29/04/2026
๐๐๐ฌ๐ฆ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ก๐ข, ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐ฆ๐๐ข๐๐๐ฅ ๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก, ๐๐๐๐๐ฅ-๐๐๐๐๐ง๐๐๐ก ๐๐ง ๐๐๐๐๐ง ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ง ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐๐๐ก๐ฌ๐ข: ๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐จ๐ฃ ๐๐จ๐ฆ๐ง๐จ๐ฅ๐
Kaisa sa pagdadalamhati ang UP Kustura (Marikenyo Student Organization) sa pamilya, mga kaibigan, at mga kasama ni Alyssa Alano (BA Political Science), kasunod ng trahedyang naganap noong ika-19 ng Abril sa Toboso, Negros Occidental, kung saan siya ay kabilang sa labing siyam na nasawi sa isang brutal na pamamaril na kinasasangkutan ng 79th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines.
Si Alyssa, na nagsilbing Councilor at Education and Research Councilor ng UP Diliman USC, ay kinilala bilang isang masikhay na lider-estudyante at aktibista. Taglay niya ang talino, tapang, at malasakit na inialay hindi lamang sa pamantasan kundi lalo na sa mga komunidad na kanyang piniling paglingkuran.
Una siyang naging organisador sa Sikhay Liwasang Kalayaan sa St. Scholasticaโs Academy Marikina (SSAM), at mula noon, inialay na ni Alyssa ang kanyang sarili sa kapwa. Hinubog bilang isang tunay na anak ng Marikina, dala niya ang diwa ng paglilingkod sa bawat hakbang o mapagpasyang tungkulin na kanyang ginampanan.
Pinili ni Alyssa na makipamuhay sa mga pesanteng magsasaka sa Negros upang higit na maunawaan ang kanilang kalagayan sa gitna ng matinding militarisasyon at mga paglabag sa karapatang pantao. Sa kabila ng kanyang layuning maglingkod at matuto, siya ay naging biktima ng pandarahas ng puwersang militar na hindi kailanman magiging makatarungan.
Isa lamang si Alyssa sa mahaba nang listahan ng mga buhay na inutang ng karahasan. Ang higit pang masahol, patuloy na ginagamit at binubuhos ng estado ang buong kakayahan nito upang magpalaganap ng kasinungalingan at ibaon sa hukay ang mga kuwento ng ating pagpupunyagi, sakripisyo, at pag-ibig sa bayan.
Sa lahat ng ito, taas-kamaong naninindigan ang UP Kustura na ang tunay na edukasyon ay hindi nakukupot sa apat na sulok ng silid-aralan. Bilang mga Iskolar ng Bayan, tungkulin nating ilaan ang ating pag-aaral kung saan pinakananunuot ang krisis sa bansa.
Kami sa UP Kustura ay mariing kinukondena ang lahat ng porma ng karahasan at panlilinlang, at patuloy na ipinapanawagan ang pananagutan at hustisya. Hindi namin hahayaan na maglaho sa katahimikan ang buhay at adhikaing ipinaglaban ni Alyssa. Patuloy kaming nananalangin na dumating ang panahong wala nang buhay na mawawala dahil sa mapaniil na sistema.
Pagpupugay sa iyo, Alyssa. Sa kabila ng milya-milyang distansya na naghihiwalay sa Marikina at Negros, nanatili ang iyong puso para sa pareho. Nananatili, at hindi magmamaliw. Kasama mo kami sa laban para sa katotohanan at katarungan.
Isang taas-kamaong pagpupugay ang aming iniaalay sa iyong alaala.