18/09/2026
πππππ πππ πππππ ππ ππππππππ πππππ?!?
Ang Pilipinas ang may pinakataas na presyo ng kuryente sa Southeast Asia, sa kabila ng mga batas na dapat nagtitiyak na abot-kaya ito para sa mga karaniwang Pilipino at unti-unting babawas sa pagdepende natin sa maruruming pinagkukunan ng enerhiya.
Ito ang pinag-aralan noong Miyerkules, September 16, ng mga peopleβs organizations (POs) at kanilang mga partner NGOs (Community Organizers Multiversity - CO Multiversity, Urban Poor Associates , at Foundation for the Development of the Urban Poor) na bahagi ng proyektong βDemonstrating Solar PV Integration for Community Housing Initiatives and Empowering Communities for Local Just Energy Transition Actionsβ ng PHILSSA.
Masinsing ipinaliwanag nina Sophia Beatriz Reyes at Krishna Ariola ng P4P - Power for People Coalition ang mga ugat ng mahal na kuryenteng pinapasan ng mga consumers. Kabilang dito ang malaking kakulangan sa pagpapatupad ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) of 2001 at Renewable Energy (RE) Act of 2008.
Binigyang-diin sa capability-building session na ito na wala nang panahong dapat sayangin sa paglipat sa paggamit ng malinis na enerhiya at sa pagbabago ng industriya ng enerhiya na sa ngayon ay kontrolado ng mga malalaking korporasyon.