Anakbayan Daantubo

Anakbayan Daantubo Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Anakbayan Daantubo, Youth Organization, Diliman, Quezon City.

Ang fantasy ng mga kabataan: LITISIN SI SARA DUTERTE! CONVICT SARA NOW!Bagamat naging matagumpay ang pag-urong ng senado...
10/06/2025

Ang fantasy ng mga kabataan: LITISIN SI SARA DUTERTE! CONVICT SARA NOW!

Bagamat naging matagumpay ang pag-urong ng senado sa impeachment trial ni Sara Duterte, hindi titigil ang mamamayang Pilipino para panagutin si Sara sa kaniyang korapsyon!

Ang pagnanakaw sa kaban ng bayan ay pagnanakaw ng opurtunidad para sa ating mga kabataang magkaroon ng maalwang kinabukasan. Hindi dapat ito ninanakaw ng mga nasa kapangyarihan, gaya ni Sara Duterte, para magpakasasa sa sarili nilang mga interes, dahil malinaw na ang pondong ito ay mahigpit na dapat inilalaan upang pagbutihin ang batayang serbisyo ng sambayang Pilipino.

Kaya, tara na, sama-sama nating iparinig ang boses ng mga kabataang sawa na sa kasamaan at kadiliman! Sumama sa pagkilos bukas!

Kung nais sumama sa pagkilos bukas, mag-pm lamang po sa aming page. Takits!

🗓️ June 11, 2025, Wednesday
🕑 2:00 PM
📍 Tipunan sa Film Center

12/05/2025

BANTAY HALALAN ALERT! ⚠️

Kaninang 8:43 AM sa Precinct 1006 sa UP Campus, makikita sa kuhang video na lumuwa ang isang balota sa machine pero may lumabas na resibo. Pagkatapos nito ay binuksan na lamang ang machine para ilagay ang balotang niluwa dahil binasa naman daw ito ng machine. Dagdag pa sa ulat, hindi rin lumabas ang binotong partylist ng isa sa mga botante dito.



Ang edukasyon ay isang karapatang dapat tinatamasa ng bawat kabataan sa ating bansa. Sa District 4 ng Quezon City, mapap...
10/05/2025

Ang edukasyon ay isang karapatang dapat tinatamasa ng bawat kabataan sa ating bansa. Sa District 4 ng Quezon City, mapapansing marami ang pribadong paaralan na may nagtataasang tuition fee. Samantalang kakaunti ang mga pampublikong paaralan para sa kolehiyo na patuloy pang kinakaltasan ng budget ng pamahalaan. Kasabay nito ang patuloy na pagsirit ng presyo ng mga bilihin at mababang pasahod sa mga manggagawang. Dahil dito, maraming kabataan ang napipilitang tumigil sa pag-aaral upang magtrabaho at may ibang pinagsasabay ang pagtatrabaho at pag-aaral. Malinaw na pinapakita nito na hindi natatamasa ng mga kabataan ng District 4 ang karapatang ito.

Sinusuportahan ng Anakbayan Diliman ang mga plataporma ni #4 Lorevie Caalaman na naglalayong isulong ang karapatan ng mga kabataan sa edukasyon, pagpapalakas ng mga organisasyon ng kabataan, siyentipikong solusyon sa pagbaha, at serbisyong pantay-pantay para sa mamamayan ng Distrito 4.

Bilang Makabayang kandidato, sinusulong nila ang alternatibong pulitika na tunay na naglilingkod sa taumbayan; mga kandidatong nagsusulong ng pagbubuo ng mga sustenableng pamamaraan para tugunan ang mga pangangailangan ng ating mga komunidad.

Ngayong eleksyon, maging mapanuri sa mga kandidatong ating iboboto. Piliin ang mga kandidatong maglilingkod ng tapat at isusulong ang interes ng taumbayan, nasa panahon man ng eleksyon o wala. Ipanalo natin ang tunay na magrerepresenta sa kabataan sa konseho. Sama-sama nating ipanalo ang taumbayan, ipanalo naman natin ang mga Makabayan!



HANDA NA BA ANG   NG QUEZON CITY? 🗣Ngayong darating na halalan, nasa kamay ng 47 milyong kabataan ang ating kinabukasan ...
25/04/2025

HANDA NA BA ANG NG QUEZON CITY? 🗣

Ngayong darating na halalan, nasa kamay ng 47 milyong kabataan ang ating kinabukasan kaya naman inaanyayahan ng ang mga kabataan at kabataan at heart na mga QCitizens na dumalo sa gaganaping QC Youth Covenant ngayong ️April 27 sa Village B Court, Brgy. UP Campus kung saan pormal na ipapakilala ng ang nilalaman ng 10-point youth agenda ️

Kaya naman kung naniniwala ka na ng Kabataan na lumaban para sa mas makataong lipunan, wag ka nang magpatumpik tumpik pa at sagutan mo na ang form na ito
https://bit.ly/JoinQCYouthCovenant
https://bit.ly/JoinQCYouthCovenant
https://bit.ly/JoinQCYouthCovenant

Tara na! Kita kits ngayong April 27, 1-3PM sa Village B Court, Brgy. UP Campus ️


Manggagawa, Ano ang Magagawa? ⚙️🛠️Bilang paghahanda sa nalalapit na Mayo Uno, inaanayayahan namin ang lahat para sa isan...
24/04/2025

Manggagawa, Ano ang Magagawa? ⚙️🛠️

Bilang paghahanda sa nalalapit na Mayo Uno, inaanayayahan namin ang lahat para sa isang diskusyon hinggil sa uring manggagawa at paano sila pinagsasamantalahan sa ilalim ng mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan.

Hindi nahihiwalay ang laban ng mga kabataan sa laban ng hukbong mapagpalaya! ✊🏻

APRIL 25, 2025
12PM @ All UP Workers' Union, UP Diliman

📝 REGISTER HERE: https://tinyurl.com/ManggagawaAnoAngMagagawaED

DAANTUBO NEEDS OUR HELP!14 na miyembro ng Anakbayan Diliman at ang komunidad ng Daantubo ay apektado ng malakas na sunog...
03/03/2025

DAANTUBO NEEDS OUR HELP!

14 na miyembro ng Anakbayan Diliman at ang komunidad ng Daantubo ay apektado ng malakas na sunog na naganap ngayong Marso 3. Kinakailangan ngayon ng komunidad ng tulong upang makabangon muli.

Kinakailangan:
-Damit at Uniform para sa KNL at Balara HS
-Food packs at grocery
-Tubig
-Vitamins at Gamot
-Tsinelas at sapatos
-School supplies
-Hygiene Kits
-Cleaning materials
-Diapers, milk

Maaaring i-contact si Nieky Martinez sa 09669011834


Address

Diliman
Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anakbayan Daantubo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share