05/04/2026
๐ฃ๐ผ EASTER SUNDAY EVENT ๐ผ๐ฃ
๐ท๐ฅ COLLABORATION PROJECT ๐ฅ๐ท
Walters Youth Club
Walters Road Neighborhood Association
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na Easter Sunday event na ito! ๐โจ
Una sa lahat, nagpapasalamat kami kay panginoon ๐ sa Kanyang walang hanggang biyaya at gabay. Sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay, ipinapaalala sa atin ang kanyang muling pagkabuhay na sumisimbolo ng pag-asa, bagong simula, at pagmamahal. Dahil sa Kanya, naging posible ang pagkakaisa at tagumpay ng ating munting selebrasyon. โจ๐
Pangalawa, lubos ang aming pasasalamat sa Walters Road Neighborhood Association Inc., sa pangunguna ni President Jobelle Gonzales sa kanilang walang sawang suporta at tulong upang maisakatuparan ang programang ito. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ito magiging posible. ๐
Pangatlo, maraming salamat kina Councilor Alfred Vargas at Congressman PM Vargas sa ipinadala nilang mainit at masarap na sopas na pinagsaluhan ng lahat. ๐ฒ๐
Pang-apat, taos-pusong pasasalamat kay Aspiring Sk Kwgd. Kuya Josh Paraino sa kanyang ibinigay na paint at paint brushes na ginamit ng mga bata sa kanilang egg painting activity. ๐จ๐ฅ
Pang-lima, maraming salamat kay Kapitan Sonny Delacruz sa kanyang patuloy na suporta, paggabay, at pakikiisa sa mga proyekto ng komunidad. ๐คโจ
Pang-anim, lubos na pasasalamat kina Tita Margie De Belen, Tita Emma De Belen, at sa buong Samahan ng Senior ng Walters Road sa kanilang ibinigay na pagkain na masayang pinagsaluhan ng mga bata. ๐๐ต๐
Pangpito, maraming salamat kay Ate Lynlie Revaldo at sa buong Samahan ng Kababaihan sa Walters Road sa kanilang ibinigay na biscuits at candies na nagpasaya lalo sa mga bata. ๐ช๐ฌ
Pangwalo, Walters Youth Club Fam sa kanilang dedikasyon at pagtutulungan, mula sa pag-aayos ng venue hanggang sa pagliligpit pagkatapos ng event. Kayo ang tunay na puso ng proyektong ito! ๐ช๐
At syempre, maraming salamat sa lahat ng batang nakiisa, pati na rin sa mga magulang at residenteng sumuporta at nakibahagi sa proyektong ito. Kayo ang dahilan kung bakit naging makulay at matagumpay ang ating selebrasyon! ๐๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆ
Maraming salamat po sa inyong lahat! Hanggang sa susunod na sama-samang proyekto! ๐โจ