07/05/2026
Isang matagumpay na medical mission nanaman ang naisagawa sa barangay Sta.Lucia. Ito ay sa pangunguna ng SAN ROQUE COOPERATIVE sa pakikipag tulungan ng PHILHEALTH , yakap provider HEALTHY LINK at syempre ang masipag at laging ka agapay ng mga residente ng barangay sta.lucia CSG D5 adviser former kgd. Lorlie Alejo katuwang ang kanyang partner CSG Sta.Lucia Alpha Chapter Commander Bernard Ortiz.
Nakapag register tayo sa mga non-member ng PHILHEALTH, nakapag bigay din po ng PHILHEALTH YAKAP sa mga wala pa, libreng konsultasyon, libreng laboratoryo, libreng mga gamot, libreng konsultasyon sa mata, libreng masahe at marami pang iba na ikinatuwa ng maraming residente dito sa barangay sta.lucia.
Maglilingkod PARA SA DIYOS AT BAYAN