Community Builders - City of Batangas

Directions

Community Builders - City of Batangas Community Builders – City of Batangas
is a volunteer-driven community dedicated to service, unity, and positive change. Change Begins With Us. ❤️

Together, we promote programs, initiatives, and opportunities that help improve the lives of Batangueños.

Happy birthday to Team CB Volunteer,Angel Marie CV 🥳🎂❤️💛💚
23/09/2026

Happy birthday to Team CB Volunteer,
Angel Marie CV 🥳🎂❤️💛💚

“Ang public servant ay dapat sa bayan at mamamayan ang loyalty. Alamin ang pangangailangan nila, makinig sa kanilang mga...
21/09/2026

“Ang public servant ay dapat sa bayan at mamamayan ang loyalty. Alamin ang pangangailangan nila, makinig sa kanilang mga hinaing at higit sa lahat gumawa ng konkretong solusyon.”

Message from Clemente Berberabe

“Ang public service ay hindi pabor. Ito ay obligasyon at pananagutan. Tayo ang nagluklok sa kanila, tayo ang nagbabayad ...
20/09/2026

“Ang public service ay hindi pabor. Ito ay obligasyon at pananagutan. Tayo ang nagluklok sa kanila, tayo ang nagbabayad ng buwis at buwis natin ang nagpapasweldo sa kanila. Kaya Batangas City, We deserve more. We deserve better.”

Statement from Clemente Berberabe ❤️

STATEMENT NI CLEMENTE SA FORUM“Ang paniningil ng buwis ng gobyerno ay walang pinipili.Lahat tayo ay nagbabayad ng income...
22/08/2026

STATEMENT NI CLEMENTE SA FORUM

“Ang paniningil ng buwis ng gobyerno ay walang pinipili.

Lahat tayo ay nagbabayad ng income tax, business tax, real property tax, at buwis sa mga produkto at serbisyo.

Kaya dapat, ang serbisyo at programa ng pamahalaan ay para rin sa lahat.

Kung lahat ay nag-aambag, lahat ay dapat makinabang. Walang pinipili, walang iniiwan.”

Nagbigay si Clemente Berberabe ng suggestions para maaksyunan ang kawalan ng supply ng tubig sa Batangas City.
11/08/2026

Nagbigay si Clemente Berberabe ng suggestions para maaksyunan ang kawalan ng supply ng tubig sa Batangas City.

Nagpahayag ng pagkabahala si Yorme Clemente Berberabe kaugnay ng patuloy na problema sa suplay ng tubig sa Batangas City matapos umano siyang makatanggap ng maraming reklamo at hinaing mula sa mga residente.

Ayon kay Berberabe, panahon na upang magkaroon ng mas seryoso at mas maigting na hakbang ang lokal na pamahalaan upang matugunan ang nararanasang kakulangan sa tubig ng ilang komunidad.

Bagama't kinilala niyang hindi direktang pinamamahalaan ng alkalde ang PrimeWater, iginiit niyang may mga konkretong hakbang na maaaring gawin ng pamahalaang lungsod upang mapabilis ang pagresolba sa isyu at mapanagot ang mga may kaukulang responsibilidad.

Kabilang sa kanyang mga mungkahi ang pagbuo ng isang Water Crisis Task Force, pagsasagawa ng regular na pagpupulong kasama ang PrimeWater at Batangas City Water District, paghiling ng isang independent performance audit, pakikipag-ugnayan sa Local Water Utilities Administration (LWUA) at iba pang kaugnay na ahensya, paglalaan ng regular na water tankers sa mga barangay na matagal nang nakararanas ng pagkawala ng suplay ng tubig, paglalabas ng regular na Water Situation Report, at pagbuo ng pangmatagalang plano para sa sapat at maaasahang water supply sa lungsod.

Binigyang-diin ni Berberabe na ang tubig ay isang pangunahing pangangailangan at karapatan ng bawat pamilya, kaya nararapat lamang aniya na matiyak ang maayos, sapat, at tuloy-tuloy na serbisyo para sa lahat ng Batangueño.

