LIKHA Kabataan

Directions

LIKHA Kabataan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from LIKHA Kabataan, Youth Organization, Quezon City.

๐Œ๐ ๐š ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐ค๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ซ๐ž๐ฌ๐š,Hindi namin itatago na masakit at nakakalungkot ang pagkakapostpone ng halalan pa...
25/09/2026

๐Œ๐ ๐š ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐ค๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ซ๐ž๐ฌ๐š,

Hindi namin itatago na masakit at nakakalungkot ang pagkakapostpone ng halalan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan.

Sa totoo lang, marami kaming pinangarap.

Pinangarap naming makasama kayo, marinig ang inyong mga kwento, malaman ang inyong mga pangarap, at sama-sama nating gawing posible ang mga bagay na matagal na nating ninanais para sa kabataan.

Pero higit sa lahat, pinangarap naming magkaroon ng pagkakataong maglingkod sa inyo.

Sa bawat meeting, bawat paghahanda, bawat aktibidad, at bawat oras na inilaan ng ๐‹๐ˆ๐Š๐‡๐€ ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง, hindi lang isang grupo ang nabuo. Nabuo ang isang samahan ng mga kabataang handang makinig, tumulong, at maniwala na may magagawa tayo kapag sama-sama.

Kaya sa kabila ng panghihinayang, gusto naming magpasalamat.

Maraming salamat kay ๐’๐Š ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐š๐ง ๐…๐ซ๐จ๐ง๐๐š ๐š๐ญ ๐’๐Š ๐‚๐ก๐š๐ข๐ซ๐ฐ๐จ๐ฆ๐š๐ง ๐ˆ๐š๐ง๐š ๐‰๐ฎ๐ž๐ ๐จ sa kanilang taos pusong suporta, at sa mga pagkakataong patuloy nilang ibinigay para sa kabataan.
Salamat sa pagiging bahagi ng mga programang nagbigay sa amin ng pagkakataong makilahok at makapaglingkod.

Sa aming mga kapwa kabataang Manresa, maraming salamat sa tiwala.

Salamat sa bawat nakinig.
Salamat sa bawat sumama.
Salamat sa bawat nag-volunteer.
Salamat sa bawat nagtiwala sa LIKHA at sa Team Angge.

At sa buong LIKHA Kabataanโ€” Volunteers, supporters, at Team Angge lalo na sa kanilang mga pamilya, maraming salamat sa inyong oras, pagod, at puso.

Maaaring hindi natuloy ang halalan na matagal nating pinaghandaang lahat.

Pero hindi ibig sabihin noon na kailangan ding matapos ang ating pangarap.

Dahil ang paglilingkod ay hindi nagsisimula sa posisyon, at hindi rin nagtatapos kapag wala nang eleksyon.

Kaya asahan ninyo kami.

Patuloy kaming makikiisa sa mga aktibidad at programang ng SK Council para sa kabataan. Ipagpapatuloy natin ang mga nasimulan natin, susuportahan ang mga programang makatutulong sa ating kapwa kabataan, at mananatili tayong bahagi ng ating komunidad.

May eleksyon man o wala.

Dahil ang LIKHA Kabataan ay hindi lamang nabuo dahil may halalan.

Nabuo tayo dahil may pangarap tayo.

Pangarap para sa kabataan.
Pangarap para sa Manresa.
Pangarap na mas maraming kabataan ang marinig, mapansin, at mabigyan ng pagkakataon.

At ang pangarap na iyon, hindi natin kailangang isuko.

๐“๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐‹๐ˆ๐Š๐‡๐€.
๐“๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ.
๐“๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š.
๐“๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐“๐ž๐š๐ฆ ๐€๐ง๐ ๐ ๐ž.

Dahil mula sa kabataan, para sa kabataan.๐Ÿ’™

Maraming salamat sa inyong lahat.

Mabuhay ang kabataang Manresa!

- ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐ข๐œ๐š "๐€๐ง๐ ๐ ๐ž" ๐…๐ซ๐จ๐ง๐๐š
๐’๐ค ๐‚๐ก๐š๐ข๐ซ๐ฐ๐จ๐ฆ๐š๐ง ๐€๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ง๐ญ

๐๐€๐‹๐€๐‘๐Ž๐๐† ๐‹๐€๐‡๐ˆ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐ŸŽกโœจIsang hapon na puno ng laro, tawanan, saya, at samahan ang ating naging selebrasyon para sa Linggo ...
05/09/2026

๐๐€๐‹๐€๐‘๐Ž๐๐† ๐‹๐€๐‡๐ˆ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐ŸŽกโœจ

Isang hapon na puno ng laro, tawanan, saya, at samahan ang ating naging selebrasyon para sa Linggo ng Kabataan 2026! ๐Ÿฅณ๐Ÿ’™

Maraming salamat sa lahat ng Kabataan ng Manresa na nakiisa at nakisaya sa ating Palarong Lahi 2026! Sana ay nag-enjoy kayong lahat sa mga palaro, prizes, at exciting booths na inihanda namin para sa inyo. ๐ŸŽช๐ŸŽ‰

Ang tagumpay ng event na ito ay hindi magiging posible kung wala ang pakikiisa at suporta ng bawat isa. Bilang isang team, masaya kaming makita ang mga ngiti at saya ng Kabataan ng Manresa!๐Ÿ’™

Hanggang sa susunod pang mga programa at aktibidad para sa ating kabataan!

