Workers Federation - Workers for Empowerment, Reforms, and Solidarity

Workers Federation - Workers for Empowerment, Reforms, and Solidarity Workers for Empowerment Reforms and Solidarity (WORKERS) is a national labor federation.

The Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reforms (SUPER) is a national labor federation registered with the Department of Labor and Employment-Bureau of Labor Relations (DOLE-BLR Registration No. 11854 [FED] LC).Formed on 9 April 1997, it is a merger of the United Workers of the Philippines (UWP) and the Philippine Organization for Workers Empowerment (POWER). SUPER Federati

on is composed of unions in Allgemeine Bau Chemie (ABC), Altech, APT Manufacturing, Arcya Glass, Alcos Global, Asgard Corrugated Box, Bonpack Corporation, Everbright Net and Twines, Fairland Knitcraft, Impex Chemicals, Isetann Department Storre, Jason Manufacturing, Latex Rubber Products, Manila Plastic, Philippine Columbian Association, and TNT Papersphere Corporation. SUPER is a member of the Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) and a founding member of the Partido Lakas ng Masa (PLM).

KANINA: Naghain ang grupo ng mga manggagawa ng petisyon sa NCR Wage Board upang gawing P1,500 kada araw ang minimum na s...
27/04/2026

KANINA: Naghain ang grupo ng mga manggagawa ng petisyon sa NCR Wage Board upang gawing P1,500 kada araw ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa kabisera ng bansa. Ang mga manggagawa na kasapi ng WORKERS Federation, Pasig Alliance for Labor Advocacy and Development (PALAD) at Manila Doctors Hospital Employees Association (MDHEA) ay nagkakaisa sa panawagang itaas ang sahod ng mga manggagawa para maka-agapay sila sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

“Ang umento na ibinigay ng NCR Wage Board noong nakaraang taon sa ilalim ng wage order no. 26 at nagtakda sa minimum wage sa NCR sa halagang P695.00 ay malayo na para makatugon sa pangangailangan ng mga manggagawa at kanilang pamilya. Ang mga gastusin para sa pagkain, renta sa bahay, pamasahe, bayarin sa kuryente, tubig, internet, gastusin sa pagkakasakit at iba pang pangangailangan ay hindi na kayang tugunan ng kasalukuyang sahod ng mga manggagawa sa NCR.” ayon kay Joel Camigla, General Secretary ng WORKERS Federation.

Patuloy diumanong dumadausdos ang halaga ng sahod ng mga manggagawa dahil sa patuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin.

Para naman kay Ronald Millano, pangulo ng unyon ng Manila Doctors Hospital, “Kulang na po lalo na sa aming mga manggagawa sa sektor ng kalusugan ang aming suweldo kahit pa kami ay nagtatrabaho nang lampas pa sa sampung oras o nag-o-overtime. Ang masaklap kasi, pagdating ng araw ng sahod ay gula-gulanit na ang aming sweldo, resulta ng mga kaltasin gaya ng SSS, PhilHealth, Pag-Ibig o yaong mga tinatawag na social taxes at siyempre pa ay ang buwis na inaawas sa kakaramput naming kita o ang tinatawag na income tax”.

“Kinikilala ng gobyerno na may krisis dulot o resulta ng gera sa Middle East. Ang problema lang ay ayaw kilalanin ng gobyerno ang mga pangangailangan ng mga manggagawa at maliliit na mamamayan. Na sa panahon ng krisis ay gampanan dapat ng gobyerno ang kanyang tungkulin para ibsan ang epekto ng krisis at ang pagtataas ng sahod ng mga manggagawa ay isang makabuluhang hakbang.” ayon naman kay Jun Colocado ng Alyansang PALAD bilang paliwanag sa isinumiteng petisyon.

