09/07/2026
๐ก๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐จ๐ฃ ๐ก๐๐ง๐ช๐ข๐ฅ๐ ๐๐ข๐ฅ ๐๐๐๐ค๐จ๐๐ง๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐ ๐๐ข๐จ๐ฆ๐๐ก๐ (๐จ๐ฃ ๐ก๐๐ฃ๐), ๐๐๐๐๐ฆ ๐ก๐ ๐ก๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ ๐จ๐ฃ ๐๐๐ ๐ฃ๐จ๐ฆ, ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐๐ก๐ฌ๐ข ๐ก๐ ๐๐จ๐๐๐ฌ (๐๐๐ก๐ฌ๐จ๐๐๐ฌ) ๐ฆ๐ ๐ฃ๐ข๐ข๐ ๐๐ฃ ๐๐๐ฅ๐๐๐, ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ ๐จ๐ฃ ๐๐๐ ๐ฃ๐จ๐ฆ ๐๐ข๐ ๐ ๐จ๐ก๐๐ง๐ฌ ๐๐๐๐ฅ๐ก๐๐ก๐ ๐๐จ๐๐ฆ, ๐๐ง ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ ๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก๐๐๐๐ฆ๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ ๐ข๐๐ฅ๐๐๐ฌ - ๐จ๐ฃ ๐๐๐๐๐ ๐๐ก
๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ง๐จ๐ก๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐-๐จ๐ก๐๐๐ ๐๐จ๐ก๐ ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐๐จ๐ฆ๐ง๐๐ฆ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐๐ก
๐๐ข ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ฃ๐ข๐ฏ๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐ต๐ข๐ด๐ข๐ฏ, ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ถ๐ฏ๐ญ๐ข๐ฅ ๐ข๐บ ๐ฅ๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ฆ๐ฎ๐ฐ๐ฌ๐ณ๐ข๐ต๐ช๐ฌ๐ฐ, ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฐ, ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐บ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐จ๐ถ๐ต๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฌ๐ฐ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ช๐ฅ๐ข๐ฅ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐จ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ข๐จ๐ข๐ฑ๐ข๐บ ๐ฏ๐จ ๐๐ฏ๐ช๐ฃ๐ฆ๐ณ๐ด๐ช๐ฅ๐ข๐ฅ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ด.
Kamakailan, sunod-sunod na isinagawa ng administrasyon ng Unibersidad ng Pilipinas ang mga hakbang kaugnay ng Marilag Rental Residences Housing Project at ng UP Sustainable Development Goal (SDG) Park. Nagbaba ng mga kagamitan sa lugar. Isinapubliko ang inisyal na disenyo. Sa kabuuan, sinimulan na ang paghahanda ng proyekyo.
Mariing ipinahayag ng mga residente ng Pook Malantik ang kanilang pagtutol bunsod ng mga usapin sa seguridad sa kanilang paninirahan, kawalan ng malinaw na plano para sa mga apektadong pamilya, at sa mga proseso ng pagpapasiya.
Nagpapakita ang mga pangyayaring ito, kabilang ang tensyong nasaksihan noong ika-8 ng Hulyo, na ang usapin ay hindi lamang tungkol sa isang proyektong pang-imprastruktura kundi tungkol sa tiwala ng mamamayan sa mga institusyong pampubliko.
Hindi ito hiwa-hiwalay na pangyayari. Sa gitna ng milyon-milyong yunit ng housing backlog kasabay ng patuloy na pagdami ng mga pamilyang walang katiyakan sa kanilang paninirahan, ang krisis sa pabahay sa Pilipinas ay tampok na usapin ng katarungang panlipunan. Bahagi ang nangyayari sa Pook Malantik ng mas malawak na hamon kung paano maisusulong ang kaunlaran nang hindi isinasantabi ang karapatan at dignidad ng mga pamayanang direktang maaapektuhan nito.
Hindi namin tinututulan ang pagpapaunlad ng Unibersidad. Gayunman, naninindigang kaming hindi ito maaaring tawaging pag-unlad ang isang proyektong isinusulong kung hindi natitiyak ang seguridad sa paninirahan, hindi sapat ang pakikilahok ng mga komunidad, at hindi ganap na malinaw ang mga implikasyon nito sa mga mamamayang apektado. Sa isang pambansang pamantasan, ang pag-unlad ay hindi nasusukat lamang sa dami ng mga estrukturang naitatayo, kundi sa kakayahan nitong pangalagaan ang karapatan ng tao, itaguyod ang kapakanan ng mamamayan, at palakasin ang demokratikong pakikilahok.
