UP CSWCD Student Council

UP CSWCD Student Council The official student governing body of the UPD College of Social Work and Community Development. The CSWCD-Student Body believes:
a. b. c. d. e. f.

That education is a right and not a privilege. That quality education is for, with and by the people. That quality education is both theoretical and experiential learning. That unity between and among students fosters collectivism. That gender-sensitivity is a liberating value for equality between and among the sexes. That working hand-in hand with the basic masses creates venue for the people to realize their conditions and enhance their potentials to transform the society.

๐—œ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐—ฟ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด-๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ธ๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—•๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—™๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐˜€๐˜!Pagpupugay at pasasalamat sa mga mag-aar...
18/09/2026

๐—œ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐—ฟ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด-๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ธ๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—•๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—™๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐˜€๐˜!

Pagpupugay at pasasalamat sa mga mag-aaral at mga organisasyon mula sa Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Komunidad, at sa buong pamantasan, na nakiisa sa matagumpay na pagkilos. Mula sa CSWCD Walkway, Plaridel Hall, hanggang sa AS Steps, sama-sama nating binigyang tinig ang mga hinaing ng mga estudyante at mamamayan.

Ngunit matagumpay man ang walkout, hindi dito nagtatapos ang paglaban. Hangga't hindi natatamasa ng taumbayan ang tunay na serbisyo sa tao at pag-unlad, patuloy lang tayo kikilos at lalaban kasama ang bayan!

ORGANISADOR NG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN โœŠ

๐——๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—”๐——๐—ข๐—ฅ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก! ๐—•๐—”๐—›๐—”๐—œ๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—กMula noon, hanggang ngayon walang ibang bitbit ang pamily...
17/09/2026

๐——๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—”๐——๐—ข๐—ฅ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก! ๐—•๐—”๐—›๐—”๐—œ๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก

Mula noon, hanggang ngayon walang ibang bitbit ang pamilyang Marcos kundi korapsyon, pasismo, at dugo ng masang Pilipino. Handa nang muling dumaluyong sa lansangan ang nagkakaisang hanay ng mga Organisador ng Bayan upang panagutin ang mga kurakot at ipanawagan ang isang lipunang malaya sa pananamantala at abuso.

Sa nalalapit na paggunita ng ika-54 na anibersaryo ng Martial Law, ipakita natin na hindi muling palulupig ang mga Iskolar ng Bayan sa pasismo at korapsyon!

๐—ฆ๐—˜๐—ฃ๐—ง๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ ๐Ÿญ๐Ÿด ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—ž-๐—ข๐—จ๐—ง ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ฆ๐—ง

๐Ÿญ๐Ÿฌ ๐—”๐—  โ€“ ๐—ฆ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฅ๐—ฎ๐—น๐—น๐—ถ๐—ฒ๐˜€ | ๐—–๐—ฆ๐—ช๐—–๐——
๐Ÿญ๐Ÿฌ:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—”๐—  โ€“ ๐—–๐—น๐˜‚๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป | ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—น ๐—›๐—ฎ๐—น๐—น
๐Ÿญ๐Ÿญ:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—”๐—  โ€“ ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ช๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป | ๐—”๐—ฆ ๐—ฆ๐˜๐—ฒ๐—ฝ๐˜€

๐—ฆ๐—˜๐—ฃ๐—ง๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ ๐Ÿฎ๐Ÿญ ๐— ๐—Ÿ@๐Ÿฑ๐Ÿฐ ๐— ๐—ผ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป



TIGNAN: Inendorso ni Dean Justin Nicolas ang pagkilos sa Biyernes para sa komemorasyon ng Martial Law@54! Bilang mga Org...
16/09/2026

TIGNAN: Inendorso ni Dean Justin Nicolas ang pagkilos sa Biyernes para sa komemorasyon ng Martial Law@54!
Bilang mga Organisador ng Bayan, ilabas natin sa lansangan ang militante at mapanuring diwa at isabuhay ang ating matatag na pangako sa paglilingkod para sa masa at katarungang panlipunan. Sa pakikilahok sa walkout, hindi lamang namin pinapayagan ang mga mag-aaral na makisali sa mga panlipunang kilusan at pagbuo ng kanilang mga kasanayan; kami ay nangangako rin sa militanteng karakter ng aming kolehiyo.