Nagsagawa rin ang grupo ng piket protesta bilang programa sa ibaba ng tanggapan ng NCR Wage board sa lungsod ng Pasay upang kalampagin ang nasabing sangay ng gobyerno na aksyunan ang petisyon ng mga manggagawa. “Hindi ayudang pansamantala ang hinihingi ng mga manggagawa kungdi ang makabuluhang umento para maka-agapay sa hirap na dinaranas. Wala dapat namamatay sa kakapila at paghihintay ng barya-baryang ayuda at ginagawang pulubi ang mga manggagawa. Dapat na agarang magpatupad ng sapat na dagdag sahod ang gobyerno,” ayon kay Julius Panday ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)

Mula sa pagsasanib ng Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reforms (SUPER), UNION Federation, at ...
27/04/2026

Mula sa pagsasanib ng Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reforms (SUPER), UNION Federation, at Metro East Labor Federation, pormal nang itinatatag ang Workers for Empowerment, Reform, and Solidarity o ang WORKERS Federation. Ang hakbang na ito ay tugon sa pangangailangan para sa pagpapalakas ng pederasyon na tunay na kakatawan sa interes ng mga manggagawang Pilipino. Ang WORKERS Federation ay pormal nang nakarehistro sa Department of Labor and Employment nitong nakaraang Abril.

Bilang isang national trade union federation, ang WORKERS Federation ay nakatuon sa pagbibigay ng direktang serbisyo at suporta sa lahat ng aming mga kasapi. Palalawakin nito ang ating pagkilos sa bawat industriya sa buong Pilipinas sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga unyon at pagbibigay ng komprehensibong edukasyong politikal upang patalasin ang kamalayan ng mga manggagawa. Kasabay nito, magiging katuwang ang pederasyon sa pagbibigay ng maaasahang serbisyong legal para sa pagtatanggol sa mga karapatan, gayundin ang paglulunsad ng mga skills training upang iangat ang antas ng kasanayan ng ating mga miyembro.

Naninindigan ang WORKERS Federation para sa mga pundamental na karapatan ng mga manggagawa na matagal nang ipinagkakait. Pangunahin rito ang pagkamit ng sahod na nakabubuhay, ang pagtitiyak sa security of tenure, at ang pagtatanggol na karaptan sa paguunyon at pagoorganisa. Magkapit-bisig tayo sa pagpanday ng isang kinabukasang may katarungan at tunay na dignidad para sa lahat. Itaguyod natin ang isang sistema kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga lumilikha ng yaman ng lipunan, hindi lang sa iilang bilyonaryo't dinastiya.

Mabuhay ang WORKERS Federation! Mabuhay ang uring manggagawa!

Anunsyo para sa mga apektado ng kasalukuyang krisis. Mangyaring makipag-ugnayan sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino.
14/04/2026

Anunsyo para sa mga apektado ng kasalukuyang krisis. Mangyaring makipag-ugnayan sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino.

Sa gitna ng pagsirit ng presyo ng langis, pagkain, at kuryente, patuloy na nagtatago ang gobyerno sa likod ng “market forces” at “global supply issues.” Hindi ito isang insidente lang, sapagkat ito ay produkto ng naaagnas na sistema.

Pabigat nang pabigat ang gastos sa produksyon, at bumabagsak na ang kita. Ang mga negosyo ay nagsisimulang mag-retrench, mag-'downsize', at mag-'right-size' mga salitang nagpapaganda ng isang katotohanang malupit: tinatanggal ang mga manggagawa para protektahan ang kita ng mga ganid at mapagsamantalang kapitalista.

Samakatuwid, ito ay malinaw na pagpapasa ng bigat ng krisis sa mga pobreng manggagawa.

Para sa anumang katanungan at agarang tulong na kailangan sa panahon ng krisis, mangyaring makipag-ugnayan sa aming tanggapan gamit ang mga detalyeng nakalakip sa post na ito.

Matapos ang isang buwang bargaining deadlock, matagumpay na nagtapos ang collective bargaining re-negotiation sa pagitan...
05/03/2026

Matapos ang isang buwang bargaining deadlock, matagumpay na nagtapos ang collective bargaining re-negotiation sa pagitan ng Metrodragon Steel Employees Union-SUPER at ang management ng Metrodragon Steel.

