19/05/2025
Kame ang TAGUG JAMMA PINK- Tatalon, isang eksklusibong samahan ng mga LGBTQIA+ na patuloy n nkikipaglaban sa inklusibo, pantay pantay at walang diskriminasyong pagkilala sa pundamentong karapatan ng lahat batay sa SOGIE ng isang individual.
At bilang aktibong samahan ng LGBTQIA+ kame ay ksamang sumisigaw at kumokondena sa COMELEC at Gobyernong Marcos sa pagsikil sa natatanging Samahan sa Party List system na kumakatawan sa mga Kababaihan, LGBTQIA+ at mga bata— GABRIELA WOMEN’S PARTY.
Ito ay tuluyang pagpatay sa pagbbigay kinatawan sa Kongreso ng totoong grupong kmakatawan sa marginalized sector ng Lipunang Pilipino. Kasunud ito ng mabigat na REDTAGGING sa ilang Makabayang Grupo sa Kongreso.
Sa halos isang Dekadang pagsasama ng Tagug Jamma Pink, BAHAGHARI at GABRIELA, nakapaglunsad kame ng ndi mabilang na Outreach Program lalo na nung panahon ng Pandemya. Mgkakasama ang mga grupong ito para personal at direktang tulungan ang mga kafatid nating LGBTQIA+ na sadyang isinantabi ng SOCIAL AMELIORATION PROGRAM na naglalayong bigyan ng Ayudang Pinansyal ang bawat apektadong Pamilyang Pilipino na apektado ng Pandemya. Dahil sa Programang ito hindi kinikilala ng gobyerno bilang Pamilya ang mga LGBTQIA+ na nagsasama bilang Pamilya. Marami pang Programa ang pinagsamahan ng TJP, Bahaghari at Gabriela lalong lalo na kung ito ay patungkol at nakasentro sa mga Kababaihan at mga Bata.
Sa Kasalukuyang resulta ng Midterm Election, lantaran ang panggigipit at pgbabalewala sa GABRIELA WOMEN’S PARTY para magkaroon ng kinatawan ang mga Kababaihan, bata at LGBTQIA+ sa Kongreso. Kinukwestyon po namin ang ilang Puppet na Party List na pmasok sa resulta ng Election na sadyang mula sa dinastiyang politikong trapo.
Paanu na ang mga Kababaihan? mga bata? at ang LGBTQIA+? panu na ang SOGIE BILL? kung wala tayung knatawan sa Kongreso.