NORFIL Foundation, Inc.

NORFIL Foundation, Inc. NORFIL Foundation, Inc. NORFIL is also an accredited member of the Philippine Council on NGO Certification (PCNC).
(1)

is a national, non-stock, non-profit, non-governmental organization registered with the Securities and Exchange Commission (SEC), and licensed and accredited by the Department of Social Welfare and Development (DSWD) since 1984. NORFIL advocates for an inclusive community and a world where every child is loved and cared for in a family.

14/08/2026

Yung akala mo ang hinahanap mo lang ay trabaho, pero ang makikita mo pala ay tahanan.

Nag-apply si Ricky sa NORFIL na may simpleng hangarin: makakuha ng trabaho. Hindi niya inakala na sa paglipas ng panahon, matatagpuan niya rito ang isang lugar na magiging makabuluhan sa kanya.

Sa NORFIL, natuklasan niyang mas masarap sa pakiramdam ang magtrabaho at maging bahagi ng isang makabuluhang gawain.

Mula sa isang simpleng aplikasyon, naging tahanan ang NORFIL.

Ito ang ni Ricky. Mayroon ka bang ?

14/08/2026

May mga kuwentong nagsisimula sa isang henerasyon at nagpapatuloy sa susunod, at iyon ang ni Juliet. đź’š

Lumaki si Juliet na nakikita ang kanyang mga tatay na naglilingkod sa NORFIL. Ngayon, siya naman ang bahagi ng organisasyong minsang naging bahagi ng kanyang pamilya.

Para kay Juliet, higit pa sa trabaho ang pagiging bahagi ng NORFIL. Naniniwala siyang may dahilan kung bakit siya napunta rito, isang pagkakataong ipagpatuloy ang misyong matagal na niyang nasaksihan at gawing bahagi ng sarili niyang buhay ang paglilingkod sa iba.

Mula sa pagiging anak ng isang NORFIL staff, hanggang sa pagiging bahagi mismo ng NORFIL, isang kuwentong tila isinulat para sa kanya.

Ito ang ni Juliet.

13/08/2026

Sa likod ng bawat batang nakakahanap ng pamilya at ngumingiti ay may mga katulad ni Eva, Social Worker ng NORFIL’s CC&P Program in Cebu, na napapangiti at sumasaya rin.

Isa sa pinakamagagandang bahagi ng kanyang trabaho ay ang makita ang mga batang nagkakaroon ng pagkakataong maranasan ang buhay na may pamilya, maging sa pansamantalang pag-aaruga o sa isang permanenteng tahanan sa pamamagitan ng adoption.

Hindi madali ang proseso. Sa likod ng bawat placement ay maraming pag-uusap, pagtatasa, paghahanda, at pagsubaybay. Ngunit para kay Eva at sa mga social worker ng NORFIL, sulit ang lahat kapag dumating ang araw na makita nilang may batang nakahanap na ng pamilyang matatawag na kanya.

Para sa isang social worker, ang tagumpay ay hindi lamang matapos ang isang kaso. Ito ay kapag ang isang bata ay nakahanap ng lugar kung saan siya minamahal, inaalagaan, at tunay na kabilang.

Ito ang ni Eva. Ikaw, may ka ba?

12/08/2026

Minsan, ang kuwentong binabago natin ay siya ring kuwentong nagbabago sa atin. đź’š

Para kay Joy, Community Development Officer ng NORFIL’s ECFI Ilocos Sur, ang trabaho sa komunidad ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng suporta. Ito rin ay tungkol sa pakikinig, pagkatuto, at pagbuo ng mga ugnayang tunay na tumatagos sa puso.

Sa kanyang mga karanasan sa pakikipagtulungan sa mga bata, pamilya, at komunidad, nakita niya kung paano nakaaantig sa buhay ang gawain ng NORFIL. Ngunit higit pa rito, natuklasan niyang ang NORFIL ay hindi lamang nagbibigay-inspirasyon sa mga taong kanilang pinaglilingkuran, kundi binabago at binibigyang-inspirasyon din nito ang sarili nitong mga tao.

Dahil sa bawat buhay na naaabot, may taong natututong mas umunawa, mas makinig, at mas maniwala sa posibilidad ng pagbabago.

Ito ang ni Joy. Ikaw, ano ang sayo?

12/08/2026

LIVE | Kabataan may Kapansanan: Mga Pangarap, Hamon at Tagumpay

Ang bawat kabataang may kapansanan ay may sariling kuwento—mga pangarap na gustong maabot, mga hamong nalampasan at mga tagumpay na bunga ng kanilang sipag, tapang at determinasyon.
Sa episode na ito ng Inklunasyon, makikilala natin ang mga kabataang may kapansanan na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa kanilang komunidad. Maririnig natin ang kanilang mga karanasan, pananaw at mga adhikain para sa isang lipunang tunay na inklusibo at may pantay na oportunidad para sa lahat.
Inaanyayahan namin ang lahat—mga kabataan, magulang, g**o, organisasyon at mgaka-inklunasyon na makiisa sa usapang ito. Sama-sama nating kilalanin ang kakayahan ng bawat isa at palakasin ang boses ng mga kabataang may kapansanan.

Live streaming at E-Net Philippines, PCUNCRPD, SeeSaw, NORFIL Foundation and other FB pages.

