22/05/2025
ππΌππΌππΌππΌπ ππΌππΌ ππΌ πππΌ πππΎππ ππππππππππ
Sa katatapos pa lamang na Pambansa at Lokal na Halalan 2025, ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ay muling nananawagan sa mga taos-pusong boluntaryo na handang ialay ang kanilang oras, galing, at malasakit para sa bayan!
Maging kabahagi ng ating misyon para sa isang malinis, tapat, at mapayapang halalan. Kailangan namin ng mga boluntaryo para sa auditing at verification ng 2025 National and Local Elections upang masigurong tugma ang resulta mula sa mga presinto sa resulta ng opisyal na bilang. Isa ito sa mga pinakapuso at mahalagang bahagi ng pagbabantay sa halalan!
Ito ay magaganap sa PPCRV Command Center, 2nd Floor PLDT Sampaloc Office, EspaΓ±a Blvd., Macaraig St., Sampaloc, Maynila. Ito po ay bukas mula 9:00 AM hanggang 9:00 PM, araw-araw, Lunes hanggang Linggo
Walang maliit na ambag kung ito ay nagmumula sa puso. Ang bawat boluntaryo ay mahalaga, ang bawat tulong ay may saysay. Ito ang ating paraan upang ipaglaban ang kinabukasan ng ating bansa β sa tahimik, tapat, at makabuluhang paraan.
Tara, mag-volunteer na! Maging mata at tinig ng katotohanan sa halalan.
Sama-sama nating bantayan ang boto ng sambayanan!
ππ π§πππ πππ!
ππ πππ πππππ, ππ π πππππππππ!
(Caption by: Luigi Peji)