Bunga ng sama-samang pagkilos ng unyon, makakatamasa ang mga manggagawa ng Metrodragon ng makabuluhang dagdag-sahod kalakip ang mga ibang benepisyo lagpas sa nakasaad sa Labor Code. Ang tubo sa industriya ng bakal ay bilyun-bilyon na siyang direktang produkto ng lakas-paggawa na ibinubuhos ng mga manggagawa sa pabrika. Lalo pa't tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, iginiit ng mga manggagawa ng Metrodragon na nararapat lamang na itaas ng kanilang sahod at benepisyo.

Hindi sa mga nag-aastang tagapagligtas at siga makakaasa ng tulong ang mga manggagawa. Makakamit ito sa ating pagsasama-sama bilang unyon at kilusan. Kaya inaanyayahan natin ng lahat ng manggagawa: magorganisa, mag-unyon, at makibaka!

ANUNSYO: Magkakaroon ng Pangkalahatang Asamblea ang SUPER Federation sa Linggo sa Las Pinas. Inaanyayahang dumalo ang la...
24/01/2025

ANUNSYO: Magkakaroon ng Pangkalahatang Asamblea ang SUPER Federation sa Linggo sa Las Pinas. Inaanyayahang dumalo ang lahat ng ating lokal. Makipag ugnayan sa ating General Secretary David Binuagan para sa inyong pagdalo.

Pahayag mula sa ating National President.
16/01/2025

Pahayag mula sa ating National President.

06/01/2025
06/01/2025
MANGGAGAWA NG HANDYMAN, NAGWELGA SA ROBINSONS HQ"Union busting sa Robinsons Retail, wakasan" - BMP pres Luke EspirituSa ...
05/01/2025

MANGGAGAWA NG HANDYMAN, NAGWELGA SA ROBINSONS HQ
"Union busting sa Robinsons Retail, wakasan" - BMP pres Luke Espiritu

Sa umaga ng ika-anim ng Enero, naglunsad ng welga ang mga manggagawa mula sa Handyman-True Value-Pet Lovers Empowered Workers Union (HANEP) bilang tugon sa malawakang pagtanggal sa trabaho ng 122 na manggagawa sa ilalim ng Robinson’s Retail Holdings, Inc. (RRHI) ng bilyonaryong pamilyang Gokongwei ($3.2 billion net worth noong 2024).

Ipinutok ng mga manggagawa ng welga sa main depot ng Handyman sa Manila Bay Spinning Mills compound sa Marikina ng alas kwatro ng umaga, subalit itinaboy ng maraming mga security guard at pulis Marikina.

Dahil dito, agad tumungo ang mga manggagawa sa headquarters ng RRHI--ang kompanyang may-ari ng Handyman--sa 110 E. Rodriguez, Jr. Avenue, Bagumbayan, Libis, Quezon City at matagumpay na naitayo ng picketline.

Ito ang pangalawang welgang ikinasa ng HANEP, na nagwelga noong Nobyemre 2021 dahil sa pagtanggal ng RRHI management sa union officers nito.

May tatlong "business units" ang RRHI--ang popular na hardware stores na Handyman at True Value, and ang pet supply store na Pet Lovers.

Ang HANEP ay isang lokal na unyon sa ilalim ng Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reforms (SUPER), isa sa dalawang labor federation sa ilalim ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), ang pambansang labor organization na pinamumunuan ng labor leader na si Luke Espiritu.

Ang malawakang pagtanggal sa mga manggagawa ay bunsod panggigipit ng Robinsons sa HANEP at mga miyembro nito dahil sa epektibo nilang nalalantad ang mapanlinlang na iskemang kontraktwalisasyon sa kompanya. Ito ay union busting na maituturing bilang isang strikable issue.

