GMA Kapuso Foundation

GMA Kapuso Foundation DSWD Authority No. : SB-PSP-S-2025-000201
Area Coverage: Nationwide
Valid Until October 15, 2026 This is the essence of being a Kapuso. Mrs.

The GMA Kapuso Foundation (GMAKF), continues to uphold the Network's long tradition of service to the marginalized โ€“ a commitment that serves as the moving spirit behind GMA Network. Through the GMAKF, the Network spreads the gospel of sharing and caring and manifests what being a Kapuso means. And though usually identified as the CSR arm of GMA Network, it is an independent, PCNC-certified, non-s

tock, non-profit, media-based organization. As such, apart from the Network which is its biggest donor, it also relies on partnerships and donations from individuals, groups and corporations in order to operate, those who share in its belief to uplift the lives of the underprivileged Filipinos, especially in the most remote, far-flung and even high-risk security areas of the country. The GMAKF is not a one-man show -- the general public can get involved through the Foundation's volunteering projects. It not only helps but also links up and gets the community engaged. It is quick to respond and answers problems with long-term solutions. It is looking out for one another and helping each other especially in times of need. It is educating the youth and making sure that the students don't miss class simply because they don't have basic school supplies. It is providing nutritious food to those who need nourishment but can't afford it. It is giving the gift of health. It is giving the gift of time. With the Kapuso equity, the Foundation's role in extending help to less fortunate Filipinos became more concrete. In 2003, the late former President Corazon Aquino cited the Foundation as one of the top 20 model organizations in the country. Aquino personally invited the Foundation to join the People Power Movement whose goal is for the betterment of the lives of the Filipinos. In 2009, through the projects of the Foundation, over 800,000 Filipinos were reached and given assistance. The number concretely signifies the commitment of the Foundation to help Filipinos in need one at a time, changing one life at a time; hoping that each and every life it touches becomes the catalyst of change for a better community and a better country. The Foundation has genuinely created and sustained a culture of philanthropy and social commitment among its officers, employees, talents and the communities to which it reaches out.

Following the successful launch of Life Blood PH last April 19, where over 250 students from the University of Perpetual...
24/04/2026

Following the successful launch of Life Blood PH last April 19, where over 250 students from the University of Perpetual Help System DALTA stepped up to the challenge, the mission to save lives continues!

In partnership with JCI Manila, we invite you to join this nationwide movement. Your single donation can provide a second chance at life for our fellow Filipinos in need. โœจ

๐Ÿ“NEXT STOP: The JCI Nationwide Bloodletting 2026 continues this coming Sunday, April 26, at Ever Commonwealth.

Refer to the schedule below for the list of upcoming bloodletting sites and dates in your community.

Whether it is your first time or your tenth, your donation matters. ๐Ÿค

Sa gitna ng krisis sa petrolyo, tila mas bumigat ang sagwan para sa ating mga mangingisda. Masakit na katotohanan: sa ta...
23/04/2026

Sa gitna ng krisis sa petrolyo, tila mas bumigat ang sagwan para sa ating mga mangingisda.

Masakit na katotohanan: sa taas ng presyo ng krudo, mas mahal pa ang konsumo sa langis kaysa sa kikitain mula sa huli nilang isda. Dahil dito, napipilitan ang iba na sa malapit na lamang mangisda kahit kakaunti ang huli, habang ang iba naman ay nakikisakay na lang sa ibang bangka para makihati sa kikitainโ€”mabawasan lang ang gastos sa gasolina.

Sa pagpapatuloy ng Operation Bayanihan, nagtungo ang GMA Kapuso Foundation sa mga fishing community ng Jose Panganiban at Vinzons, Camarines Norte upang maghatid ng munting ginhawa para sa mga apektado ng krisis na ito.

Sa kabuuan, 1,100 mangingisda mula sa limang barangay sa Jose Panganiban at ang island barangay ng Mangcawayan sa Vinzons ang ating nahandugan ng food packs.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa 42nd Infantry "Tagapagtanggol" Battalion ng Philippine Army at Coast Guard Vinzons Camarines Norte sa inyong suporta at pagsama sa isinagawang relief distributions.

