26/03/2026
| Naghatid-serbisyo tayo sa mga nakawelgang tsuper dito sa E. Rodriguez Sr. Avenue sa Quezon City. Ngayon ang ikalawang bugso ng mas malawak na tigil-pasada ng mga tsuper at opereytor sa pampublikong transportasyon.
Kaisa ang sa laban ng mga tsuper at kapwa komyuter para sa buhay at kabuhayan!
🛢 Presyo ng langis, kontrolin! I-rollback sa P55!
📣 VAT at excise tax sa langis, tanggalin! ⚙️ Pataasin ang sahod ng manggagawa sa P1,200 nationwide at ang kita ng mga tsuper sa pamamagitan ng fare hike!