08/05/2026
𝗣𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝗞𝗶𝗹𝘂𝘀 𝗠𝗮𝗴𝗻𝗶𝗻𝗶𝘆𝗼𝗴 𝘀𝗮 𝗥𝗲𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝗰𝘁 𝗡𝗼. 𝟭𝟭𝟱𝟮𝟰, 𝘁𝗵𝗲 𝗖𝗼𝗰𝗼𝗻𝘂𝘁 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗙𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗰𝘁
𝘚𝘦𝘯𝘢𝘵𝘦 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘵𝘦𝘦 𝘰𝘯 𝘈𝘨𝘳𝘪𝘤𝘶𝘭𝘵𝘶𝘳𝘦, 𝘍𝘰𝘰𝘥 𝘢𝘯𝘥 𝘈𝘨𝘳𝘢𝘳𝘪𝘢𝘯 𝘙𝘦𝘧𝘰𝘳𝘮 𝘗𝘶𝘣𝘭𝘪𝘤 𝘏𝘦𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨
𝘔𝘢𝘺 7, 2026
Maraming salamat po sa pagkakataon na makapagsalita sa harap ninyo. Kami po ang Kilusang Magniniyog, o ang Kilusan para sa Ugnayan ng mga Samahang Magniniyog, na matagal nang nakipaglaban para sa tamang paggamit ng coco levy funds. Ang pondo pong ito ay bunga ng pawis at dugo ng mga magsasaka, at matagal naming ipinaglaban na ito ay maibalik sa amin.
Noong 2021, naisabatas ang Republic Act No. 11524, o ang Coconut Farmers and Industry Fund Act. Ngunit limang na taon na po ang nakalipas, at malinaw na hindi pa rin natutupad ang layunin ng batas na “sustainable, equitable, and accelerated growth” para sa industriya ng niyog. Kaya’t narito po kami upang ipanawagan ang pag-amyenda ng RA 11524.
Una, Transparency and Farmer Representation. Sa Section 10 ng RA 11524, nakasaad: “There is hereby created a Trust Fund Management Committee (TMFC), which shall be comprised of authorized representatives of the Department of Finance, Department of Budgement and Management, and Department of Justice. The BTr shall act as the Trust Fund Management Committee Secretariat…” Maliwanag po na ang komposisyon ng TFMC ay limitado sa mga fiscal agencies.
Wala ang PCA, wala ang DA, at higit sa lahat, wala ang mga kinatawan ng magniniyog. Ang resulta: nakatago ang impormasyon sa mismong mga benepisyaryo ng pondo. Ang coco levy ay hindi dapat maging pondo ng gobyerno lamang, kundi pondo ng mga magsasaka.
Kaya’t nananawagan kami na isama ang farmer representatives at PCA/DA sa TFMC, at magtakda ng malinaw na transparency safeguards tulad ng publikasyon ng taunang financial reports.
Ikalawa, Low Fund Utilization and Misaligned Priorities. Sa Section 9, nakasaad: “The utilization of the Trust Fund… shall be in accordance with the Coconut Farmers and Industry Development Plan… an initial allocation of Five billion pesos (₱5,000,000,000.00) shall be available to the designated government implementing agencies…” At sa Section 4, nakasaad ang detalyadong distribution: seed farms 20%, training 8%, research 5%, crop insurance 4%, farm improvements 10%, shared facilities 10%, credit programs 10%, infrastructure 10%, scholarship 8%, health 10%.
Ngunit ayon kay PCA Administrator Dexter Buted, 42% lamang ng 2025 allocation ang nagamit ng 15 NGAs. Ang pagkalat ng pondo sa mga ahensya na walang direktang ugnayan sa magniniyog ay nagdulot ng mababang utilization at fragmented implementation.
Ang vetoed bill ng 17th Congress (SBN 1233/HBN 5745) ay mas malinaw sa outcome-based allocations: 35% Shared Facility, 15% Farm Productivity, 15% Empowerment, 15% Social Protection, at 20% Agri-credit. Nararapat na balikan ang modelong ito upang masiguro ang direktang benepisyo sa mga magsasaka.
