13/09/2025
Kawayan: Kalikasan, Kabuhayan, Kaunlaran sa Kinabukasan Para sa Bagong Pilipinas
Happy Bamboo Month!
Kaisa ang DENR National Capital Region sa pagdiriwang ng Philippine Bamboo Month.
Ito ay mas binibigyang pagkilala tuwing buwan ng Setyembre upang kilalanin ang kanilang kahalagahan bilang isang likas-yaman na may malaking ambag sa kalikasan, kabuhayan, at kaunlaran ng bansa.
Sa temang "Kawayan: Kalikasan, Kabuhayan, Kaunlaran sa Kinabukasan para sa Bagong Pilipinas," layunin ng selebrasyong ito na itaguyod ang pagtatanim at paggamit ng kawayan bilang sustainable na alternatibo sa mga mapaminsalang materyales, paigtingin ang papel nito sa climate change mitigation, at palakasin ang bamboo industry bilang kabuhayan para sa mga komunidad.
Mahalaga rin ang papel ng kawayan sa mga urbanisadong lugar tulad ng Metro Manila, nakatutulong ito sa pagbawas ng polusyon, pagkontrol ng baha, at pagbibigay ng luntiang espasyo na mahalaga sa kalusugan at kapaligiran.
Sa pamamagitan ng sabayang pagtatanim ng kawayan sa buong bansa ngayong Setyembre 13, kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., pinapalakas ang mensahe ng pagkakaisa tungo sa isang mas luntian, mas matatag, at mas progresibong Bagong Pilipinas.
Ang DENR-NCR ay nakatakdang isagawa ngayong araw ang isang Bamboo Planting Activity sa Valenzuela City bilang ambag sa sabayang pagtatanim ng kawayan sa buong bansa!