๐Ÿ—“ Setyembre 18, 2026 (Biyernes)
๐Ÿ“ 10 AM - Snake Rallies (Local)
๐Ÿ“ 10:30 AM - Cluster Rallies, PLARIDEL HALL
๐Ÿ“ 11 AM - March to AS Steps
๐Ÿ“11:30 AM - Main Program @ AS Steps



๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—”๐——๐—ข๐—ฅ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ง๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—ช๐—”๐—š๐—”๐—ก ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐— ๐—ข'๐—ง ๐—ž๐—ข๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—กโœŠBilang paghahanda sa nalalapit na malawakang W...
16/09/2026

๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—”๐——๐—ข๐—ฅ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ง๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—ช๐—”๐—š๐—”๐—ก ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐— ๐—ข'๐—ง ๐—ž๐—ข๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—กโœŠ

Bilang paghahanda sa nalalapit na malawakang Walk-Out ng mga Iskolar ng Bayan at pag-alala sa ika-54 taon ng pagpasa ng batas militar ng dating diktador at pasistang Ferdinand Marcos Sr., iniimbitahan namin ang malawak na hanay ng mga Iskolar at Organisador ng Bayan na ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐˜๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿญ๐Ÿณ - ๐Ÿญ๐Ÿต ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ฆ๐—ช๐—–๐—— ๐—ฅ๐—ผ๐—ผ๐—บ ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿญ (๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น ๐—ฅ๐—ผ๐—ผ๐—บ).

Dalhin ang militante at mapanuring diwa kasama ng mga gamit pang-sining, at samahan niyo kaming ipinta at iguhit ang ating mga panawagan at galit. Ipakita nating mula noon hanggang ngayon, ang mga Organisador ng Bayan ay hindi kailanman magpapasupil at magpapasiil sa sinumang diktador at pasista!

๐ŸŽจ Kailan: Setyembre 17 hanggang Setyembre 19
๐Ÿ“ Saan: CSWCD Room 101

Hinihikayat din ang lahat na magdala ng:
๐Ÿ–๏ธ Paints (white, green, black, red, at iba pa)
๐ŸŽจ Paint brushes
๐Ÿ“‹ Chipboards
โœ‚๏ธ Iba pang art materials (markers, scissors, spray paints, atbp.)



๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—–๐—ฆ๐—ช๐—–๐—— ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น ๐—ต๐—ฒ๐—น๐—ฑ ๐—ถ๐˜๐˜€ ๐—š๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—”๐˜€๐˜€๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—น๐˜† ๐Ÿฏ ๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฎ ๐—š๐—ผ๐—ผ๐—ด๐—น๐—ฒ ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜The council discussed update...
15/09/2026

๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—–๐—ฆ๐—ช๐—–๐—— ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น ๐—ต๐—ฒ๐—น๐—ฑ ๐—ถ๐˜๐˜€ ๐—š๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—”๐˜€๐˜€๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—น๐˜† ๐Ÿฏ ๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฎ ๐—š๐—ผ๐—ผ๐—ด๐—น๐—ฒ ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜

The council discussed updates on the Report of Officers and their Committees, and the Chairperson also had their own report. This was followed by the Finalization of the Operational Planning Report and the Student Consultation Planning or Briefing. The Martial Law Commemoration Planning was also discussed, followed by details on the Special Elections or Appointment Planning.



๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—” ๐—ก๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—˜๐—– ๐Ÿฑ!Malaya na sina RC Placido, Kenneth Castorโ€”mga kapwa Iskolar ng Bayanโ€”kasama ng buong LEC 5 mula sa i...
13/09/2026

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—” ๐—ก๐—” ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—˜๐—– ๐Ÿฑ!

