23/06/2026
"Ito ay salamin ng malalim na problema sa ating sistema ng edukasyon. Kulang ang seguridad dahil walang tiyak na deployment ng mga guwardiya sa mga pampublikong paaralan. Ang iba nga ay wala kahit bakod. Kulang din ang mga g**o at mabigat ang kanilang trabaho dahil sa mataas na class size, kaya nagsisiksikan ang mga mag-aaral sa mainit at masisikip na silid-aralan. Wala ring sapat na mga guidance counselor na naitatalaga upang gabayan ang mga kabataan. Idagdag pa rito ang kawalan ng malinaw at balanseng polisiya sa disiplina ng mga mag-aaral at ng sistema ng suporta at proteksiyon para sa mga g**o, kaya nalalagay sa alanganin ang kanilang trabaho at awtoridad. Bukod pa rito ang impluwensiya ng kapaligiran, social media at maging ng ilang matataas na pinuno ng bansa na nagiging huwaran ng karahasan. Malalim ang problemang ito at hindi ito malulutas ng mga g**o at ng DepEd lamang."
BENJO G. BASAS
TDC National Chairperon