31/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐ฃ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ถ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐ป๐ผ๐ธ๐ผ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐จ๐ฃ ๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ด๐ด๐๐ถ๐๐๐ถ๐ธ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐จ๐ฃ ๐ฆ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ธ๐๐ถ๐ป๐ด๐ด: ๐ง๐ต๐ฒ ๐๐ถ๐ป๐ด๐๐ถ๐๐๐ถ๐ฐ๐ ๐๐ผ๐ฟ๐ฒ ๐๐ฟ๐ผ๐๐ฝ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐บ๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ๐ป: โ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐: ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐๐ถ๐ธ ๐ฎ๐ ๐ง๐๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฌ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐บ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป.โ Kung patuloy ang pagbabago ng wika, hindi sapat na taun-taon na lamang nating ipagdiwang ang mga nalumang pamantayan nito. Maraming dekada na mula nang itinatag ang Buwan ng Wikang Pambansa. Sa mga dekada ring iyon ay marami nang salitang isinilang ng mga malikhaing dila. May mga salitang nagbago ang kahulugan, may mga pariralang nauso at nabigyan ng bagong buhay, at may mga bagong istilong isinilang ng iba't ibang pamayanan. Patunay ito na ang wika ay buhay, nagbabago, at nililikha ng mga mananalita nito. Samakatuwid, panahon na para muling hubugin ng gobyerno ang Buwan ng Wika, bilang pagkikilala sa ibaโt ibang wika sa ating kapuluan.
Pinalawig ang Buwan ng Wikang Pambansa noong Hulyo 15, 1997 nang itinatag ito upang pumalit sa Linggo ng Wika. Ito ay nilagdaan ng dating pangulong Fidel V. Ramos sa Proklamasyon Blg. 1041 (Ramos, 1997), kung saan binigyang-diin ng probisyon ng Saligang Batas sa wikang pambansa, ang kahalagahan ng katutubong wika bilang kasangkapan sa komunikasyon at kaisahan ng mga Pilipino tungo sa ating sariling kasarinlan. Ngunit hindi lang ito ang nag-iisang pagbabagong nangyari, nagkaroon na ito ng maraming pagbabago tulad ng araw kung kailan ito ginugunita at kung anong wika nga ba ang pinapahalagahan nito.
Kapag isang wika lamang ang higit na binibigyang-halaga, hindi lamang mga salita ang hindi maririnig ng ating mga tainga. Kasabay nito ang mga daing ng naisasantabi na mga tao at komunidad na nagsasalita ng mga minoryang wika na ito. Magiging bingi tayo sa kasaysayan, karanasan, at pananaw ng mananalita ng mga wikang higit na hindi binibigyang pansin. Ang hindi pagbibigay ng sapat na proteksyon sa ating mga katutubong wika ay nagdudulot ng kanilang tuluyang pagkalaho, gaya ng nangyari na sa mga namatay na wika sa bansa tulad ng Dicamay Agta, Katabaga, Tayabas Ayta, at Ermiteรฑo (Eberhard et al., 2026). Kapag hinahayaan nating mamatay ang isang wika, pinatay na rin natin ang mga tagapagsalita nito.
Sa usapin hinggil sa ating mga katutubong wika, mayroon namang mga programa ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa pagpreserba ng mga ito, gaya ng Bahay-Wika para sa language immersion at Bantayog ng Wika para sa pagkilala sa mga pamayanang nangangalaga sa kanilang mga katutubong wika (SunStar, 2021; Reyes, 2026). Sa nakaraang dekada naman ay paulitulit na ibinibida ang mga wikang katutubo sa mga tema ng Buwan ng Wika, tulad ng โWikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipinoโ noong 2019, โFilipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunanโ noong 2021, at โPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansaโ nakaraang taong 2025 (Teves, 2019; PTV NEWS PG, 2021; Santos, 2025)
Kung gayon, hindi naman kawalan ang pagkilala sa tamang pagsasabuhay ng tema ng bawat Buwan ng Wika. Ito ay hindi isang buwan para pagsabihan natin ang isaโt isa kung papaano nararapat magsalita. Dapat nagsisilbi ito bilang panahon upang makinig sa ating kapwa at matukoy kung paano ba talaga sila nagsasalita. At kung nais nating ipagdiwang ang wikang patuloy na nagbabago, kailangan din nating harapin ang makabagong teknolohiyang nakakaapekto rito. At hindi rin ito ang buwan para mas bigyang pansin ang katangiang maipagkakaloob ng AI sa wika.