REPLAYS Available on InkluNasyon YouTube channel: https://youtube.com/

Northern Samar LGUs lead disability rights and inclusion activitiesAs part of the observance of the 48th National Disabi...
12/08/2026

Northern Samar LGUs lead disability rights and inclusion activities

As part of the observance of the 48th National Disability Rights Week with the theme “Rights First, Legislation Forward – Strategic Action for Equal Participation and Inclusive Development,” 14 NORFIL ECFI program partner LGUs in Northern Samar conducted disability-sensitivity orientations reaching 533 stakeholders, including barangay officials, health workers, child development workers, and LGU personnel.

Implemented in partnership with NORFIL’s Enabling Communities for Inclusion (ECFI) Program, the orientations strengthened participants’ understanding of disability rights, inclusion, and relevant laws and policies. Trained youth, persons with disabilities, and parents of children with disabilities also served as resource persons, sharing their lived experiences and promoting meaningful participation.

The active leadership of the partner LGUs in organizing and implementing these activities reflects the continuing gains of the collaboration between the local governments and NORFIL’s ECFI Program. More and more, local governments are taking greater ownership in promoting disability-inclusive and rights-based services, while NORFIL continues to provide technical support and partnership. This growing local initiative is an encouraging indication that the shared efforts to strengthen inclusive communities are becoming embedded in local systems and practices.

This initiative demonstrates Northern Samar’s growing commitment to accessible, equitable, and inclusive communities for persons with disabilities and their families.

10/08/2026

Hindi lahat ng pagtuturo ay nangyayari sa loob ng silid-aralan.

Para kay Khams, Community Development Officer ng NORFIL’s ECFI Ilocos Sur, ang tunay na pagkatuto ay maaaring magsimula sa komunidad: sa pakikipagkwentuhan, pakikinig, at paglalakbay patungo sa mga pamilyang nangangailangan ng suporta.

Minsan, nangangahulugan ito ng tatlong oras na paglalakad para makarating sa isang komunidad. Pero sa bawat hakbang, may pagkakataong matuto, makibahagi, at mas mapalapit sa mga batang at pamilyang kanilang pinaglilingkuran.

Sa kanyang , ibinahagi ni Khams kung bakit mahalagang dalhin ang pagkatuto kung nasaan ang mga tao. Dahil ang bawat bata ay may karapatang matuto, makilahok, at mabilang sa komunidad.

Ito ang isang . Ano naman ang sa iyo? đź’š

Ano ang iyong  ? đź’šSa loob ng 42 taon, hindi lang mga programa at proyekto ang nabuo sa NORFIL kundi pati na rin mga kuwe...
10/08/2026

Ano ang iyong ? đź’š

Sa loob ng 42 taon, hindi lang mga programa at proyekto ang nabuo sa NORFIL kundi pati na rin mga kuwento, pagkakaibigan, aral, at alaala na dala ng mga taong naging bahagi ng ating paglalakbay.

Ngayong , kilalanin natin ang ilan sa mga matagal nang kasama ng NORFIL at pakinggan ang kanilang .

Dahil ang 42 taon ng NORFIL ay 42 taon ding puno ng mga kuwentong karapat-dapat alalahanin at ipagpatuloy. đź’š

Ikaw, ano naman ang mo? Comment below!

STAY SAFE AND READY!Narito ang ilan sa mga emergency hotlines na pwede ninyong tawagan kung sakaling kailangan ninyo ng ...
09/08/2026

STAY SAFE AND READY!

Narito ang ilan sa mga emergency hotlines na pwede ninyong tawagan kung sakaling kailangan ninyo ng tulong. Kung kinakailangan, maaaring makipag-usap sa inyong mga local government offices para sa agarang pag-responde.

Manatili po tayong nag-iingat.

STAY READY: SAVE THESE EMERGENCY NUMBERS 📝🚨

Keep these emergency contact numbers handy as heavy rains brought by the southwest monsoon, or habagat, continue to affect parts of the Philippines, triggering flooding and disrupting communities.

Follow our live updates here: https://inqnews.net/HabagatPHAugust9

05/08/2026

LIVE | White Cane: Seeing Rights Beyond Sight

Tuwing Agosto 1, ipinagdiriwang sa buong Pilipinas ang White Cane Safety Day—isang mahalagang paalala na ang puting tungkod ay hindi lamang pantulong sa paglalakad. Simbolo rin ito ng kalayaan, dignidad, seguridad, at karapatan ng mga bulag at persons with visual impairment na makilahok nang buo sa lipunan.

Sa episode ng InkluNasyon ngayong Agosto 5, pag-uusapan natin ang mga karapatan, karanasan, at hamong kinakaharap ng mga gumagamit ng white cane—mula sa ligtas at accessible na mga kalsada at pampublikong lugar hanggang sa pantay na oportunidad sa edukasyon, trabaho, at komunidad.

Samahan kami, dito sa InkluNasyon.

Live streaming at E-Net Philippines, PCUNCRPD, SeeSaw, NORFIL Foundation and other FB pages.

REPLAYS Available on InkluNasyon YouTube channel: https://youtube.com/

Address

16 Mother Ignacia Avenue, Cor. Roces Avenue
Quezon City
1103

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63283723577

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NORFIL Foundation, Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to NORFIL Foundation, Inc.:

Shortcuts

Share