13/01/2026
📢 ANUNSYO PARA SA MGA RESIDENTE
Ipinapaalam po sa lahat na ang Letter of Endorsement mula sa HOA ay kailangan kung kayo ay mag-aapply ng mga dokumento sa Barangay Commonwealth Office, tulad ng Barangay ID o iba pang barangay certificates na nangangailangan ng patunay na kayo ay nakatira sa lugar (Certificate of Residency).
📌 Mga Dapat Tandaan:
•Ang Letter of Endorsement ay ibinibigay kapag may request.
•Ang pwedeng mag-request ay yung nakatira na sa lugar nang hindi bababa sa 6 na buwan.
📝 Mga Impormasyong Kailangang Ibigay sa Pag-request:
•Buong Pangalan (Full Name)
•Kumpletong Address (Complete Address)
•Email Address o FB Messenger (kung saan ipapadala ang Letter)
đź“§ Paraan ng Pagbibigay ng Letter:
Dahil walang printer ang HOA, ang Letter ay ipapadala sa inyong Email o FB Messenger. Kayo na po ang magpapa-print ng Letter at ibabalik ito sa HOA President para mapirmahan.
📱 Paraan ng Pag-request:
•Maaaring mag-request thru Text sa numerong ito:
📞 +639199739432 at i-text lamang ang mga impormasyong nabanggit sa itaas.
•Maaari ring pumunta sa bahay ni HOA President upang personal na mag request ngunit ang Letter ay ipapadala pa rin sa inyong Email o FB Messenger. Kayo na po ang magpapa-print ng Letter at ibabalik ito sa HOA President para mapirmahan.
đź’ˇ Paalala:
•Walang bayad ang pagkuha ng Letter of Endorsement mula sa HOA.
•Kung may maningil sa inyo, ipaalam agad sa HOA.
•Sa umaga lang po mag request, mula 8AM to 11AM. Pang gabi po ang trabaho ng ating HOA President. Igalang po natin ang oras ng kanyang pahinga.
Maraming salamat po.
— HOA Management