31/08/2026
Masdan mo ang sitwasyon ng ating lipunan at ipagpalagay ang estado ng mga matang lubog sa puyat at pagod. Sa iyong pagmamasid, makikita ang mga hamong nanghahasik sa ating mga kaisipan na magpadala na lamang sa agos. Marahil, bunsod sa kaisipang wala nang patutunguhan ang bayang sinilangan. Ang bulok na sistemang higit na nagpapagutom sa kumukulong tiyan, ang pagkayod ng karaniwang manggagawa para lamang makipagkarerahan sa siksikang biyahe pauwi, at ang bulsang pasan-pasan ang pagpapakain sa kanyang mga paslitโโdi bale na ang kanyang sarili. Ilan lamang ang mga ito sa pang-araw-araw na pakikipagsapalaran ng mga maralitang Pilipino. Masdan mo ang sitwasyon ng ating lipunan at loobin ang tanong na ito: ๐๐ข๐บ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ข๐ด๐ข ๐ฑ๐ข ๐ฃ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ด?
Ngayong huling araw ng Agosto, ginugunita tayo ng mga alaala ng mga bayaning marubdob na ipinaglaban ang bayan. Hinangad nilang palayain ang mga Pilipino sa kamay na bakal ng mga mananakop at makamtan ang kalayaang ipinagkait sa atin. Subalit, tunay nga bang nakamtan natin ang kalayaang ito? Sa kabila ng mga pagsusumamo at sa lungkot na bumabagabag sa mga pusong hindi mapakali, ating bigyang-diin ito: ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ธ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ธ๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ด๐น๐ผ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป. Hindi nagtatapos ang pakikipaglaban tungo sa mas patas, progresibo, at ligtas na pamayanan, kundi nagpapatuloy sa mga mamamayang handang tumindig, magsalita, at kumilos.
Ang mga tsuper na tangan ang pangarap ng mga pasaheroโt maging ang kanilang pamilya.
Ang mga marangal na manggagawang patas na nakikipagsapalaran sa buhay.
Ang mga kabataang patuloy na isinasalin hindi lamang ang mga ideya, kundi ang konsensya at pag-asang isiniwalat ng mga yumaong bayani.
Hindi kailanman nagtatapos ang laban, nagpapatuloy ito sa mga kuwentoโt karanasan ng mga ordinaryong Pilipino na tangkang hubugin ang pagtakbo ng lipunan. Sa makasaysayang araw ng mga bayani, ibig ng UP Psychedelics na isapuso ang mga kuwento ng mga tanyag at lokal na identidad, at higit pa rito, ipagdiwang ang kakayahang tumindig, makialam, at maging bahagi ng patuloy na pagbabago ng bayan.
Mabuhay ang mga ๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฏ๐ช.
Isabuhay ang kakayahang maging ๐๐๐๐๐๐. โ
*kMabagsik
*kPatuloyNaBabagsik
*kolohiyangMapagkalinga