Nararapat na maging huwaran ang Unibersidad ng Pilipinas sa demokratikong pagpaplano, pagiging bukas (transparency), at makabuluhang pakikilahok ng mga komunidad sa bawat proyektong may direktang epekto sa kanilang buhay. Hindi dapat ikahon ang konsultasyon bilang isang pormalidad na isinasagawa lamang kapag napagpasyahan na ang mahahalagang usapin. Nararapat na maging tunay na proseso ito kung saan ang mamamayan ay may sapat na impormasyon, malayang nakapagpapahayag ng pananaw, at may aktuwal na ambag sa paghubog ng mga desisyon.
Naniniwala kami na ang pabahay ay batayang karapatang panlipunan at hindi kalakal na nakatali lamang sa lohika ng merkado. Dahil dito, lahat ng programa sa pabahay ay dapat nakabatay sa mga prinsipyo ng Housing Justiceโseguridad sa paninirahan, pagiging abot-kaya, ligtas at angkop tirhan, at may makabuluhang pakikilahok ng mga komunidad. Ang mga prinsipyong ito ay kinikilala ng 1987 Konstitusyon at ng mga pandaigdigang pamantayan sa karapatang pantao, at nararapat maging gabay sa bawat hakbang ng pagpapaunlad ng mga pampublikong institusyon.
Dahil dito, nananawagan kami sa administrasyon ng Unibersidad ng Pilipinas na:
(1) Pansamantalang ipagpaliban ang implementasyon ng proyekto hanggang sa matiyak ang isang makabuluhan, inklusibo, at mabuting-loob na proseso ng pakikipagdiyalogo sa mga komunidad na direktang maaapektuhan.
(2) Tiyakin ang ganap na transparency at meaningful public participation sa lahat ng programang pangkaunlaran ng Unibersidad, kabilang ang agarang paglalabas ng mga kaugnay na plano, pag-aaral, at iba pang dokumentong kinakailangan para sa isang may batayang pampublikong talakayan.
(3) Magtatag ng isang institusyonalisadong mekanismo ng dayalogo sa pagitan ng administrasyon ng UP, mga residente, mga eksperto, at iba pang kaugnay na sektor upang sama-samang makabuo ng mga solusyong makatarungan at makatao.
(4) Kilalanin ang Housing Justice bilang pangunahing prinsipyong dapat gumabay sa lahat ng kasalukuyan at susunod pang mga programa sa pabahay at pagpapaunlad ng Unibersidad.
(a) Tumindig para sa sapat na paninirahan. Isulong ang modelo ng Modified Usufruct; isang sistemang nakabatay sa dignidad kung saan ang butaw ng benepisyaryo ay sa kakayahan na hindi tataas sa katumbas ng 1 araw na kita o 3% ng buwanang kita.
(b) Makiisa sa pagsusulong ng mga repormang magpapalakas sa pampublikong paninirahan, kabilang ang pagtataguyod ng isang Comprehensive Public Housing Law na kikilala sa paninirahan bilang isang batayang karapatang panlipunan.
Ang kasaysayan ng Unibersidad ng Pilipinas ay kasaysayan ng kritikal na pag-iisip, demokratikong pakikilahok, at paglilingkod sa sambayanan. Nawaโy maging salamin ng mga pagpapahalagang ito ang bawat hakbang ng pag-unlad ng pamantasan; pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa mga gusaling naitatayo, kundi sa mga karapatang napangangalagaan, sa mga pamayanang naisasama sa proseso ng pagbabago, at sa tiwalang nabubuo sa pagitan ng mga institusyong publiko at ng sambayanang pinaglilingkuran.
๐ช๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐๐ป๐น๐ฎ๐ฑ ๐ธ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐๐๐๐ถ๐๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป!
๐ช๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐๐๐๐ถ๐๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ธ๐๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐จ๐ฃ ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ธ๐ถ๐ป๐ถ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐๐ฏ๐ผ๐ด ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป!