11/10/2023
SK MENTAL HEALTH AWARENESS SEMINAR
Lagi natin naririnig ang mga katagang “alagaan mo kalusugan mo”, “mahalaga ang kalusugan”, “huwag mo pabayaan sarili mo”, “kumain ng maayos”, at kung ano-ano pa sa mga taong nakapaligid sa atin.
Isa sa mga dahilan kung bakit lagi itong sinasabi sa atin ay dahil ang pisikal na sakit ay madaling makita—may mga sintomas ito katulad ng sakit ng ulo, katawan, ubo, sipon, lagnat, atbp.
Ngunit kung gaano kahalaga ang ating kalusugan, ganon din kahalaga ang mental health lalo pa’t hindi ito madaling kilalanin.
Upang mas maging maalam sa bagay na ito, inaanyayahan namin kayo na mag fill out sa form sa ibaba at dumalo sa ating seminar ngayong darating na Sabado, October 14, 2023, mula 8AM hanggang 12PM.
Register here: https://forms.gle/TFhLq2y2HNqybrSy5
Kitakits, Kabataan ng Apolonio Samson!