Sa bawat kababayang ating natutulungan, napapatunayan na walang malayo sa pusong nagmamalasakit. โค๏ธ

Sa mga nais magbahagi ng tulong para sa ating mga proyekto, maaaring magdeposito sa GMAKF bank accounts o magpadala sa Cebuana Lhuillier. Puwede rin online via GCash, Shopee, Globe Rewards, Metrobank Card at PalawanPay.

Maraming salamat sa inyong walang sawang pakikipagbayanihan, mga Kapuso! โค๏ธ

Doble-pasanin ang kinakaharap ng marami nating magsasaka dahil sa krisis ngayon. Sa Calapan, Oriental Mindoro, nagkabita...
22/04/2026

Doble-pasanin ang kinakaharap ng marami nating magsasaka dahil sa krisis ngayon.

Sa Calapan, Oriental Mindoro, nagkabitak-bitak na ang lupa sa ilang palayan dahil hindi naaabot ng irigasyon. Para mabuhay ang mga pananim, kumukuha sila ng tubig mula sa deep well at ginagamitan ng water pump na pinapagana ng krudoโ€”dahilan para mapunta lang sa abono at petrolyo ang kakarampot na kita mula sa anihan.

Sa taas ng presyo ng petrolyo at abono, madalas ay wala nang natitira para sa kanilang sariling hapag-kainan.

Mga Kapuso, dahil po sa inyong mga donasyon, sa ilalim ng ating , nakapaghatid po tayo ng tulong na food packs para sa 1,300 magsasaka mula sa pitong barangay sa Calapan (Brgy. Bucayao ; Brgy. Panggalaan; Brgy. Buhuan; Brgy. Sta. Cruz; Brgy. Nag-Iba I; Brgy. Nag-Iba II; Brgy. Gutad).

Sa ating munting paraan, nais nating maibsan ang gutom ng mga bayani nating nagpapakain sa bansa.

Nagpapasalamat po kami sa aming partner na Fast Cat na nagtawid ng aming goods papuntang Calapan, Oriental Mindoro. Ganun din sa Calapan City Agricultural Services Department na aming naging katuwang sa distribution.

Makiisa sa ating misyong maghatid ng tulong at pag-asa. Ang inyong anumang donasyon ay malaking tulong upang maabot pa natin ang mas maraming kababayang nangangailangan. Narito ang ilang paraan upang magpaabot ng tulong: Maaaring magdeposito sa GMAKF bank accounts o magpadala sa Cebuana Lhuillier. Puwede rin online via GCash, Shopee, Globe Rewards, Metrobank Card at PalawanPay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala at suporta, mga Kapuso!

"๐ƒ๐š๐ญ๐ข ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ค๐š๐ฆ๐ข ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐จ๐ญ, ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ฆ๐š๐ ๐ก๐š๐ฉ๐จ๐ง ๐ง๐š ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฆ๐š๐ฌ๐ฒ๐š๐๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ ๐š๐ฌ๐จ๐ฅ๐ข๐ง๐š."Ito ang kasalukuyang...
21/04/2026

"๐ƒ๐š๐ญ๐ข ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ค๐š๐ฆ๐ข ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐จ๐ญ, ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ฆ๐š๐ ๐ก๐š๐ฉ๐จ๐ง ๐ง๐š ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฆ๐š๐ฌ๐ฒ๐š๐๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ ๐š๐ฌ๐จ๐ฅ๐ข๐ง๐š."

Ito ang kasalukuyang realidad ng mga mangingisda sa Aurora na hindi lang nakikipagsapalaran sa dagat, kundi pati na rin sa taas ng presyo ng petrolyo at epekto ng nagdaang Bagyong Uwan noong November 9, 2025.

Hindi pa man lubos na nakakabangon ang mga mangingisda sa Casiguran at Dilasag, panibagong hamon naman ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo. Ang iba sa kanila nanghihiram lang ng bangka at lambat dahil nasira ang kanilang kagamitan matapos ang bagyo. Ngayon, para makatipid, hindi na sila pumapalaot ng malayo dahilan para kumonti at mas lumiit ang kanilang nahuhuli.

Upang mabuhay, ang ilan ay pansamantalang nagko-construction, nagmamason, o naglalako ng ice candy at bananaque para lang may maiuwi sa pamilya.

