SWEAP Good Governance Alliance - DSWD

SWEAP Good Governance Alliance - DSWD Good Governance Champions in DSWD's Social Welfare Employees Association of the Philippines

Ang SWEAP Good Governance Alliance ay buong pusong bumabati at sumasalubong sa pagbabalik ni Sir EDUARD AUNG COLOD KYU J...
18/05/2026

Ang SWEAP Good Governance Alliance ay buong pusong bumabati at sumasalubong sa pagbabalik ni Sir EDUARD AUNG COLOD KYU JR., RSW, MSPM, CHRA o Sir Eduard Dis-iw Colod sa DSWD Central Office bilang Project Development Officer IV ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program – National Program Management Office.

Sa panahong higit kailanman kinakailangan ang matatag, makatao, at makabuluhang pamumuno sa serbisyo publiko, ang kanyang pagbabalik ay nagsisilbing panibagong lakas at inspirasyon para sa mga kawani at para sa patuloy na pagsusulong ng mabuting pamamahala sa loob ng Kagawaran.

Bilang isang governance practitioner, propesyunal na social worker, policy advocate, at lingkod-bayan na matagal nang naninindigan para sa integridad, pananagutan, at kapakanan ng mga empleyado, naniniwala ang Alliance na malaki muli ang magiging ambag niya sa pagpapatibay ng pagkakaisa, reporma, at makataong paglilingkod publiko.

Patuloy tayong maninindigan para sa:

💯 Kapakanan at karapatan ng mga kawani

💯 Tapat, responsable, at makataong pamamahala

💯 Makabuluhang partisipasyon at pagkakaisa

💯 Isang DSWD na mas mahusay, mas makatao, at mas makatarungan para sa lahat

Maligayang pagbabalik, Sir Eduard!

Sama-sama para sa tunay na GOOD GOVERNANCE.

Para sa Kawani. Para sa Bayan.


30/04/2026
     Kapag hindi tama ang pamamahala, hindi agad bumabagsak ang sistema, unti-unti nitong pinapahina ang mga taong dapat...
20/04/2026


Kapag hindi tama ang pamamahala, hindi agad bumabagsak ang sistema, unti-unti nitong pinapahina ang mga taong dapat nitong pinaglilingkuran.

Sa bawat desisyong ipinagpapaliban,
sa bawat isyung hindi tinutugunan,
sa bawat boses na naririnig ngunit hindi pinapakinggan, ang tunay na nawawala ay tiwala, dignidad, at direksyon.

Hindi bago ang mga suliranin.
Ang bago ay ang pagiging normal ng kawalan ng aksyon.

Sa loob ng matagal na panahon,
ang ating mga Kawani ay patuloy na umaasa sa isang pamamahalang dapat sana’y:

nakikinig, ngunit higit pa rito, kumikilos
nagre-recognize, ngunit higit pa rito, nagtatanggol
nagpaplano, ngunit higit pa rito nagpapatupad

Ngunit ang nangyari, ang interes ng Kawani ay pinamamahalaan lamang, hindi itinataguyod; inaalagaan sa salita, ngunit hindi ipinaglalaban sa gawa.

Kapag ang pamamahala ay nagiging pormalidad na lamang, ang resulta ay hindi kaayusan kundi pagkapagod, pagkadismaya, at kawalan ng pag-asa.

At kapag ang mga manggagawa ang nawalan ng pag-asa, ang buong institusyon ang nawawalan ng lakas.

Hindi ito simpleng usapin ng proseso.
Ito ay usapin ng pananagutan.
Ito ay usapin ng direksyon.
Ito ay usapin ng paninindigan.

Ang mabuting pamamahala ay hindi nasusukat sa dami ng ulat o pulong. Nasusukat ito sa lakas ng paninindigan, sa bilis ng pagkilos, at sa katapatan sa interes ng manggagawa.

Ang ating Kawani ay hindi dapat manatiling tagasunod lamang ng sistema. Ito ay dapat maging aktibong bahagi sa paghubog nito.

Panahon na upang:

1. Itigil ang kultura ng pagpapaliban
2. Wakasan ang nakasanayang kawalan ng aksyon at
3. Itaguyod ang pamamahalang tunay na may pananagutan at malasakit

Ang direksyon ng pamamahala ay hindi kailanman naging neutral. Ito ay maaaring magpalakas… o tuluyang magpahina.

Ngunit sa huli, ang direksyong tatahakin ay nakasalalay sa kung sino ang kikilos at kung sino ang handang manindigan.

Maging bahagi ng Good Governance Champions!!

Nasa sama-samang pagkilos ang ating tagumpay!!

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SWEAP Good Governance Alliance - DSWD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category