10/10/2025
Ang World Mental Health Day ay panawagan sa mga komunidad, paaralan, at lugar ng trabaho na lumikha ng mga espasyong ligtas para sa bawat isa. Lugar kung saan malayang maipapahayag ng tao ang kanilang nararamdaman nang walang takot o paghusga. Ang kalusugang pangkaisipan ay hindi dapat maging pribilehiyo lamang, kundi karapatan ng lahat. Dapat itong maging abot-kamay ng bawat tao, saanman at kailanman.