25/09/2026
๐๐ง๐๐๐๐ ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐ฅ๐๐ฅ๐๐๐ง๐๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฆ๐๐ข๐๐๐ฅ ๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก! ๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐ฆ๐ฃ๐ฅ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก, ๐ฃ๐๐-๐ข๐ข๐ฅ๐๐๐ก๐๐ฆ๐, ๐๐ง ๐ ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐จ๐ง๐ข! โ
Mariing kinokondena ng UPD College of Social Work and Community Development Freshies, Shiftees, and Transferees Council (CSWCD FSTC) ang tahasang online red-tagging ng isang Facebook user na nagngangalang โ๐๐ฆ๐ญ๐ช๐ด๐ด๐ข ๐๐ข๐ฏ๐ต๐ฐ๐ด ๐๐ถ๐ค๐ฆ๐ฏ๐ขโ (Relissa Santos Lucena) kay John Paul Ong, bagong-halal na Vice Chairperson ng UPD University Freshie Council, at sa mga kapwa natin Iskolar ng Bayan na nagpapahayag ng suporta.
Sa kaniyang page, nakaattach ang larawan ni Ong sa isang post ni Lucena kung saan kinakahon ang aktibismo bilang ๐ฑ๐ด๐บ๐ค๐ฉ๐ฐ๐ญ๐ฐ๐จ๐ช๐ค๐ข๐ญ ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ฐ๐ค๐ต๐ณ๐ช๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ kung saan hinuhulma umano ang mga estudyante na magalit sa kanilang magulang, paaralan, at sa bansang kinabibilangan. Aniya, dudulo umano ang radikalisasyon sa pagpili na maging New Peopleโs Army fighter. Patuloy rin ang pag-atake sa mga kapwa estudyante na nagpapahayag ng pagkondena.
Higit dalawang taon na mula noong ilabas ng Korte Suprema ang desisyon nitong nagdedeklara na ang ๐ณ๐ฆ๐ฅ-๐ต๐ข๐จ๐จ๐ช๐ฏ๐จ, ๐ท๐ช๐ญ๐ช๐ง๐ช๐ค๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ, ๐ญ๐ข๐ฃ๐ฆ๐ญ๐ญ๐ช๐ฏ๐จ, at ๐จ๐ถ๐ช๐ญ๐ต ๐ฃ๐บ ๐ข๐ด๐ด๐ฐ๐ค๐ช๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ay matinding banta sa buhay, seguridad, at kalayaan ng isang tao (G.R. No. 254753, Deduro v. Maj. Gen. Vinoya). Walang batayan nitong inaakusahan ang isang tao o grupo ay konektado sa o bahagi ng grupong CPP-NPA-NDF para siraan sila at bigyang-katwiran ang pamamasismo sa mga kabataan tulad ng panghaharass, pang-aabuso, iligal na pag-aresto, at pamamaslang.
Samantala, minsan na ring iniulat ng Philippine Collegian, ang opisyal na pahayagan ng UP Diliman, si Relissa Lucena, bilang ina ni Alicia Lucena, isang organisador at aktibista mula sa grupong Anakbayan, na nakaranas aniya ng pangmamalupit at pang-aabuso mula sa kanyang ina mula pagkabata. Ayon sa ulat, patuloy ang pakikipagtulungan ni Lucena sa notoryus na redtagger na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pamamagitan ng mga kinabibilangan organisasyong Hands Off Our Children at Yakap ng Magulang Movement.
Hindi na bago ang mga ganitong pag-atake sa mga Iskolar ng Bayan, lalo sa mga estudyante ng ating kolehiyo, dahil bahagi ng praxis natin ang pagpapalalim sa mga usapin, pakikiisa sa mga batayang sektor kasabay ang abanteng pagkilos, at pagtungo sa mga komunidad kung saan nakikipamuhay at natututuhan ang tunay na kondisyon ng masang api. Gayunpaman, hindi ito rason upang hayaan ang anumang porma ng pagbabantaโt panreredtag sa mga Iskolar ng ayan, dahil malinaw na panghahamak ito sa ating demokratikong karapatang magpahayag, mag-organisa, at matuto mula mismo sa mamamayan.
Ang mga ganitong akto ay parte lamang ng mga desperadong pagtatangka ng berdugong estado na palabnawin ang mga panawagan ng kabataan para sa pagbabagong panlipunan. Sa panahon kung saan patuloy na lumalakas ang malawakang pagkilos ng mamamayang Pilipino kontra korapsyon at tiraniya ay patuloy din ang panunupil at inhustisya sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr. sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng pasismo sa mga pamantasan, pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso sa mga kabataang lumalaban, at pangmimilitarisa sa mga kanayunan.
Mga baguhang Organisador ng Bayan, patuloy na manindigan: ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ถ๐๐๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐ธ๐๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด-๐๐ฟ๐ถ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฎ๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐น๐ผ๐ธ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐๐๐ฒ๐บ๐ฎ! Patuloy nating iangat sa ibaโt ibang espasyo at diskurso na ang ๐ฎ๐ธ๐๐ถ๐ฏ๐ถ๐๐บ๐ผ ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฒ๐ฟ๐ผ๐ฟ๐ถ๐๐บ๐ผ, dahil ang tunay na terorista ay yaong nandarahas at nananakot sa mga kabataan upang supilin ang malawak na hanay ng masang dinarahas. Makapangyarihan ang ating pagtindig bilang mga pag-asa ng bayan, kaya lagi-lagi nating piliing mag-isip nang kritikal, gamitin ang karapatang maghayag, at panghalawan ang mga aral na natututuhan sa loob ng apat ng sulok ng silid-aralan para sa sama-samang pagpapanday ng ninanais na kinabukasan para sa kabataan.
๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐จ๐ช๐๐ ๐ ๐๐ง๐๐๐ข๐ง!
๐๐๐ก๐๐ฆ ๐ข๐๐ ๐ฆ๐ง๐จ๐๐๐ก๐ง ๐๐๐๐๐๐ฅ๐ฆ!
๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ฅ๐๐๐๐ข๐ !
๐๐๐๐๐ก๐, ๐๐๐๐๐ก๐ ๐จ๐ฃ!