14/07/2026
MGA KAPIT BAHAY! PLEASE LIKE AND FOLLOW THE PAGE FOR MORE UPDATES
๐ข ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐.
Magandang araw po sa ating mga kapitbahay at residente ng KASAMANOFA! Nais po nating magbigay ng malinaw na paglilinaw ukol sa katayuan ng ating HOA at sa kasalukuyang pag-iikot sa ating lugar:
1๏ธโฃ ๐ฆ๐ง๐๐ง๐จ๐ฆ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐ & ๐๐๐ฆ๐จ๐
Ang ating lumang rehistro sa SEC ay kasalukuyang delinquent/non-compliant dahil sa matagal na hindi pagpasa ng ulat ng mga nakaraang pamunuan. Ayon sa batas, kailangan nating ilipat at i-re-register ang ating HOA sa DHSUD bago ang deadline sa December 18, 2026 upang makuha natin ang legal na proteksyon ng gobyerno at maiproseso ang ating mga lupa at titulo sa hinaharap.
2๏ธโฃ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐ช ๐ฆ๐ โฑ๐ฏ๐ฌ.๐ฌ๐ฌ ๐ก๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ก
๐๐๐๐๐ผ ๐ฝ๐ผ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ป๐ฎ ๐๐๐ก๐๐ ๐ฃ๐ข ๐๐ง๐ข ๐ ๐ข๐ก๐ง๐๐๐ฌ ๐๐จ๐๐ฆ ๐ข ๐ ๐๐ ๐๐๐ฅ๐ฆ๐๐๐ฃ ๐๐๐.
Dahil delinquent pa tayo sa SEC, BAWAL at HINDI pa po tayo pwedeng maningil ng buwanang dues.
Ang โฑ30.00 ay isang AMBAGAN/KONTRIBUSYON ng bawat pamilya para lamang pambayad sa opisyal na Filing Fees sa DHSUD Cashier (โฑ1,880), bayad sa Notaryo Publiko ng mga Affidavits, at panggastos sa pagpi-print ng mga dokumento.
3๏ธโฃ ๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฆ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ฆ๐ง
Kasabay ng ambagan, papapirmahin po ang ulo ng pamilya o kinatawan ng bawat bahay (bilang Occupant/Structure Owner) sa opisyal na Master List. Ang listahang ito ang isusumite sa DHSUD upang kilalanin ng gobyerno kung sino-sino ang mga lehitimong residente rito na magiging prayoridad sa mga darating na housing programs at ayuda mula sa QC LGU at DHSUD.
Makasisiguro po kayo na ang bawat piso ay may maayos na logbook at ipapakita po natin ang Official Receipt (OR) mula sa DHSUD kapag natapos ang re-registration.
Maraming salamat po sa pagkakaisa at kooperasyon ng bawat isa para sa seguridad ng ating mga tahanan at komunidad! Para sa mga katanungan, maaari po kayong mag-comment sa ibaba o lumapit sa ating mga concerned members.