03/08/2026
Sino si Charm?๐
Si Charm ay kasalukuyang nanunungkulan bilang SK Kagawad ng Barangay Sta. Monica, isang kabataang lider na piniling maglingkod nang may malasakit, integridad, at pananagutan. Sa kanyang panunungkulan, aktibo siyang nagsusulong ng mga programang nakatuon sa edukasyon, kabataan, at pagpapaunlad ng komunidad, sa paniniwalang ang tunay na lider ay tunay na naghahatid ng konkretong serbisyo.
Bilang isang Cum Laude graduate ng Bachelor of Science in Management Accounting sa Quezon City University at isang Certified Bookkeeper ng National Certified Bookkeepers Institute Inc., pinatunayan ni Charm na ang sipag, disiplina, at dedikasyon ay susi sa tagumpay. Nagtapos din siya ng Senior High School with Honors sa Our Lady of Fatima University โ Quezon City sa ilalim ng Accountancy, Business, and Management (ABM) Strand, at kinilala bilang Honor Student noong Junior High School. Isa rin siyang Scholar ng Quezon City Youth Development Organization (2022โ2026) at dating Dance Scholar ng Quezon City Performing Arts Development Foundation Inc. (2015โ2019). Dagdag pa rito, nakumpleto niya ang kanyang internship bilang COA Intern sa NACC na lalo pang humubog sa kanyang kakayahan sa propesyon at pampublikong paglilingkod.
Hindi lamang sa akademya namumukod-tangi si Charm. Nagsilbi rin siya bilang Vice President for External Affairs ng Youth Aguardiente South, Educational Head Committee ng Youth Aguardiente South, Committee of Membership and Sustainability ng Junior Philippine Institute of AccountantsโQCU, at DSWD Tara! Basa! Tutor sa Villa Verde Elementary School. Isa rin siyang aktibong Parish Youth Ministry Member ng National Shrine and Parish of Our Lady of Mercy (NSPOLM) at nagtapos bilang Area Catechist noong 2023. Ang bawat karanasang ito ay nagpatibay sa kanyang paniniwala na ang pamumuno ay tungkol sa pagbibigay ng pagkakataon, paglingap sa kapwa, at tapat na paglilingkod.
โจHangad ni Charm na ipagpatuloy ang nasimulang mga programa at maghatid pa ng mas maraming proyektong makabuluhan para sa kabataan at buong komunidad. Siya ay isang lider na may kakayahan, may puso, at handang kumilos para sa kapakanan ng bawat mamamayan ng Barangay Sta. Monica.
CHARM-ing na Serbisyo, Para sa Pagbabago!๐โจ
Chairman of Active Citizenship:
SK Kagawad Leila Charm Duero