06/11/2023
Mga Taga-Kubo,
Amin pong ipinapakita sa inyo ang disenyo ng ating Official Souvenir T-Shirt Logo para sa taong ito. Ito ay kaugnay sa tema ng ating Fiesta na “Mga Taga-Kubo : Sinubok ng Pandemya, Bumangon ng Sama-Sama”.
Nasa logo ang imahe ng ating mahal na Patron, San Francisco Javier at sa likod nito ay mga kamay na nag-hagis ng mga Face Mask, hudyat na natapos na ang pandemya.
Ang presyo ng ating T-Shirt ay i-aanunsyo sa isang hiwalay na post. Ang logo ay in-ayon sa iba’t-ibang kulay ng damit (Black, White, Navy Blue).
Mula sa inyong 2023 Fiesta Committee.