Kaya naman, sa ilalim ng , tayo po ay naghatid ng tulong na food packs para sa ๐Ÿ,๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ฆ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐š sa Aurora. Layunin nating maibsan ang kanilang hirap at magbigay-lakas sa gitna ng mga pagsubok na ito.

Nagpapasalamat din po kami sa aming partners na nakiisa sa bayanihang ito:
๐Ÿฉต Cookmunity by Ajinomoto Philippines
๐Ÿฉต Pacific Synergy Food and Beverage Corp
๐Ÿฉต Kabalikat Civicom 476 Chapter

Sa mga nais magbahagi ng tulong para sa ating mga proyekto, maaaring magdeposito sa GMAKF bank accounts o magpadala sa Cebuana Lhuillier. Puwede rin online via GCash, Shopee, Globe Rewards, Metrobank Card at PalawanPay.

Maraming salamat sa inyong walang sawang pakikipagbayanihan, mga Kapuso! โค๏ธ

Sa bawat paghampas ng alon sa pampang sa Zambales, tila may kasamang buntong-hininga ang ating mga mangingisda. Dahil sa...
17/04/2026

Sa bawat paghampas ng alon sa pampang sa Zambales, tila may kasamang buntong-hininga ang ating mga mangingisda. Dahil sa tindi ng taas ng presyo ng petrolyo, ang datiโ€™y masiglang pagpalaot ay napalitan ng pangambaโ€”paano nga naman susulong kung ang puhunan sa krudo ay mas mahal pa sa kikitain mula sa huli?

Higit sa mahal na krudo, bitbit din nila ang takot at pangamba dahil sa patuloy na tensyon sa Scarborough Shoal. Doble ang sakit: hindi na nga makausad dahil sa mahal ng bilihin, pinagkakaitan pa sila ng pagkakataong makuha ang biyaya mula sa ating sariling dagat.

Sa ilalim ng , agad na tumungo ang GMA Kapuso Foundation sa Zambales upang damayan ang ating mga kababayan. Sa ating pagbisita, ๐Ÿ,๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ฉ๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐š ๐จ ๐Ÿ–,๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ข๐ง๐๐ข๐›๐ข๐๐ฐ๐š๐ฅ mula sa munisipalidad ng ๐Œ๐š๐ฌ๐ข๐ง๐ฅ๐จ๐œ ๐š๐ญ ๐๐š๐ฅ๐š๐ฎ๐ข๐  ang ating natulungan sa pamamagitan ng pamamahagi ng food packs. Sapat man o hindi, layunin nating maibsan ang gutom at iparamdam sa kanila na hindi sila nag-iisa sa laban na ito.

Hindi magiging posible ang misyong ito kung wala ang tulong ng ating partners. Maraming salamat po sa ating transport partner na ๐‚๐… ๐“๐ซ๐š๐ง๐ฌ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐ž๐ฌ na naghatid ng ating goods mula Manila hanggang Zambales, at sa ๐Ÿ”๐Ÿ—๐ญ๐ก ๐ˆ๐ง๐Ÿ๐š๐ง๐ญ๐ซ๐ฒ ๐๐š๐ญ๐ญ๐š๐ฅ๐ข๐จ๐ง, ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž ๐€๐ซ๐ฆ๐ฒ na naging katuwang natin upang maipaabot ang tulong.

Ang inyong kontribusyon ay malaking gaan para sa bawat pamilyang nagsusumikap bumangon araw-araw. Narito ang ilang paraan upang magpaabot ng tulong: Maaaring magdeposito sa GMAKF bank accounts o magpadala sa Cebuana Lhuillier. Puwede rin online via GCash, Shopee, Globe Rewards, Metrobank Card at PalawanPay.

GMA Kapuso Foundation has officially formalized its partnership with JCI Manila's Nationwide Bloodletting 2026. GMAKF wi...
17/04/2026

GMA Kapuso Foundation has officially formalized its partnership with JCI Manila's Nationwide Bloodletting 2026.

