04/08/2026
π§Έπ MULA SA MUNTING KAMAY, MALAKING NGITI PARA SA MUNTING BAYANI! ππ§Έ
Taos-puso pong nagpapasalamat ang United Architects of the Philippines β Rizal East Chapter sa mga Sunday School Kids ng Charis Gospel Christian Fellowship (CGCF), Cainta, Rizal, sa kanilang taos-pusong donasyon ng mga preloved toys para sa ating "Little Heroes, Big Smiles" Gift-Giving Activity na gaganapin sa Pediatric Ward ng Pang-alaalang Sentrong Medikal Amang Rodriguez (Amang Rodriguez Memorial Medical Center - ARMMC) ngayong Agosto 8, 2026.
Ang bawat laruan ay maaaring simple sa paningin, ngunit para sa isang batang pasyente, ito ay maaaring maging dahilan ng isang ngiti, pag-asa, at lakas ng loob sa gitna ng kanilang laban sa karamdaman. Maraming salamat, CGCF, sa pagtuturo sa inyong mga kabataan ng diwa ng pagmamahal, pagbabahagi, at malasakit sa kapwa.
π Inaanyayahan din namin ang ating mga:
* UAP Rizal East Chapter Members
* UAP Graduate Auxiliary (UAPGA) Rizal East Chapter
* Mga Arkitekto mula sa ibang UAP Chapters
* Mga Design Professionals
* Mga Bisita at kalahok sa ating CPD Seminar: Introduction to Hospital Planning & Design
na makibahagi sa munting misyong ito sa pamamagitan ng pagdadala ng bagong laruan o maayos pang preloved toys, school supplies, coloring materials, storybooks, o comfort items na maaari nating ipamahagi sa mga batang pasyente ng PEDIA Ward ng ARMMC.
Kasabay ng ating pagkatuto sa larangan ng Hospital Planning and Design, nawa'y maipakita rin natin na ang pagiging arkitekto ay hindi lamang tungkol sa pagdidisenyo ng mga gusaliβito rin ay tungkol sa pagdidisenyo ng pag-asa, pagmamahal, at mas magandang kinabukasan para sa ating komunidad.
Sama-sama nating patunayan na ang bawat munting donasyon ay may kakayahang magbigay ng malaking saya sa isang bata. β€οΈ
Together, We ! π