Laro. Saya. Samahan. Para sa Kabataan!โœจ

๐‹๐ˆ๐Š๐‡๐€ ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ ๐Ÿ’™

30/08/2026

๐Ÿ“ข Announcementโ€ผ๏ธ

Kahit maulan, tuloy pa rin po ang ating pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan! ๐ŸŒง๏ธ๐Ÿ’™

Bagong Venue: Sa harap ng dating Center, sa gilid ng Court.

Pinapaalalahanan po ang lahat na mag-ingat sa pagpunta dahil sa panahon.๐Ÿซถ๐Ÿป

Please be guided accordingly. Maraming salamat po at magkita-kita po tayo! ๐Ÿ’™

๐ŸŽก ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Ž๐๐† ๐‹๐€๐‡๐ˆ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”!๐ŸŽกHanda na ba kayo, Kabataan ng Manresa? ๐ŸฅณNgayong Linggo ng Kabataan 2026, samahan kami sa isang hap...
28/08/2026

๐ŸŽก ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Ž๐๐† ๐‹๐€๐‡๐ˆ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”!๐ŸŽก

Handa na ba kayo, Kabataan ng Manresa? ๐Ÿฅณ

Ngayong Linggo ng Kabataan 2026, samahan kami sa isang hapon na puno ng laro, saya, prizes, at exciting booths na hatid ng LIKHA Kabataan! ๐ŸŽชโœจ

๐Ÿƒ ๐–๐‡๐€๐“: Palarong Lahi 2026
๐Ÿ“… ๐–๐‡๐„๐: August 30, 2026 | 3:00 PM
๐Ÿ“ ๐–๐‡๐„๐‘๐„: Barangay Manresa Park
๐Ÿ‘ง ๐–๐‡๐Ž: First 100 Youth only!

๐ŸŽŸ๏ธ Tickets will be given on the day of the event.
First come, first served! Kaya siguraduhing maaga para makasali sa ating mga palaro at maikot ang iba't ibang booths! ๐ŸŽ‰

Tara na, Kabataan ng Manresa! Sama-sama nating ipagdiwang ang Linggo ng Kabataan 2026! ๐Ÿ’™

Laro. Saya. Samahan. Para sa Kabataan! ๐ŸŽกโœจ

๐‹๐ˆ๐Š๐‡๐€ ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐

โœจ ๐‚๐ก๐š๐ข๐ซ๐ฉ๐ž๐ซ๐ฌ๐จ๐ง: ๐€๐๐†๐„๐‹๐ˆ๐‚๐€ "๐€๐๐†๐„" ๐…๐‘๐Ž๐๐ƒ๐€

๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป: Ashley Bodegas
๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป: Jan Patrick Caronan
๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป: Rein Gian Caraui Chiuco
๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป: Jay-k Triumfante Edrada
๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป: Nichole Nicolas
๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป: Dave Banzale Pescasiosa
๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป: Chainlee Ramos

๐‹๐ˆ๐Š๐‡๐€ ๐’๐“๐€๐‘๐“ ๐”๐: ๐‘ท๐’“๐’๐’š๐’†๐’Œ๐’•๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š๐’‚๐’ ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐‘ด๐’‚๐’…๐’Š๐’…๐’Š๐’”๐’Œ๐’‚๐’“๐’•๐’†๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’•๐’‚๐’‚๐’ ๐Ÿ—๐Ÿ“ˆMatagumpay na naisakatuparan ang LIKHA ST...
31/07/2026

๐‹๐ˆ๐Š๐‡๐€ ๐’๐“๐€๐‘๐“ ๐”๐: ๐‘ท๐’“๐’๐’š๐’†๐’Œ๐’•๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š๐’‚๐’ ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐‘ด๐’‚๐’…๐’Š๐’…๐’Š๐’”๐’Œ๐’‚๐’“๐’•๐’†๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’•๐’‚๐’‚๐’ ๐Ÿ—๐Ÿ“ˆ

Matagumpay na naisakatuparan ang LIKHA START UP, isang programang naglalayong magbigay ng panimulang oportunidad sa mga kabataang may pangarap na magsimula ng sariling kabuhayan.

Sa pangunguna ni ๐‹๐ข๐ค๐ก๐š ๐‚๐ก๐š๐ข๐ซ๐ฐ๐จ๐ฆ๐š๐ง ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐ข๐œ๐š ๐…๐ซ๐จ๐ง๐๐š, matagumpay na naipamahagi ang BBQ Start Up Supplies at iba't ibang Special Prizes sa ating mga mapapalad na winners. Higit pa sa mga natanggap na premyo, layunin ng programang ito na hikayatin ang mga kabataan na mangarap, magsikap, at magkaroon ng lakas ng loob na magsimula ng sariling pagkakakitaan.

