04/08/2026
Isinagawa ang muling inspection ng Meralco sa Kaingin Bukid bilang bahagi ng planong pagsasaayos ng mga nakalaylay at delikadong kable ng kuryente na matagal nang suliranin sa ating komunidad. Isa ito sa mga pangunahing isyung inilapit ng ating samahan upang mabigyan ng pangmatagalang solusyon.
Kabilang sa mga planong isasagawa ang pagtatayo ng mga bagong poste at pagdaragdag ng mga kuntador upang maging mas maayos, ligtas, at maaasahan ang suplay ng kuryente sa buong Kaingin Bukid.
Patuloy po kaming nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya upang maisakatuparan ang proyektong ito at patuloy naming ipapaabot sa inyo ang mga susunod na update.
Maraming salamat po!