25/02/2026
๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐จ๐ค๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐ ๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฐ
Sa daang pasan-pasan ang yapak ng milyong katao;
Milyong Puso, Milyong Sigaw, Milyong Dasal laban sa kapangyarihan,
Galit ng mga Pilipino ay patungong EDSA,
Ang Demokrasya ay Gumagalaw.
Dekadang nakalipas nung naging malaya ang bansa;
Malaya sa kamay ng Dayuhan at pinalitan ng sariling kapwa,
Unti-unting pag lago ng kapangyarihang nakasentro sa pangsarili lamang.
Ang sagot sa pag-usbong sa galit ng mamamayan,
Dekada Sitentaโy batas militar na ang umiral.
May iilan na piniling hindi maging tahimik;
Piniling maging boses ng masa kahit sa rurok ng panganib,
Bakit?
Kasi may karapatan.
Buwan ng pebrero kung saan naging punto ng pagbabago;
Araw ng ikadalawampuโt lima kung saan nagkapit-bisig ang masa,
Taong Isang Liboโt Siyam na Daan at Walong puโt Anim kung saan
Patuloy ang pagtindig,
Patuloy na pagsigaw,
Patuloy na pagdasal laban sa kapangyarihan.
Sa daang pasan-pasan ang yapak ng milyong katao;
Milyong Tumindig, Milyong Lumaban, Milyong Nagkaisa,
Pag-asa ng mga Pilipino na umusbong simula sa EDSA,
Tunay ngang Demokrasya ay Gumagalaw.