagtatapos ang ating biyahe! Patuloy nating isusulong ang kaalaman, kakayahan, at kinabukasan ng bawat Barangay Del Monte.
Muli, maraming salamat! Abangan ang susunod nating destinasyon! 🚀