21/06/2026
πβπΌβπβπΎ πππΈππΌππΌβπ
πππππ ππππ
ππππππ ππππ ππ ππππ πππππππππππ ππ πππππ πππππ π
ππ ππππππ ππππππ ππππππππ (ππ ππππ) ππππππ β ππππππ πππ ππππππππππ π
ππ πππ πππππππππππ ππ
ππππππππ
Magandang araw po sa ating mga kasamahan sa media, mga kapwa g**o, mga lingkod-bayan, at sa lahat ng nakikiisa sa laban para sa karapatan at kapakanan ng mga pampublikong g**o.
Ngayong taon, ipinagdiriwang natin ang ika-60 anibersaryo ng Republic Act 4670 o Magna Carta for Public School Teachers. Ngunit habang ipinagdiriwang natin ang mahalagang batas na ito, hindi natin maikakaila ang isang masakit na katotohanan: animnapung taong gulang na ang Magna Carta, isa nang senior citizen, ngunit marami sa pinakamahahalagang probisyon nito ay nananatiling hindi ganap na naipatutupad.
Sa loob ng anim na dekada, paulit-ulit na ipinangako sa mga g**o ang proteksiyon, benepisyo, makataong kondisyon sa paggawa, at pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa paghubog ng bansa. Ngunit hanggang ngayon, marami pa ring g**o ang walang sapat na health programs, nabibigatan sa mga gawaing hindi naman pagtuturo, at hindi natatanggap ang mga benepisyong malinaw na nakasaad sa batas.
Nakakalungkot isipin na habang tumatanda ang Magna Carta, tila nananatili namang bata sa pagpapatupad ang ating pamahalaan. Ang batas ay naroon sa papel, ngunit ang mga g**o ay naghihintay pa rin ng ganap na katuparan nito.
Sa panahon ngayon na kinakaharap ng ating bansa ang malalim na hamon sa edukasyon, mula sa learning gaps hanggang sa kalidad ng pagkatuto, iisa lamang ang malinaw na mensahe: Invest on our teachers.
Hindi natin maaasahang tataas ang kalidad ng edukasyon kung patuloy nating pinababayaan ang kalagayan ng mga g**o. Hindi magiging mahusay ang pagtuturo kung ang oras ng g**o ay nauubos sa napakaraming non-teaching tasks, reports, clerical work, at iba pang gawaing dapat ay hindi na nila pasan. Ang g**o ay dapat nasa sentro ng pagtuturo at pagkatuto, hindi nalulunod sa mga gawaing administratibo.
Kaya malinaw ang aming panawagan:
ππͺπ£π π©ππ ππππ£π πΎππ§π©π. ππ’π₯π‘ππ’ππ£π© π©ππ ππππ£π πΎππ§π©π. πΌπ£π ππ’π₯π‘ππ’ππ£π© ππ© π£π€π¬.
Hindi sapat ang pagkilala sa mga g**o tuwing may pagdiriwang. Hindi sapat ang mga salita ng pasasalamat. Ang kailangan ng mga g**o ay kongkretong aksyon, sapat na pondo, at buong pagpapatupad ng batas na matagal nang ipinagkait sa kanila.
Sa ngalan ng Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers (ASSERT), nananawagan kami sa pamahalaan, sa Department of Education, sa Kongreso, at sa lahat ng kinauukulang ahensya: ganap na pondohan at ipatupad ang lahat ng probisyon ng Magna Carta for Public School Teachers.
Pagkatapos ng 60 taon, sapat na ang paghihintay.
ππβππΌππΌβπ πβπΌ ππΈπΎβπΈ βπΈβππΈ βππ. βπ βππββπππππΌ.