13/05/2026
𝘚𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘴𝘪 𝘚𝘗 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 2526? 𝗔𝘆𝘂𝗻, 𝗻𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗢𝗹𝗱 𝗕𝗮𝗹𝗮𝗿𝗮!
Kung noon, ang SNSSP ay karaniwang ginaganap sa loob ng unibersidad bilang isang paper presentation at round table discussion kung saan tinatalakay ng mga mananaliksik sa Sikolohiya at SP ang mga bagong kaalaman, pananaw, at usaping may kaugnayan sa lipunan sa mga estudyante, ngayon ay mas lalapit na ito sa komunidad!
Sa kauna-unahang pagkakataon, lalabas ang UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino mula sa apat na sulok ng silid-aralan upang higit na maisabuhay ang tungkulin nitong makiisa sa mga komunidad, magbukas ng mga makabuluhang talakayan at pagbabahaginan ng kaalaman na nakaugat sa karanasan at realidad ng mamamayan, at mas ipayabong ang isang sikolohiyang malaya, mapagpalaya, at mapagpabagong-isip.
Ngayong SNSSP 2526, ang tema ng Sa'n na si SP? ay 𝗦𝗶𝗸𝗼𝗹𝗼𝗵𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼, 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮, 𝗮𝘁 𝗞𝗼𝗺𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱: 𝗞𝗮𝗶𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗧𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗟𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗵𝗮𝘄𝗮’𝘁 𝗠𝗮𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮. Layunin nitong 𝗺𝗮𝗴𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗻𝗮𝘄𝗮 𝘀𝗮 𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗽𝗶𝗿𝗶𝘁𝘄𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗮𝘁 𝗹𝘂𝘀𝗼𝗴-𝗶𝘀𝗶𝗽 𝘀𝗮 𝗹𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗦𝗶𝗸𝗼𝗹𝗼𝗵𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼, 𝗮𝘁 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗺𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘀𝗶𝗹𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗵𝘂𝗯𝗼𝗴 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗯𝘂𝗹𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝘀𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶, 𝗸𝗮𝗽𝘄𝗮, 𝗮𝘁 𝗹𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻.
Ito ay gaganapin sa 𝗶𝗸𝗮-𝟭𝟳 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗼 (𝗟𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼), mula 𝟭:𝟬𝟬 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟯:𝟬𝟬 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻 sa 𝗢𝗹𝗱 𝗕𝗮𝗹𝗮𝗿𝗮 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗵𝘂𝗿𝗰𝗵!
Alamin ang iba pang mga detalye ng SNSSP 2526 sa mga susunod na paglalathala ng Bukluran! Tungo sa sikolohiyang malaya, mapagpalaya, at mapagpabagong-isip 💙💚
Sa pakikipagtulungan ng:
UP Statistical Society
UP College of Social Sciences and Philosophy Student Council
UP Psychedelics
HallyUP
Handog din sa inyo ng:
UP Design Core
UP School of Statistics Student Council
UP Manila Indayog Dance Varsity
UP Association of Chemistry Majors and Enthusiasts
La Consoclacion College Biñan Dalub Isip
UP Batangan
Pasasalamat sa:
Mapúa Psychological Society
UP Subol Society Diliman
UP Psychology Society
UP Supporting PWDs through Exercise and Recreation