27/05/2025
Tips para lumaking mabuti ang anak mo:
1. Turuan ng respeto sa tahanan pa lang.
Kung marunong rumespeto sa magulang, kapatid, at kasambahay, madadala niya ito kahit saan.
2. Ipakita, hindi lang ituro, ang kabutihan.
Ang bata ay mahusay manggaya, kaya kung gusto mong maging mabait siya, maging mabuti ka rin sa kilos at salita.
3. Ipagdasal mo siya araw-araw.
Hindi mo kayang bantayan palagi, pero may Diyos na laging nakabantay.
At turuan mo siyang magdasal at manalig sa Panginoong Jesus Kristo upang lumaki siya na may takot sa Dios at sumusunod sa kaloob ng Dios.
4. Disiplina na may pagmamahal.
Kung papaluin mo siya, ipaliwanag mo kanya kung ano ang kasal-anan niyang nagawa upang matuto siyang maging matuwid.
5. Pakinggan ang kwento nila, kahit paulit-ulit.
Ang batang naririnig at naiintindihan, lumalaking may tiwala sa sarili at sa magulang.
6. Turuan siyang humingi at magpatawad.
Ito ang sikreto ng maayos na pakikitungo sa ibang tao marunong magpakumbaba at magmahal.
7. Maglaan ng oras, hindi lang pera.
Walang laruan o gadget ang makakapalit sa oras ng kulitan, kwentuhan, o simpleng sabay na pagkain.
8. I-celebrate ang maliliit na tagumpay.
Para maramdaman niyang mahalaga siya, kahit hindi siya laging โnumber one.โ
Walang perfect recipe para lumaking mabuti ang bata pero pinakamahalaga na tayo ang reflection at nagpapakita dahil totoo na tayo ang kanilang role model simula maliit pa lang sila, piliin natin maging mabuting tao๐