02/04/2012
Would like to Invite Everyone Tonight (04.02.12) at 7:00PM. Pls do come and let's Meditate together on the New English Translation of the Roman Missal presented by the SBNP Music Ministry and The Diocese of Novaliches School of Liturgical Music. =)
SBNP Music Ministry
in cooperation with the Diocese of Novaliches
School of Liturgical Music
Present:
SALIN: Choral Meditation on the New English Translation of the Holy Mass (Year 3)
1. Pangunahing layunin ng taunang âChoral Meditationsâ ay upang magkaroon ng pag-kakataong umawit ang mga koro ng simbahan ng mga awiting magbibigay inspirasyon sa kapwa mga mang-aawit at manunugtog sa loob ng simbahan para sa pag-diriwang ng mga Mahal na Araw.
2. Ito ay pagkakataon din upang magsama-sama ang mga mang-aawit at manunugtog ng simbahan upang ibahagi ang kanilang mga talent sa bawat isa. Hindi hangarin ng gawaing ito ang makipag tagisan sa larangan ng musika ang mga makikilahok, bagkus itoây para ipakita at ibahagi ang ano mang magandang awitin o tugtuhin na makatutulong upang malinang ang kakayahan ng bawat isa sa musika.
3. Mahalaga ang mga âmeditationsâ na binabasa sa pagitan ng mga awitin o musika upang bigyan ng direksyon ang pagninilay sa panahon ng mga Mahal na Araw. Sa pamamagitan ng mga pag-ninilay na ito ay matutulungan ang mga nakikinig upang magdasal sa saliw ng musika.
4. Sa taong ito, patapos na ang mga pagdiriwang ng ika-25 taong ng San Bartolome, bilang pagsalubong sa bagong âEnglish translationâ ng Banal na Misa at sa Taon ng Pananampalataya na itinalaga ng Santo Papa Benedicto xvi, ang mga awitin, musika at pag-ninilay ay nakatauon sa mga bagong texto ng Misa, Krus at Eukaristiya. Ang Banal na Kasulatan, mga sulat ng mga âFathers of the Churchâ, mga Santo, theologo at mga liturhista ay ang pag-babasihan ng mga pagninilay.
5. Bawat bahagi na maaring awitin sa Misa ay bibigyan ng maikling pag-ninilay, upang makatulong sa pag-papaliwanag ng mga bagong salin sa Ingles at upang makatulong sa pag-papalalim ng âliturgical spiritualityâ ng mga koro, manunugtog at lahat ng dadalo nito.
6. Ang Kura Paroko, bilang Ama ng Parokya, ay siyang magbibigay ng huling pag ninilay pangkalahatan.