Hindi naman maikakaila ang kakayanan ng Artificial Intelligence. Maaari naman talaga itong makatulong, sa mga linggwista, upang maging kagamitan sa pagsasalin, pananaliksik, at pagtatala. Habang binigyang-diin naman ng KWF ang kahalagahan ng pagiging makatao sa paggamit ng AI at hindi ito magiging dahilan sa pagkawalan ng tirahan ng ating mga katutubo(Naguna, 2026). Dapat ding tignankung ang AI ay gagamitin bilang kasangkapan sa pagbabago; nararapat na mabigyang-pansin kung etikal nga ba ang paggamit ng lahat rito.
Sa halip na mapakinabangan ito sa pagsuporta ng pagsasalin, pananaliksik, at pagtatala, higit na ibinida sa mga paaralan ngayon ang paggamit ng Generative AI sa mga kompetisyon. Mas lalo lamang itong nagiging dahilan upang mag-click, mag-prompt, at mag-generate nang hindi inaalala ang maaaring maging epekto nito sa kapaligiran. Ang Generative AI ay hindi tunay na nakatutulong sa malikhaing pagpapahayag, ninanakaw lamang nito ang nilalaman mula sa mga totoong likha ng tao (Naughton, 2026). Kinakalinga ng KWF ang isang mapanganib na naratibo sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng maling paniniwalang 'hindi na maiiwasan' ang AI dahil narito na ito (Santos, 2026). ๐ช๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด "๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐บ๐ฎ๐ถ๐ถ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป" ๐๐ฎ ๐ฑ๐ฒ๐๐ถ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป; ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ฟ๐ฒ๐๐๐น๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ผ๐น๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ, ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ, ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป. ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ช๐ ๐ป๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ถ๐ธ๐ฎ, ๐ธ๐๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ.
Dapat nating mapagtanto na mas ginagamit ng gobyerno bilang oportunidad ang mga ganitong proyekto, kung saan isinasama ang AI bilang kagamitan sa pang-araw-araw. Makikita ito sa pagpapapasok ng mga banyagang kompanya at pagtatatag ng semiconductor at advanced-manufacturing facility para sa mga AI Data Center sa Clark, Pampanga sa ilalim ng inisyatibong Pax Silica ng Estados Unidos (Presidential Communications Office, 2026). Isa itong malinaw na pananamantala sa ating yamang lupa at tubig, at sa pamana ng ating mga katutubong komunidad. ๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐ก๐๐ฎ๐ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฎ๐ค ๐จ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐-๐๐๐ฅ๐ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐ฎ๐ช๐๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐ช๐ฃ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐๐๐ ๐๐ฉ ๐จ๐ค๐๐๐ง๐๐ฃ๐ฎ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค ๐ ๐ช๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐ช๐๐๐ฎ๐ ๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐๐ฎ๐๐ง๐ฃ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ก๐ช๐ฅ๐๐๐ฃ, ๐ ๐ช๐ก๐ฉ๐ช๐ง๐, ๐๐ฉ ๐ ๐๐จ๐๐ง๐๐ฃ๐ก๐๐ฃ ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฎ๐๐ง๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ก๐?
๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฏ๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ธ๐๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ป๐ด-๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ ๐น๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐ถ๐ฏ๐ฎโ๐ ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผโ๐น๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด-๐๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ-๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ธ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป?
Ang Buwan ng Wika ay hindi lamang para sa mga Tagalog, hindi rin lamang ito para sa mga Bisaya, at lalong hindi para sa Artificial Intelligence. Para ito sa bawat mamamayang Pilipino na lumilikha, nagsasalita, nagtatanggol sa ating kasarinlan, at lumalaban para sa ating kalayaan. Para ito sa mga kabataang patuloy na gumagawa ng mga bagong salita sa kabila ng mga pamantayang makaluma at teknolohiyang kaduda-duda. Sa kanila nakasalalay kung mananatiling buhay ang mga wika, dahil sila rin ang magpapasya kung paano ito gagamitin, huhubugin, at ipapamana. ๐๐๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ฎโ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ป๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฏ๐ผ, ๐ถ๐ป๐ธ๐น๐๐๐ถ๐ฏ๐ผ, ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฑ ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐น๐ฎ๐น๐ผ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐ธ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ.