21/09/2026
๐ฃ๐๐-๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ก๐๐๐๐ฅ๐๐๐ก, ๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐ก๐๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐จ๐๐จ๐ฌ๐๐ก: ๐ฃ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐จ๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ฆ ๐๐ฎ ๐๐ธ๐ฎ-๐ฑ๐ฐ ๐ป๐ฎ ๐๐ป๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฒ๐ฑ๐ฒ๐ธ๐น๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ ๐ถ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ฟ
Noong Setyembre 21, 1972, nilagdaan ni Ferdinand E. Marcos Sr. ang Proclamation No. 1081, na naglagay sa buong Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar. Ipinresenta ito bilang tugon sa mga banta ng rebelyon at separatismo, ngunit hindi ito opisyal na inanunsyo sa publiko hanggang Setyembre 23 (Samonte, 2023). Sa mga sumunod na araw, 392 establisimyentong pangmidya ang ipinasara, na naglimita sa kalayaan sa pamamahayag at akses sa impormasyon (Yapchiongco, 2022).
Libo-libong Pilipino ang nawalan ng kalayaan, seguridad, at buhay sa ilalim ng Batas Militar. 11,103 biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao ang opisyal nang kinilala, habang tinatayang nasa 70,000 ang ikinulong, 34,000 ang tinortyur, at 3,240 ang pinatay (Yapchiongco, 2022). Tinataya ring nakapagkamal ang pamilya Marcos ng US$5-10 bilyon, kung saan bilyon-bilyon ang kalaunang nabawi ng pamahalaan (The Guardian, 2014). Makalipas ang ilang dekada, nagpapatuloy ang paghahanap ng katarungan para sa mga biktima at pagbawi sa "ill-gotten wealth."
Limampuโt apat na taon na ang lumipas, ngunit ang pag-alala ay nangangahulugan pa rin ng pananatiling mapagmatyag. ๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ ๐๐๐๐๐ก. ๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ ๐๐ข๐ฅ๐๐๐ง. Ang bigat ng mga salitang ito ay hindi nasusukat sa kung gaano natin kadalas inuulit ang mga ito, kundi sa kung ano ang hinihingi nitong gawin natin. Utang natin sa mga nagdusa at lumaban na panatilihing buhay ang kanilang mga kuwento, ipagtanggol ang katotohanan ng kasaysayan, pangalagaan ang kalayaang magsalita at magtanong, at manatiling mapanuri sa mga pinagkatiwalaan ng kapangyarihang pampubliko. Ang mga karapatang minsang nawala ay maaaring mawala muli kapag tumigil tayong maging mapagmatyag.
Bilang mga miyembro ng UP Pre-Medical Society at mga susunod na propesyonal sa larangan ng medisina at kalusugan, naninindigan kami para sa katotohanan, karapatang pantao, at dignidad ng bawat buhay. Tinututulan namin ang pang-aabuso sa kapangyarihan at anumang pagtatangkang burahin ang mga karanasan ng mga biktima ng Batas Militar. Nakikiisa kami sa mga biktima at nagbibigay-pugay sa mga taong, sa kabila ng takot at panganib, ay piniling manindigan at magsalita.
Huwag nating hayaan ang katahimikan ng nakaraan na maging katahimikan din ng kasalukuyan. Ang isang bansang marunong umalala ay dapat magkaroon ng tapang na harapin ang tunay na nangyari at tiyaking hindi na muling magkakaroon ng puwang sa ating lipunan ang ganitong uri ng kawalang-katarungan.
Sources: https://bit.ly/4rn1h5n