GMAKF will utilize its nationwide mass media platforms to amplify awareness and encourage volunteerism for this life-saving cause. By combining the power of media with the spirit of collective action, we aim to mobilize donors across the country and build a steady, reliable blood supply for those in need. โœจ

๐†๐Œ๐€ ๐Š๐š๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ ๐…๐จ๐ฎ๐ง๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐ ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐†๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ ๐จ๐Ÿ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐š๐ง๐ข๐ž๐ฌ ๐‰๐จ๐ข๐ง ๐…๐จ๐ซ๐œ๐ž๐ฌ ๐ญ๐จ ๐‘๐ž๐š๐œ๐ก ๐Œ๐จ๐ซ๐ž ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ๐ฌ. ๐Ÿค๐Ÿ’™The GMA Kapuso Foundation an...
15/04/2026

๐†๐Œ๐€ ๐Š๐š๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ ๐…๐จ๐ฎ๐ง๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐ ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐†๐ซ๐จ๐ฎ๐ฉ ๐จ๐Ÿ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐š๐ง๐ข๐ž๐ฌ ๐‰๐จ๐ข๐ง ๐…๐จ๐ซ๐œ๐ž๐ฌ ๐ญ๐จ ๐‘๐ž๐š๐œ๐ก ๐Œ๐จ๐ซ๐ž ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ๐ฌ. ๐Ÿค๐Ÿ’™

The GMA Kapuso Foundation and the Palawan Group of Companies have officially partnered to provide more convenient ways for Filipinos to extend help to calamity victims and the underserved. By maximizing Palawanโ€™s extensive network of over 3,500+ branches and the user-friendly PalawanPay app, this collaboration makes giving help easier to everyone, everywhere.

The agreement was signed by GMA Kapuso Foundation EVP/COO Rikki Escudero-Catibog, Palawan Group of Companies Co-Founder and Deputy Chairman Angelita M. Castro, Chief Business Development Officer Lisa Lou Castro-Sabado, and Chief Human Resources Officer Korina Castro-Fernando, alongside GMA Kapuso Foundation Program Development and Support Assistant Manager Tracy Cruz.

The event was also graced by the Palawan Group of Companiesโ€™ Founder and Chairman, Bobby L. Castro, and its President and CEO, Karlo M. Castro. They were joined by dedicated employees who gathered to witness this milestone in public service.

In the spirit of "Serbisyong Totoong Maaasahan," a melding of each organization's motto (GMAKF's Serbisyong Totoo" and the Palawan group of companies "Serbisyong Maaasahan at may Malasakit") all the proceeds from this partnership goes directly to GMA Kapuso Foundation projects and missions across the country.

Kilala ang Bauko, Mt. Province bilang isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng de-kalidad na gulay na nakakarating hanggan...
13/04/2026

Kilala ang Bauko, Mt. Province bilang isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng de-kalidad na gulay na nakakarating hanggang Metro Manila at iba pang karatig-lugar. Ngunit sa likod ng masaganang ani, may mabigat na hamon silang kinakaharap.

Nabubulok na lamang ang mga gulay at nalulugi ang mga magsasaka ngayon dahil hindi nila maibaba ang kanilang mga ani dahil sa taas ng presyo ng petrolyo. Ang mga produktong dapat sana ay kanilang pagkakakitaan ay nasasayang lamang dahil sa mahal ng transportasyon.

Upang makatulong sa ating mga vegetable farmers sa Bauko, nagpunta dito ang upang mamahagi ng food packs para sa 1,000 pamilya o 4,000 indibidwal.

Nagpapasalamat din po kami sa aming partners na nakiisa sa bayanihang ito:
๐Ÿฉต Cookmunity by Ajinomoto Philippines
๐Ÿฉต Pacific Synergy Food and Beverage Corp
๐Ÿฉต Sucere Foods

Salamat din sa BlanksUnited para sa Kigen polo shirt at sweatshirt uniforms ng GMAKF team.

Sa bawat donasyong inyong ipinaaabot, hindi lang tayo nagbibigay ng pagkainโ€”nagbibigay tayo ng lakas ng loob sa ating mga magsasaka na huwag sumuko dahil alam nilang mayroon silang karamay sa gitna ng krisis.

Narito ang ilang paraan upang magpaabot ng tulong: Maaaring magdeposito sa GMAKF bank accounts o magpadala sa Cebuana Lhuillier. Puwede rin online via GCash, Shopee, Globe Rewards, Metrobank Card at PalawanPay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala at pakikipagbayanihan, mga Kapuso!

10/04/2026

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, nagpaabot tayo ng tulong na food packs para sa mga tricycle drivers, mangingisda, at vendors sa Cardona, Rizal.

