21/09/2025
๐๐ก๐๐๐ก๐ฌ๐๐ฅ๐ข๐ก๐ ๐๐๐๐๐ง ๐๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ฃ ๐ง๐จ๐ ๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐ ๐ฃ๐จ๐ก๐๐๐๐ ๐๐ง ๐๐ข๐ฅ๐๐ฃ๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก!
Nagkakaisang Pahayag ng mga Inhinyero ng Bayan para sa 53rd Martial Law Commemoration
Limampuโt tatlong (53) taon na ang lumipas mula nang ideklara ni Ferdinand Marcos Sr. ang Batas Militarโisa sa pinakamadilim at pinakamadugong yugto sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa loob ng 14 na taon, minaniobra ng diktador ang batas upang kumapit sa kapangyarihan, busalan ang umaalmang mamamayan, at patabain ang sarili at kaniyang mga kroni habang pinagmumukhang alipin ang sambayanang Pilipino.
Sa panahong iyon, naghari ang terorismo ng estado: tinanggal ang karapatang pantao, sinuspinde ang writ of habeas corpus, at ipinatupad ang sunod-sunod na iligal na pag-aresto. Tinatayang 70,000 ang binilanggo, 34,000 ang tinortyur, 3,240 ang walang awang pinaslang, at daan-daang midya ang pinatahimik.
Ngunit kasabay ng pasismo, sumambulat din ang sukdulang korapsyon. Nilugmok ni Marcos ang ekonomiya, nagresulta sa pinakamalalang resesyon sa kasaysayan ng bansa: -7.32% at -7.037% na GDP growth noong 1984โ1985. ๐๐๐บ๐ผ๐ฏ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐จ๐ฆ$๐ฎ๐ด.๐ฎ๐ฒ ๐ฏ๐ถ๐น๐๐ผ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ ๐ป๐ด ๐ญ๐ต๐ด๐ฒ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐๐บ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐๐ถ๐ป๐ด โฑ๐ญ.๐ฒ๐ญ๐ฑ ๐๐ฟ๐ถ๐น๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐๐ธ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ป. Ngunit hindi ito napunta sa serbisyong panlipunan o tunay na imprastrakturang makakatulong sa mamamayan. Sa halip, ibinuhos ito sa mga proyektong pampabango at mga kontratang para lamang sa kaniyang mga kroni, habang patuloy na naghihirap at lumulubog sa utang ang taumbayan.
Ngayon, higit kalahating siglo makalipas, muling nakaluklok sa Palasyo ang isang Marcos at muli ring nabubuhay ang parehong siklo ng pandarambong at panunupil. Sa kasalukuyan umabot na sa 15 ang enforced disappearances, 129 ang extrajudicial killings, 288 na iligal na pagkulong, 571, fake surrenders, 45,097 forced evacuation, 51,206 biktima ng pambobomba, 67, 024 indiscriminate firing, at 10, 225, 414 ang nakatanggap ng paniniktik at red-tagging.
At habang ang taumbayan ay nagugutom at nalulunod sa baha, bilyon-bilyon pa rin ang ibinubuhos sa militar upang bigyang daan ang development aggression sa ating mga kabundukan, kanayunan, at mga lupang katutubo na siyang magbibigay ng limpak-limpak na pera para sa mga dayuhan at burukrata kapitalista.
Mula sa pagpapatayo ng mega dams, wind at solar farms upang makamit kuno ang 100% electrification ng bansa sa 2028 hanggang sa malawakang pagmimina na ang punoโt duloโy exportasyon para sa dayuhan din lang, malinaw na ang ganitong klase ng kaunlaran ay huwad at mapanira.
Ganito rin ang anyo ng maanomalyang flood control project ng gobyerno. ๐ง๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ญ.๐ฏ ๐๐ฟ๐ถ๐น๐น๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐น๐๐๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ธ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐๐๐ผ๐ป sa loob lamang ng apat na taon ni Marcos Jr. Kung hindi substandard ang proyektong tinipid sa materyales, ghost project naman ang iniwan sa taumbayan.
Mega dams, wind at solar farms, flood controlโhindi baโt mga bunga ito ng agham at teknolohiya? ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฏ๐ฎโ๐ ๐ธ๐ฎ๐ ๐ด๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น?
Ngunit bakit ginagamit ang mga ito hindi upang pagsilbihan ang mamamayan, kundi upang supilin at dambungan sila?
Kaya naman bilang mga Inhinyero ng Bayan, mariin naming kinokondena ang paggamit ng aming disiplina upang ipagpatuloy ang siklo ng korapsyon at pasismo ng estado. Ang agham at teknolohiya, sa kamay ng mga mapagsamantala, ay ginagawang kasangkapan para lamang sa interes ng iilan. Ang mga proyektong dapat nagliligtas ng buhay ay nagiging puntod ng mamamayan. Ang mga imprastrakturang dapat nagsisilbi sa masa ay nagiging bantayog ng kasakiman.
Hindi kami nagpupuyat sa mga plates, problem sets, at proyekto sa loob ng pamantasan upang maging galamay ng panunupil at katiwalian. ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ๐บ๐ถ๐ป ๐ถ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป upang payamanin pa ang marangyang buhay ng mga nasa pamahalaan habang naghihikahos ang mamamayan.
๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ธ๐ฎ๐บ๐ถ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐น๐ถ๐บ๐ผ๐. Matagal na tayong binubusalan ng bulok na sistema, at galit na ang taumbayan. Kung kayaโt kasama ang malawak na hanay ng masa, ang mga Inhinyero ng Bayan ngayon ay nagbibigkis upang hindi lamang tindigan ang talamak na korapsyon at pasismo ng estado, kundi upang isulong ang isang Inhinyeriyang Mapagpalayaโisang agham at teknolohiya na tunay na naglilingkod sa sambayanan.
Basahin ang buong pahayag rito: bit.ly/ESCML53UnityStatement
๐๐๐ฏ๐๐ซ ๐๐ ๐๐ข๐ง. ๐๐๐ฏ๐๐ซ ๐
๐จ๐ซ๐ ๐๐ญ.
๐๐ง๐ก๐ข๐ง๐ฒ๐๐ซ๐จ, ๐๐๐๐๐ง๐๐ง ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ซ๐๐ฉ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง! ๐๐๐ค๐ ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐๐๐ซ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ฏ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐๐จ๐ฉ๐ฅ๐!
๐๐๐ ๐๐๐๐๐:
UP Engineering Freshie Council
Inhinyerong Galit Laban sa Korap Network
UP EMCยฒ Fraternity
PICE-ACIP-UPD Student Chapter
UP 49ers
Agham Youth PUP
UP Society of Geodetic Engineering Majors
UP Aggregates, Inc.
UP Epsilon Chi Fraternity
UP Materials Science Society
Agham Youth UPD
UP Industrial Engineering Club
UP Association of Computer Science Majors
UP Engineering Society
UP Academic League of Chemical Engineering Students, Inc.
UP Chemical Engineering Society, Inc.
UP Gears and Pinions
UP Beta Epsilon Fraternity
UP Circle of Industrial Engineering Majors
UP Engineering Radio Guild