B.P.Y.O. (Batang Palaris Youth Organization)

B.P.Y.O. (Batang Palaris Youth Organization) BPYO ( Batang Palaris Youth Organization) is an organization that promotes youth-involvement in the development of the local community of Pook Palaris.

BPYO ( Batang Palaris Youth Organization) is a youth organization that promotes youth-involvement in the development of the local community of Pook Palaris, Barangay UP Campus, Quezon City by organizing events that intend to strengthen the cooperation and solidarity among residents. BPYO is known for continuing the local tradition of the "Taunang Palaro", a series of events, programs, and games he

ld in a single day, December 24, to give joy to the kids of Palaris and to celebrate Christmas. The Taunang Palaro is not just a mere celebration, but a manifestation of the unwavering sense of community of the people of Palaris.

Matagumpay na naipamahagi ang tulong para sa mga pamilyang apektado ng sunog. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at ...
29/03/2026

Matagumpay na naipamahagi ang tulong para sa mga pamilyang apektado ng sunog.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at malasakit ng bawat isa, nakapaghatid tayo ng pag-asa at suporta sa mga nangangailangan.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagbigay ng tulong maliit man o malaki. Patuloy nating ipakita na sa pagkakaisa, may lakas tayo upang bumangon at magsimula muli.

28/03/2026

🔔 PAALALA AT MULING PANAWAGAN 🔔

Magandang araw po!

Muli, kami po ay humihingi ng tulong at kumakatok sa inyong mga tahanan upang mag-abot ng kaunting suporta para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Block 11 (Banana), Pook Palaris.

Sa darating pong March 30, 2026, maraming kabataang biktima ng sunog ang nakatakdang mag-moving up. Karamihan po sa kanila ay mga estudyante mula sa:
• Krus na Ligas High School
• Krus na Ligas Elementary School
• OLFU
• San Francisco High School
• San Vicente Elementary School
• Balara Elementary School

Sa kasalukuyan, patuloy po kaming naghahanap ng mga EXTRA UNIFORMS upang sila ay makadalo sa kanilang mahalagang okasyon.

🤝 Bukas din po kami sa iba pang donasyon tulad ng:
• Damit
• Pagkain
• Medikasyon
• Hygiene kits

📍 Maaaring dalhin ang donasyon sa Pook Palaris Multipurpose Hall
📅 March 28–29, 2026 (2 PM ONWARDS)

📩 Maaari rin po kayong mag-message sa aming page kung nais ninyo itong ipakuha sa inyong tahanan.

Sa simpleng tulong, malaking pag-asa ang naibibigay natin sa kanila. Maraming salamat po sa patuloy ninyong malasakit at suporta. 💛

Magandang araw!Kamakailan lamang ay nagkaroon ng sunog sa Block 11 (Banana) Pook Palaris na nagdulot ng malaking pinsala...
26/03/2026

Magandang araw!

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng sunog sa Block 11 (Banana) Pook Palaris na nagdulot ng malaking pinsala sa ilang tahanan. Sa kabila nito, sama-sama po tayong magtulungan upang matugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhang pamilya.

Para po sainyong kaalaman maraming estudyante na magmo-moving up ceremony sa darating na March 30, 2026. Karamihan sa kanila ay estudyante ng Krus na Ligas High School, Krus na Ligas Elementary School, OLFU, San Francisco High School, San Vicente at Balara Elementary School. Kami po ay naghahanap ng mga extra uniforms para sa mga batang magmo-moving up.

Sa nais pong mag abot ng donasyon, maaaring ihatid ang inyong tulong sa Pook Palaris Multipurpose Hall o mag-message sa aming page kung gusto po ninyo ipakuha sa inyong mga tahanan (March 28-29, 2026). Para sa iba pang katanungan o detalye, maaari po kayong mag-message sa aming page.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong malasakit at suporta.

Mga pangunahing pangangailangan:�• Damit�• Pagkain�• Medikasyon�• Hygiene kits

Matagumpay na naipamahagi ang mga papremyo sa lahat ng nanalo sa ating palaro! 🏆🎁 Kasama sa bawat premyo ang bag na puno...
26/12/2025

Matagumpay na naipamahagi ang mga papremyo sa lahat ng nanalo sa ating palaro! 🏆🎁 Kasama sa bawat premyo ang bag na punong-puno ng mga snacks at kendies bilang pasasalamat sa inyong masiglang pakikilahok. Maraming salamat at muli, congratulations sa lahat ng winners! 💖

📣 PABATID SA MGA NANALO SA PALARO 📣Magandang araw po sa lahat!Una sa lahat, taos-puso po kaming humihingi ng paumanhin d...
26/12/2025

📣 PABATID SA MGA NANALO SA PALARO 📣

Magandang araw po sa lahat!