Sa pagkakaisa, walang anumang dagok ng buhay ang hindi natin kayang lampasan. โค๏ธ

๐๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ค ๐ง๐  ๐ ๐š๐ฌ๐จ๐ฅ๐ข๐ง๐š, ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ค๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ค๐š๐ฉ. โœจRamdam ng bawat Pilipino ang bigat ng patuloy na pagtaas ng presyo n...
08/04/2026

๐๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ค ๐ง๐  ๐ ๐š๐ฌ๐จ๐ฅ๐ข๐ง๐š, ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ค๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ค๐š๐ฉ. โœจ

Ramdam ng bawat Pilipino ang bigat ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at bilihin.

Sa Cardona, Rizal, tila doble ang dagok para sa ating mga kababayan. Ang mga mangingisdang pumapalaot at mga tricycle driver na bumabiyahe ay umaasa sa gasolina para kumita, kayaโ€™t bawat taas ng presyo nito ay bawas sa pagkaing maiuuwi nila sa kanilang pamilya.

Kasabay pa nito ang problema sa humihinang huli ng isda sa Laguna de Bay at ang matamlay na pasada sa kalsada. Dahil dito, apektado ang magkakaugnay na kabuhayan ng mangingisda at fish vendors hanggang sa mga tricycle drivers na araw-araw na nakikipagsapalaran sa lawa at lansangan para lamang may maitawid na kita.

Upang maghatid ng kaunting ginhawa sa gitna ng mga pagsubok na ito, Sa ilalim ng ating , tayo po ay nag-abot ng tulong na food packs sa 900 pamilya o 3,600 indibidwal na nasa apektadong sektor sa lugar.

Nagpapasalamat din po kami sa aming partners na nakiisa sa bayanihang ito:
๐Ÿฉต Cookmunity by Ajinomoto Philippines
๐Ÿฉต Pacific Synergy Food and Beverage Corp
๐Ÿฉต Transfer It

Ang inyong munting kontribusyon ay malaking gaan para sa bawat pamilyang nagsusumikap bumangon araw-araw. Narito ang ilang paraan upang magpaabot ng tulong: Maaaring magdeposito sa GMAKF bank accounts o magpadala sa Cebuana Lhuillier. Puwede rin online via GCash, Shopee, Globe Rewards, Metrobank Card at PalawanPay.

Magkakaiba man ang ating mga pinagdaraanan, huwag nating hayaang mapagod ang pusong Pilipino na lumaban at magsikap. Sa pagkakaisa, walang anumang dagok ng buhay ang hindi natin kayang lampasan.๐Ÿ™โœจ

Dama natin ang bigat ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis, lalo na para sa mga sektor na umaasa rito para sa ka...
06/04/2026

Dama natin ang bigat ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis, lalo na para sa mga sektor na umaasa rito para sa kanilang kabuhayan.

Dahil sa taas ng presyo ng krudo, mas mahal pa ang ginagastos ng mga magsasaka sa Mt. Province para ibiyahe ang kanilang mga ani kaysa sa kikitain nila. Ang resulta, bagsak-presyo nalang nila na ibinibenta ang kanilang mga pananim.

Bilang suporta, tumungo ang GMA Kapuso Foundation sa Mt. Province ngayong araw para maghatid ng tulong sa ating mga kababayang vegetable farmers. Bukas naman, ang ating ay pupunta sa Cardona, Rizal para maghatid ng tulong sa mga mangingisda, fish vendors, at tricycle drivers.

Sa mga kapusong nais magpa-abot ng tulong, maaari kayong magdeposito sa aming bank accounts o magpadala sa Cebuana Lhuillier. Puwede rin online via GCash, Shopee, Globe Rewards, Metrobank Card at PalawanPay.

HE IS RISEN! ๐ŸคIn His resurrection, we find hope, strength, and a renewed purpose to serve.
04/04/2026

HE IS RISEN! ๐Ÿค

In His resurrection, we find hope, strength, and a renewed purpose to serve.

Address

2nd Floor, GMA Kapuso Center, Samar Avenue Corner, GMA Network Dr
Quezon City
1101

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GMA Kapuso Foundation posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to GMA Kapuso Foundation:

Share