“Maliwanag dapat sa lahat na ang galawan ng RRHI ay kontra-manggagawa at lantarang iligal,” ayon kay Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) President Luke Espiritu, na personal na nakilahok sa welga kasama ang mga unyonista ng Handyman.

“Bawal sa batas natin ang magtanggal ng mga manggagawang isinisusulong lamang ang kanilang karapatan sa pamamagitan ng pag-uunyon.”

“Hindi nakikita o kinikilala ng mga bilyonaryo tulad ng mga Gokongwei ang mga manggagawa bilang tao,” ika ni Espiritu “Para sa kanila ang mga manggagawa ay numero lamang sa isang spreadsheet na maari nilang tanggalin basta-basta para lang pataasin ang kanilang kikitain.”

“Hindi krimen ang pag-oorganisa at pagbubuo ng unyon, ito ay pansangga o shield na itinadhana ng Konstitusyon para sa mga manggagawa laban sa pang-aabuso katulad ng isinasagawa ng mga ganid na koporasyong tulad ng Robinsons,” paliwanag ni Rodel Andes, union president ng HANEP at General Secretary ng BMP.

“Hindi tayo naririto upang manggulo, tayo ay narito upang siguraduhin na nakukuha ng mga manggagawa ng Handyman ang nararapat na respeto, benepisyo, at proteksyon na naayon sa kanila.”

Ipinananawagan ng mga manggagawa sa Robinsons management ang agarang pagbabalik sa mga manggagawa at unyonista kung gusto nitong resolbahin ang welga.

"Mananatili kami rito sa Libis hangga't hindi ibinabalik ng Robinsons ang mga manggagawang kanilang tinanggal," ani Andes.

Iginiit naman ni Espiritu ang agarang pagwawakas sa lahat ng anyo ng kontraktwalisasyon, partikular ang pagpapasara sa mga manpower agencies na nagpapanggap na "employer" ng mga manggagawa at artipisyal na bunubura ang relasyong "employer-employee" relationship sa pagitan ng manggagawa at kompanyang tunay nilang pinagtratrabauhan.

"Ang pambubudol ng mga manpower agencies sa kanilang pagpapanggap bilang 'employer' ang siyang pangunahing anyo ng kontraktwalisasyon sa bansa, kahit na ang totoong may 'power of control' sa mga manggagawa ay ang mga 'prinsipal' na kompanya gaya ng Robinsons. Mapapalaya natin sa kontraktwalisasyon ng milyong-milyong manggagawa kung bubuwagin natin ang ganitong parasitikong iskema ng page-empleyo at kilalanin lamang bilang nag-iisang anyo ng page-empleyo ang 'direct-hire' ang lahat ng manggagawa para maseguro ang regular na trabaho," giit ni Espiritu. # # #

UNION BUSTING AT KONTRAKTWALISASYON, TALAMAK SA ILALIM NG PAMUMUNO NI MARCOSDalawang tanggalan ang ginawa ng management ...
07/12/2024

UNION BUSTING AT KONTRAKTWALISASYON, TALAMAK SA ILALIM NG PAMUMUNO NI MARCOS

Dalawang tanggalan ang ginawa ng management sa dalawang unyon ng SUPER Federation kamakailan.

Una ang mahigit 100 manggagawa ng Robinson's Handyman na pawang myembro ng Handyman Empowered Workers Union (HANEP-SUPER). Tuntungan ng management ang deklarasyon ng NLRC na kontraktwal ang mga manggagawang tinanggal, taliwas sa desisyon ng Labor Arbiter na sila'y regular na manggagawa ng Robinsons Retail Holding, Inc.

Kasalukuyang naka-file ang Notice of Strike ng HANEP-SUPER at ilang mga picket protest ang isinagawa ng unyon sa harap ng DOLE at ng kanilang depot sa Marikina.

