08/06/2026
MANGGAGAWA, DAPAT SAFE KA | MAG-INGAT SA POSIBLENG AFTERSHOCKS
Matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa offshore Sarangani ngayong Lunes ng umaga, nagdulot ito ng pinsala sa ilang gusali, pagkaantala ng serbisyo ng kuryente at tubig sa ilang bahagi ng Mindanao, at pagsuspinde ng klase at trabaho sa ilang lugar sa unang araw ng pasukan.
โ ๏ธ BABALA: Posible pa rin ang mga aftershocks, kaya manatiling alerto at umiwas sa mga nasirang istruktura o lugar na maaaring mag-collapse.
๐ Tandaan: Sa ilalim ng RA 11058, may karapatan ang mga manggagawa na tumangging magtrabaho kung may agarang panganib sa kanilang buhay at kalusugan. Unahin ang inyong kaligtasan.
๐ Ayon sa DOLE Labor Advisory No. 17-22, maaaring suspendihin ang trabaho sa pribadong sektor sa panahon ng kalamidad o mapanganib na kondisyon upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng manggagawa.
๐ค Panawagan sa lahat ng employer: Sundin ang batas, igalang ang karapatan ng manggagawa, at huwag isugal ang kanilang kaligtasan.
๐ Basahin ang buong advisory dito: https://www.dole.gov.ph/.../labor-advisory-no-17-22.../
๐คฒ Sama-sama nating pangalagaan ang buhay, kaligtasan, at kabuhayan ng ating mga manggagawa.

๐ธ| www.inquirer.net