Malaya na sina RC Placido, Kenneth Castorโ€”mga kapwa Iskolar ng Bayanโ€”kasama ng buong LEC 5 mula sa ilegal na pag-aresto at pagkakulong nila noong September 10, 2026 sa BGC habang nagpoprotesta laban sa Pax Silica at gumagampan bilang Paralegal sa hanay.

Tumitingkad ang pasismo sa patuloy na pagkamulat ng masang Pilipino sa imperyalistang panghihimasok at pandarambong na hatid ng Pax Silica at ng Estados Unidos. Ang nangyaring ilegal na pag-aresto sa mga kapwa nating Iskolar ng Bayan at mga mamamayang lumalaban ang nagpapatunay na mas handang supilin ng administrasyong Marcos Jr. ang masang Pilipino sa pagsulong nito ng karapatan niya sa lupa, kabuhayan, at kaligtasan kaysa panagutin ang mga tunay na yumuyurak sa buhay at yaman ng bansa.

Mga Iskolar at Organisador ng Bayan, hindi pa tapos ang laban at patuloy tayong tinatawag ng panahon na kumilos! Patuloy na gumugulong ang pagtatatag ng Luzon Economic Corridor kasama ang inisyatibang Pax Silica ng Estados Unidos. Harap-harapan ang pambabastos at pagyurak ng alyansang US-Marcos sa karapatan at kabuhayan ng mga magsasaka, katutubo, at mga ordinaryong Pilipino.

Sa pagharap ng LEC 5 sa mga gawa-gawang kasong isinampa sa kanila ng kapulisan. Mas kinakailangan nating pag-igtingin ang kolektibo nating pwersa upang ipanawagan ang kanilang kawalang-sala, tuluyang wakasan at bigyang tigil ang Pax Silica Initiative at isulong ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon!



๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—–๐—ฆ๐—ช๐—–๐—— ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น ๐—ต๐—ฒ๐—น๐—ฑ ๐—ถ๐˜๐˜€ ๐—š๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—”๐˜€๐˜€๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—น๐˜† ๐Ÿฎ ๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜ ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿญ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฎ ๐—š๐—ผ๐—ผ๐—ด๐—น๐—ฒ ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜.The council discussed updates...
13/09/2026

๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—–๐—ฆ๐—ช๐—–๐—— ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น ๐—ต๐—ฒ๐—น๐—ฑ ๐—ถ๐˜๐˜€ ๐—š๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—”๐˜€๐˜€๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—น๐˜† ๐Ÿฎ ๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜ ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿญ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฎ ๐—š๐—ผ๐—ผ๐—ด๐—น๐—ฒ ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜.

The council discussed updates on the Ratification of the Student Council's Constitution, and each council member reported on their tasks and committees. This was followed by the Student Council's Assessment of their August performance through a SWOT Analysis. The unification and planning for September events were also discussed, followed by College Representative Avila reporting on their 8-day event in Davao for the KSUP National Congress and GASC.



Nananawagan ang College of Social Work and Community Development SC, kasama ang UP Diliman University Student Council, s...
11/09/2026

Nananawagan ang College of Social Work and Community Development SC, kasama ang UP Diliman University Student Council, sa agarang pagpapalaya sa limang paralegal na iligal na inaresto, kabilang ang ating mga kapwa Iskolar ng Bayan na sina Kenneth Castor ng UP Office of the Student Regent at RC Placido ng NNARA Youth UPD.

Sa kasalukuyan, kumakalap na ng pambail para sa ating kasama na si Kenneth Castor. Para sa mga nais magbigay ng tulong, maaaring mag-scan ng QR Code sa ibaba upang makapagpaabot ng pinansyal na suporta.

Anumang halaga ay malaking tulong sa ating mga kasama.



Address

Magsaysay Avenue University Of The Philippines, Diliman
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP CSWCD Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to UP CSWCD Student Council:

Shortcuts

Share