11/12/2025
Hello everyone. Itโs Aldrin Magpantay again.
This time, gusto kong ikwento kung bakit ko pinili ang trabahong ito at bakit hanggang ngayon, pinipili ko pa rin ito. Alam ko na nung college na gusto ko sa water industry, pero tinuloy ko pa rin ang pagiging civil engineer kahit mahirap ang structural analysis, materials, at transport engineering โ alam kong hindi ko naman magagamit sa gusto kong career. Tinapos ko ito at inisip kung ano ang puwede kong magamit, at buti na lang may hydraulics na nadala ko nang pumasok ako sa water industry.
Sobrang saya ko nung nakuha ko yung trabaho sa Maynilad. Sabi ko, โIto na ang dream job ko.โ Akala ko noon sapat na yung gusto ko sa field at wastewater โ without me realizing kung ano talaga ang tunay na purpose na magiging trabaho ko.
Nagsimula ako bilang field engineer, nag-aanalyse ng sewer network, nag-aayos ng problema sa site, at naghahanap ng paraan para makapagbigay serbisyo sa communities.
Isa sa pinaka-memorable kong experience ay paglakad sa halos lahat ng eskinita at estero ng Metro Manila. Delikado nga sa iba, pero para sa akin, nakikita ko ang normal at masayang Pilipino โ mga batang nagtatakbuhan, may nag-iinuman, may nagkukwentuhan sa tapat ng tindahan. Mararamdaman mo kung gaano kasayahin ang mga Pilipino. Minsan nakakatakot kung bigla kang tanungin, pero pag ngumiti ka lang, ngingitian ka rin nila.
Dito ko rin nakita ang tunay na estado ng wastewater management: mga kanal na puno ng basura, maruruming ilog, at tubig na basta na lang tinatapon kung saan-saan. Na-realize ko na kahit mabaho at madumi ang trabaho, bawat pipe na inaayos at bawat bahay na natutulungan namin ay may epekto sa buhay ng tao.
Hindi naging madali lalo na nung pandemic, pero tuloy ang serbisyo dahil hindi humihinto ang wastewater sa ating mga bahay. Posible lahat dahil sa mentors, engineers, at technicians na walang sawang sumama sa field. Nawalan man kami ng isang technician, patuloy siyang inspirasyon sa aming trabaho.
Dahil sa lahat ng experience at sa mga taong nakasama ko, mas naintindihan ko ang tunay na purpose ng trabaho ko, ng dream job ko.
Gusto ko din ipaalala na yung trabaho ko sa water sector - hindi ito trabaho ng water professionals, private sector, at government lang. Pinakamahalaga ang participation ng communities, ng bawat Pilipino. Because water is a shared responsibility. Mula sa pagprotekta sa bawat patak ng tubig hanggang sa pangangalaga ng ating mga daluyan at katubigan โ lahat ito nagsisimula sa maliliit na desisyon nating bawat isa.
Ang malinis na tubig at ligtas na komunidad ay responsibilidad nating lahat. ๐๐