25/08/2026
Maligayang Araw ng Pagbigay-pansin sa Espektro ng Mga Walang-Suyo (Aromantic Spectrum Visibility Day)!
Itong ika-25 ng Agosto ay ang Araw ng Pagbigay-pansin sa Espektro ng Mga Walang-Suyo, isang pagdiriwang ng mga pagkakakilanlan sa buong espektro ng mga walang-suyo.
Mula sa mga bayang nagsasalita ng German—tulad ng Austria, Germany, at Switzerland—kumalat ito sa buong daigdig. Maging hallo, hello, o kamusta, ang mga hadlang ng wika ay nasira at nabuksan.
Lahat ng bakla at mga kasama ay inaanyayahang itaas ang espektro sa iba’t ibang paraan, at alalahanin ang kaniyang kasaysayan at ang patuloy na laban para sa pagkilala.
Sa araw na ito at araw-araw, ang Aromantic and Asexual Support Philippines ay tumatayo sa kaniyang layon na palakasin ang boses at pagkatao ng mga walang-suyo. Danke schön, thank you, at salamat!