Sa Las Pinas, tinanggal ng management ng BF Resort Village (BFRV) ang isang board member ng BFRV Employees Union gamit ang gawa-gawang paratang. Agad namang rumebak ang unyon sa pamamagitan ng picket protest sa BFRV.

"Sa kabila ng bangayang Marcos-Duterte, patuloy na walang patumangga ang mga kapitalista sa paglabag sa security of tenure at right to organize ng mga manggagawa. Mga karapatan itong protektado ng Konstitusyon pero kampante ang mga kapitalista na labagin ito sa ilalim ng walong taong pamumuno nina Rodrigo Duterte at Bongbong Marcos," ani SUPER Federation President Joel Camigla.

Isinusulong naman ni Luke Espiritu, Bukluran ng Manggagawang Pilipino National President, na "walang mapapala ang mga manggagawa sa mga Marcos, Duterte, at mga trapong dinastiya na inuunang pag-awayan ang paglustay ng pera ng taongbayan at ang poder sa kapangyarihan sa halip na siguruhin ang disenteng trabaho at pasahod sa mga manggagawa."

"Habang nagsasarswela ang mga pwersa ng Kadiliman at Kasamaan, walang pumipigil sa pag-abuso ng mga kapitalista sa mga manggagawa. Gaya ng mga manggagawang Koreano, kailangan nang tumindig ang manggagawang Pilipino bilang nangungunang pwersang pampolitika sa bansa at labanan ang anti-manggagawang dinastiya ng mga Marcos at Duterte at " ani Espiritu, na may pagtukoy sa malawakang pagkilos ng mga unyon sa Timog Korea laban sa dineklarang Martial Law doon.

KANINA: Pagkilos ng mga manggagawa sa pangunguna ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino at SUPER Federation sa DOLE para s...
25/11/2024

KANINA: Pagkilos ng mga manggagawa sa pangunguna ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino at SUPER Federation sa DOLE para sa pambansang dagdag sahod at pagbuwag ng provincial rates. Sa panahon na nagwawasakan ang pwersa ng kadiliman ni Marcos at pwersa ng kasamaan ni Duterte, wala sa agenda ng mga trapong ito ang usapin ng sahod.

Wala kina Marcos at Duterte ang solusyon sa ating kahirapan. Kikilos ang uring manggagawa para sa interes ng masang mamamayan. Dagdag-sahod, ngayon na! Provincial rate, buwagin!

Habang nagwawasakan ang mga pwersa ng kadiliman nina Marcos at pwersa ng kasamaan nina Duterte, ngayong Linggo tinipon n...
24/11/2024

Habang nagwawasakan ang mga pwersa ng kadiliman nina Marcos at pwersa ng kasamaan nina Duterte, ngayong Linggo tinipon ng SUPER Federation, sa pamumuno nina Pres. Joel, Executive VP Teddy, VP-Expansion Rodel, GenSec David, at Treasurer Amy ang dalawa nitong lokal sa Paranaque at Tondo upang ipaliwanag na napapanahon nang iabante ang politika ng manggagawa laban sa politika ng trapong dinastiya.

Sa Pasig naman, tumungo si VP-Legal Merck sa asambleya ng Pasig Labor Alliance upang katawanan ang ating pambatong Senador Luke Espiritu para himukin ang manggagawang Pasigueno na palagan na ang kasamaan at kadiliman. Kasama sa asambleyang ito ang isa pa nating kandidatong Senador na si Ka Leody de Guzman.

Bitbit ng programa ng SUPER Federation, Luke Espiritu, at Leody de Guzman:

*Pambansang taas sahod at pagbuwag ng provincial rate.

*Pagwakas ng kontraktwalisasyon at pagbuwag ng manpower agencies.

*Dagdag proteksyon sa karapatang mag-unyon.

*Paglansag ng mga political dynasty.

*Proteksyonan ang kalikasan.

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Workers Federation - Workers for Empowerment, Reforms, and Solidarity posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Workers Federation - Workers for Empowerment, Reforms, and Solidarity:

Share

Category