Una sa lahat, taos-puso po kaming humihingi ng paumanhin dahil hindi po namin agad naipahayag matapos ang Night Event ang iskedyul ng pamamahagi ng mga premyo para sa mga nanalo sa ating mga palaro. Ito po ay dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari at kakulangan sa oras noong gabing iyon.

Nais din po naming ipaabot ang aming taos-pusong pagbati sa lahat ng mga nanalo. Maraming salamat po sa inyong masiglang pakikilahok at walang sawang pag suporta sa aming programa.

🗓 Petsa: December 26, 2025
⏰ Oras: 2:00 PM
📍 Lugar: Gitna

Isa na namang matagumpay na Taunang Palaro sa Pook Palaris! Nagdala ito ng saya at ngiti sa mga bata at pati na rin sa l...
24/12/2025

Isa na namang matagumpay na Taunang Palaro sa Pook Palaris! Nagdala ito ng saya at ngiti sa mga bata at pati na rin sa lahat ng residente ng Pook Palaris. Maraming pamilyar na mukha at may mga bagong nakibahagi, ngunit nananatiling iisa ang aming layunin—ang magbigay ng saya, magtulungan, at palakasin ang samahan sa ating komunidad.

Sa ngalan ng aming organisasyon, BPYO, taus-puso kaming nagpapasalamat sa patuloy na pagmamahal at suporta ng mga residente ng Pook Palaris sa aming taunang palaro. Totoo nga po—walang palaro kung walang kayo. Kaya muli, maraming salamat sa lahat ng nagpaabot ng tulong, oras, at mga regalo upang maging posible at matagumpay ang selebrasyong ito. Hangad namin na patuloy nating palakasin ang samahan at diwa ng bayanihan sa mga susunod pang taon.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa lahat ng residente ng Pook Palaris! 🎉

Main Character Energy, but Make It Eco-Friendly! 💅🏻✨ Sa gabing ito, ikaw ang bida! Halina’t sumali sa “Eco Modelo”, ang ...
19/12/2025

Main Character Energy, but Make It Eco-Friendly! 💅🏻✨ Sa gabing ito, ikaw ang bida! Halina’t sumali sa “Eco Modelo”, ang special night event ng Taunang Palaro sa Disyembre 24!

Ipakita ang iyong malikhain at kakaibang outfit gamit ang recyclable materials at maging bahagi ng isang gabi ng fashion, fun, at creativity!

Register your Future Eco Modelo Winner now!

14/12/2025

Muli tayong magkita-kita sa ika-24 ng Disyembre para sa Taunang Palaro 2025! Pasko na! 🎄

Spooktacular success with BPYO! 🎃👻 BPYO Family united for fun and treats! See you on December 24, 2025 everyone!
26/10/2025

Spooktacular success with BPYO! 🎃👻

BPYO Family united for fun and treats! See you on December 24, 2025 everyone!

Congratulations to all the winners for wearing your spooky-tacular costumes!! 🧟‍♀️🎃
26/10/2025

Congratulations to all the winners for wearing your spooky-tacular costumes!! 🧟‍♀️🎃

Naging matagumpay po muli ang ating aktibidad na Trick-or-Treat! Maraming Salamat po sa mga bata at residente ng Pook Pa...
26/10/2025

Naging matagumpay po muli ang ating aktibidad na Trick-or-Treat! Maraming Salamat po sa mga bata at residente ng Pook Palaris na sumuporta sa nasabing aktibidad!

Maraming Salamat po! Magkita-kita po tayo sa ating taunang palaro DECEMBER 24,2025 :)

Magandang araw! Handa na ba ang nakaka-akit at nakakatakot niyong mga costume? Kitakits bukas at ipag malaki ang inyong ...
25/10/2025

Magandang araw!

Handa na ba ang nakaka-akit at nakakatakot niyong mga costume? Kitakits bukas at ipag malaki ang inyong mga likha! 👻🍭

Paalala: posible pong magkaroon ng pagbabago sa oras kung sakaling biglaang bumagsak ang ulan. Kami po ay labis na humihingi ng pag-unawa para narin sa kaligtasan ng mga kabataang lalahok. Maraming salamat po!

Address

Pook Palaris
Quezon City
1101

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when B.P.Y.O. (Batang Palaris Youth Organization) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to B.P.Y.O. (Batang Palaris Youth Organization):

Share