21/09/2026
๐๐๐ข๐๐ข๐ฅ๐ชโ๐ฉ ๐๐ฅ๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐ก๐๐ฅ๐๐จ ๐ฃ๐ค๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐๐ฃ๐๐ ๐ก๐๐ง๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐ช๐ง๐๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐๐ค๐จ ๐๐ง. ๐จ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐จ ๐๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฉ๐๐จ ๐๐๐ก๐๐ฉ๐๐ง, isang madilim na yugto ng ating kasaysayan na nagdulot ng malawakang paglabag sa karapatang pantao, pagsikil sa malayang pamamahayag, sapilitang pagkawala, walang batayang pag-aresto sa mga kritiko, at pagpaslang sa libu-libong Pilipino. Ang karanasan ng mga biktima ng Batas Militar ay bahagi ng ating kasaysayan at nararapat na kilalanin, alalahanin, at ipagtanggol laban sa pagtatangkang burahin o baluktutin ang mga ito.
Bilang mga heolohista, patuloy nating aalahanin ang nakaraan at ilalapat ang mga aral nito sa kasalukuyan. Sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr., patuloy na umiiral ang mga gawaing nagbabanta sa mga karapatan at kalayaan ng mamamayan. Kabilang dito ang ๐ณ๐ฆ๐ฅ-๐ต๐ข๐จ๐จ๐ช๐ฏ๐จ at ibaโt ibang anyo ng pananakot at panggigipit sa mga aktibista, tagapagtanggol ng karapatang pantao, organisasyong sibiko, at iba pang mga kritiko ng pamahalaan. Kasabay nito ay ang patuloy na pagpapabaya sa kapakanan ng sambayanang Pilipino para sa interes ng mga dayuhan.
Ginugunita ng UP Geological Society ang mga Pilipinong pinatahimik, ikinulong, pinahirapan, nawala, at pinaslang sa kanilang pakikibaka para sa malayang bayan laban sa diktadura ni Marcos Sr. Kamiโy naninindigan laban sa panunupil ng estado โ sa pambubusal sa mamamayang Pilipino at sa pagiging tuta sa dayuhan at imperyalistang interes.
Kailanman, huwag nating kakalimutan ang madilim na nakaraan sa pamamagitan ng pakikibaka para sa isang lipunang malaya, makatarungan, siyentipiko, at tunay na nagsisilbi sa sambayanan. ๐๐ช๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐๐ฎ๐ค๐ฃ, ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ ๐ฅ๐?
๐ก๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ด๐ฎ๐ถ๐ป, ๐ก๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ผ๐ฟ๐ด๐ฒ๐.