Muli, taos-pusong pagbati sa lahat ng ating mga nanalo! Nawa'y magsilbi itong inspirasyon at maging simula ng mas marami pang oportunidad para sa inyong kinabukasan.

Maraming salamat sa ating mga sponsors, volunteers, at sa lahat ng kabataang nakiisa at sumuporta sa proyektong ito. Ang inyong tiwala at pakikiisa ang naging daan upang maging matagumpay ang programang ito.

Patuloy ang LIKHA Kabataan, sa pangunguna ni Chairwoman Angelica Fronda, sa paghahatid ng mga programang nagbibigay ng tunay na oportunidad at positibong pagbabago para sa kabataan ng Manresa.

๐‹๐ˆ๐Š๐‡๐€ ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐

โœจ ๐‚๐ก๐š๐ข๐ซ๐ฉ๐ž๐ซ๐ฌ๐จ๐ง: ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐ข๐œ๐š ๐…๐ซ๐จ๐ง๐๐š

๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป: Ashley Bodegas
๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป: Jan Patrick Caronan
๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป: Rein Gian Caraui Chiuco
๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป: Jay-k Triumfante Edrada
๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป: Nichole Nicolas
๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป: Dave Banzale Pescasiosa
๐—Ÿ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป: Chainlee Ramos




๐‘ต๐’–๐’•๐’“๐’Š๐’•๐’Š๐’๐’ ๐‘ด๐’๐’๐’•๐’‰ ๐‘ญ๐’†๐’†๐’…๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’‚๐’Ž | ๐‘น๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’๐’•๐’–๐’“๐’‚๐’ ๐Ÿ’™Bilang pagdiriwang ng Nutrition Month, matagumpay na naisakatuparan...
30/07/2026

๐‘ต๐’–๐’•๐’“๐’Š๐’•๐’Š๐’๐’ ๐‘ด๐’๐’๐’•๐’‰ ๐‘ญ๐’†๐’†๐’…๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’‚๐’Ž | ๐‘น๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’๐’•๐’–๐’“๐’‚๐’ ๐Ÿ’™

Bilang pagdiriwang ng Nutrition Month, matagumpay na naisakatuparan ang Nutrition Month Feeding Program sa Ragang Panalturan sa pangunguna ni ๐‰๐š๐ฒ-๐ค "๐“๐ฎ๐ ๐ข๐ง๐ " ๐“๐ซ๐ข๐ฎ๐ฆ๐Ÿ๐š๐ง๐ญ๐ž ๐„๐๐ซ๐š๐๐š, katuwang ang LIKHA Kabataan sa ilalim ng pamumuno ni ๐‹๐ˆ๐Š๐‡๐€ ๐‚๐ก๐š๐ข๐ซ๐ฐ๐จ๐ฆ๐š๐ง ๐€๐ง๐ ๐ž๐ฅ๐ข๐œ๐š "๐€๐ง๐ ๐ ๐ž" ๐…๐ซ๐จ๐ง๐๐š.

Sa pamamagitan ng programang ito, naipamahagi ang libreng sopas, Zest-O, at โ‚ฑ50 sa bawat benepisyaryo. Bagama't simpleng handog lamang, hangad naming makapagbigay ito ng saya, sustansya, at kaunting ginhawa sa ating mga kababayan.

Lubos ang aming pasasalamat kay Ate Mitch sa kanyang patuloy na suporta at kabutihang-loob na naging malaking bahagi ng tagumpay ng programang ito.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa lahat ng volunteers at mga indibidwal na naglaan ng kanilang oras, sipag, at malasakit upang maisakatuparan ang gawaing ito.

Espesyal na pasasalamat kina:

โ— Trixia Marquez
โ— Renzi Marquez
โ— Joana Caumeran
โ— Yurrie Macaraig
โ— Vonne Juego
โ— Jayson Caumeran

Patuloy na makikiisa ang LIKHA Kabataan sa mga programang nagtataguyod ng kalusugan, malasakit, at pagkakaisa para sa ating komunidad.

Happy Nutrition Month! ๐Ÿ’™

"Mula sa Kabataan, Para sa Kabataan."



29/07/2026

Magandang Hapon po sa Lahat!๐Ÿฅณ

Sa lahat ng mga nanalo sa LIKHA START UP, maaari na ninyong i-claim ang inyong mga premyo simula 8:00 PM ngayong araw sa SK Hall.

Ito na po ang huling araw upang makuha ang inyong mga premyo.

Maraming salamat, at muli, congratulations sa lahat ng ating mga nanalo! ๐Ÿ’™

28/07/2026

๐Ÿ“ข ATTENTION

To all winners na hindi po nakuha ang kanilang prizes, you may claim them today at the SK Hall until 3:00 PM only.

Please make sure to claim your prize within the given time. Thank you, and congratulations once again to everyone who joined LIKHA Startup! ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LIKHA Kabataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share