22/02/2026
Like and share!
𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗘𝗗𝗦𝗔!
Sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA, muling magtatagpo sa lansangan ang mga manggagawa at mamamayan!
Panahon na para igiit ang tunay na sahod at ang pagwaksi sa VAT sa harap ng malawakang katiwalian at pandarambong ng gobyerno!
Mga manggagawa ang nagbubuhos ng pawis at buhay para lumikha ng yaman ng bansa. Tayo ang nagpapatakbo ng ekonomiya, tayo rin ang nagbabayad ng sunod-sunod na buwis! Ngunit sa kabila nito, patuloy ang kagutuman, kahirapan at kawalang-katarungan dahil sa mababang sahod at sa mataas na presyo ng bilihin!
Samantala, marangyang namumuhay ang mga burukrata-kapitalista! Nagpapakain sa kanilang kayamanan mula sa gobyerno bilang negosyo. Patuloy silang nagtatakipan at nagkukubli habang ninanakaw ang kaban ng bayan.
Walang hustisya sa ilalim ng bulok na sistemang ito. Kaya panahon na para kumilos! Panahon na para panagutin ang mga mandarambong!
Bongbong Marcos, Sara Duterte at lahat ng kurakot, DAPAT PANAGUTIN AT IKULONG!
Never Forget! Never Again!