Naniniwala rin siya na sa pamamagitan ng bukas na pamamahala, pananagutan, at mabilis na pagkilos ng mga kinauukulang ahensya, mas mapapabilis ang pagtugon sa problema sa suplay ng tubig sa Batangas City.

“Alisin ang mga buwis sa maliliit na negosyo.”-Clemente Berberabe
11/08/2026

“Alisin ang mga buwis sa maliliit na negosyo.”
-Clemente Berberabe

Nanawagan si Yorme Clemente Berberabe na alisin ang buwis sa maliliit na negosyo at gawing mas madali ang proseso ng pagsisimula ng negosyo upang mahikayat ang mas maraming Batangueño na magnegosyo at lumikha ng hanapbuhay.

Ayon kay Berberabe, ang mga maliliit na negosyo ang nagsisilbing unang hakbang ng maraming pamilya tungo sa mas maayos na kabuhayan. Aniya, sa halip na suportahan, nahaharap agad ang mga nais magnegosyo sa mabibigat na requirements, permit, at iba pang compliance.

Binigyang-diin niya na hindi dagdag na pasanin ang kailangan ng mga maliliit na negosyante, kundi mas simple at mas mabilis na sistema, gayundin ang konkretong suporta mula sa lokal na pamahalaan.

Iminungkahi rin ni Berberabe na repasuhin ang mga umiiral na patakaran upang mabawasan ang gastusin at mapadali ang pagtatayo ng mga startup at micro-enterprises.

Giit niya, kapag mas madaling makapagsimula ng negosyo ang mga mamamayan, mas marami ang magkakaroon ng pagkakataong makalikha ng trabaho at mapalago ang lokal na ekonomiya.

Dagdag pa ni Berberabe, patuloy niyang isusulong ang mga hakbang na magbibigay ng mas patas na pagtrato sa mga maliliit na negosyo, kabilang ang mga sari-sari store, karinderya, at iba pang startup businesses, upang hindi umano sila mabigatan sa mga permit, requirements, at iba pang bayarin.

Naniniwala siyang ang pag-unlad ng maliliit na negosyo ay magbubunga ng pag-unlad ng bawat pamilya at, sa huli, ng buong lungsod.

Nanawagan si Clemente Berberabe na maipasa na magkaroon ng local monthly pension ang lahat ng mga senior citizens sa Bat...
11/08/2026

Nanawagan si Clemente Berberabe na maipasa na magkaroon ng local monthly pension ang lahat ng mga senior citizens sa Batangas City.❤️💛💚

Nanawagan si Clemente Berberabe sa Pamahalaang Lungsod ng Batangas at sa Sangguniang Panlungsod na pag-aralan ang pagpapatupad ng isang lokal na monthly pension para sa lahat ng senior citizens sa lungsod.

Ayon kay Berberabe, hindi dapat mamuhay sa pangamba ang mga nakatatanda at hindi rin aniya dapat kinakailangang may mamatay na benepisyaryo bago mabigyan ng pension ang iba pang senior citizens.

Iginiit niya na matapos ang mahabang panahon ng pagtatrabaho, pagpapalaki ng pamilya, at pag-aambag sa lipunan, nararapat lamang na maramdaman ng bawat senior citizen na hindi sila nakakalimutan ng pamahalaan at ng komunidad.

Binanggit din ni Berberabe na marami sa mga senior citizen ang nabubuhay sa limitadong kita, wala nang kakayahang maghanapbuhay, umaasa sa tulong ng pamilya o kapitbahay, at nahihirapang tustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, kabilang ang pagbili ng gamot at pagkain.

Dahil dito, hinimok niya ang lokal na pamahalaan na pag-aralan ang posibilidad ng pagpapatupad ng isang ordinansa para sa lokal na pension program, katulad ng ipinatutupad sa ilang lokal na pamahalaan sa bansa.

Ayon kay Berberabe, ang tunay na sukatan ng isang maunlad na lungsod ay hindi lamang ang mga natatanggap nitong pagkilala kundi kung paano nito pinahahalagahan at inaalagaan ang mga mamamayang naglaan ng kanilang lakas at panahon sa paglilingkod sa kanilang pamilya at sa komunidad.

Address

Quezon City
4200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Community Builders - City of Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share