Ikatlo, CIIF OMG Asset Disposal. Sa Section 13, nakasaad: “Coconut Levy Assets… shall be privatized or disposed… within the period of five (5) years from the effectivity of this Act.” Ngunit may mga ulat na ang ilang hold-over directors ay sinasadyang pababain ang halaga ng assets upang makuha ito sa mababang presyo. Ang ganitong undervaluation at insider bidding ay malinaw na naglalagay sa panganib ng interes ng mga magsasaka. Dapat palawigin ang disposal period, magtakda ng independent valuation, at magsagawa ng imbestigasyon sa CIIF OMG operations.
Ikaapat, LandBank–UCPB Merger Transparency. Sa Section 3(b)(i), nakasaad: “Coconut Levy Assets shall refer to… shares of stock in United Coconut Planters Bank (UCPB) that were determined to be owned by the government.” Ngunit matapos ang EO 142 noong 2021 na nag-merge sa UCPB at LandBank, na nagdagdag ng ₱291.83B assets, hindi malinaw kung nakinabang ang Trust Fund. Kailangang magtakda ng malinaw na disclosure requirements hinggil sa epekto ng merger sa coco levy assets at sa Trust Fund.
Ikalima, Local Councils (LCIDCs). Sa Section 4(f), nakasaad: “Shared facilities… beneficiaries… LGUs shall create local small farmers councils to provide mechanisms for consultation and participation.” Ngunit ito ay binanggit lamang nang pahapyaw. Ang Revised CFIDP (MC 84, 2025) ay nag-utos ng kanilang pagtatatag, ngunit ito ay administratibong hakbang lamang.
Dapat ma-institutionalize ang LCIDCs bilang grassroots mechanism para sa farmer participation, monitoring, at feedback.
Ika-anim, ang Kapakanan ng mga Magsasaka. Sa Section 2, nakasaad: “It is hereby declared the policy of the State to consolidate the benefits due to coconut farmers, especially the poor and marginalized… to attain increased incomes for coconut farmers, alleviate poverty, and achieve social equality.” Ngunit sa kabila ng deklarasyong ito, nananatiling pinakamahirap ang 3.5M coconut farmers, na kumikita ng mababa buwan-buwan. Ang RA 11524 ay hindi nagbigay ng malinaw na mekanismo upang gawing measurable outcomes ang policy declaration.
Kinakailangang amyendahan ang batas upang magtakda ng direktang benepisyo: farm productivity programs, value-adding enterprises, scholarships, healthcare, at pension schemes.
Mister Chair, honorable members,
Limang taon na mula nang naisabatas ang RA 11524, ngunit nananatiling pinakamahirap ang mga magniniyog. Ang coco levy funds ay dapat magbigay ng direktang benepisyo sa mga magsasaka, hindi maging pondo ng gobyerno lamang.
Kaya’t nananawagan po kami: revisahin at amyendahan ang RA 11524 upang masiguro na ang coco levy funds ay tunay na mapapakinabangan ng mga magsasaka; ang mga magniniyog na siyang naghirap at nagpawis para sa industriya ng niyog.
Ang KILUS MAGNINIYOG (Kilusan para sa Ugnayan ng mga Samahang Magniniyog) ay isang Pambansang koalisyon ng mga maliliit na magsasaka at manggagawa sa niyugan sa Pilipinas. Binubuo ito ng iba't ibang pambansa at pangrehiyong pederasyon ng mga magsasaka at mga non-government organizations (NGOs). Isinulong ng KM ang kapakanan ng mga magniniyog, partikular na ang pagbawi at paggamit ng Coco Levy Fund para sa direktang benepisyo ng mga mahihirap na magsasaka.
Maraming salamat po.
RENE CERILLA
Co-Convenor ng Kilusan para sa Ugnayan ng mga Samahang Magniniyog (KILUS MAGNINIYOG)
Link to the full coverage: https://www.facebook.com/share/p/1CzkPsUTei/