Sa'tin Ka 85 Youth Organization

Sa'tin Ka 85 Youth Organization 85 Godeng Youth Organization Chapter

20/06/2026
05/05/2026

🏐🌈 BARANGAY SAUYO GENDER AND DEVELOPMENT
LGBTQIA+ VOLLEYBALL LEAGUE ANNOUNCEMENT🌈🏐

πŸ”Ή Handog ng Barangay Sauyo Council sa pangunguna ni Punong Barangay Noel F. Vitug at Kgd. Karen Quilo-Diaz, Vice-Chairperson, Committee on Women, Children, LGBTQIA+, and Family Relations.
βœ”οΈ Bilang bahagi ng ika-51 Anibersaryo ng Barangay Sauyo at ng GAD-aligned na selebrasyon ng Pride Month 2026.

Masaya naming inaanunsyo ang pagbubukas ng registration para sa LGBTQIA+ Volleyball League 2026! Narito ang mga mahahalagang patakaran para sa lahat ng interesadong lumahok:

πŸ“Œ Requirements:
β€’ Dapat ay tunay na residente ng Barangay Sauyo at magpakita ng valid ID bilang patunay.
β€’ Ang bawat team o cluster ay dapat may maximum na 10 miyembro.

βœ… Application forms ay maaaring kunin simula bukas ng 8AM hanggang 5PM sa Barangay at hanapin si Lalai Eguna

πŸ•” Deadline ng submission: May 14, 2026 (Huwebes), 5:00 PM sa Barangay Hall.

πŸ“ CLUSTERS:
1. Law St., Marian, Marian Extension, Greenville, Mozart
2. Lower Sauyo, 85-99, Pascual, DRJ, Bistekville
3. Commercio, Central, 135, 160-168, Lagkitan
4. Apo, Riverside, Del Nacia, Gulod
5. Herminigildo, NIA, Mabuhay, Area 5B
6. Area 5A, Area 6A, Camella, Villa Rosario
7. Area 6B, Matimtim Cmpd, Old Cabuyao, Saturnina, Valeriana
8. Baluyot Area

πŸ”„ Patakaran sa Pagbuo ng Team:
β€’ Kung puno na ang team ng isang manlalaro sa kanyang cluster, maaari siyang bumuo ng panibagong team kasama ang ibang available na manlalaro ng ibang cluster (hanggang 3 magkakaibang cluster lamang ang maaaring magsanib)
β€’ Ang mga cluster na kulang sa miyembro ay maaaring kumuha ng manlalaro mula sa ibang cluster, basta’t ang mga ito ay hindi pa kabilang sa opisyal na lineup ng ibang team.
- Halimbawa, nakabuo na ng walong cluster ng mga team, at may ilan pang manlalaro na nais pa ring makilahok ngunit hindi kabilang sa alinmang cluster. Kinakailangan nilang makipag-ugnayan o makipag-merge sa isa sa mga umiiral na cluster upang makabuo ng karagdagang team (na magsisilbing ikasiyam at ikasampung team). Hindi pinapahintulutan ang pagbubuo ng panibagong team mula sa magkakahiwalay na cluster.

Hinihikayat namin ang lahat na maglaro nang may puso, pagmamalaki, at respeto. Gawin nating isang selebrasyon ng diversidad, inklusibidad, at espiritu ng palakasan ang liga na ito!

πŸ³οΈβ€πŸŒˆ Simulan na ang laban!


+

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay nating one-day league!Isang espesyal na pasasalamat kay Daddy B...
06/04/2026

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay nating one-day league!

Isang espesyal na pasasalamat kay Daddy Bigs sa kanyang walang sawang suporta.

Maraming salamat din sa Tau Gamma Phi Godeng Community Chapter sa kanilang pakikiisa at suporta sa ating event.

Salamat din sa ating Sector Head Mj Punzalan Amoroso at Vice Sector Head Jepoy Alabin, at sa buong bumubuo ng HOA sa pangunguna ni Pres. Elvira sa kanilang tulong at pakikiisa para maging maayos at matagumpay ang ating event.

Sa lahat ng players at supporters, maraming salamat sa inyong oras at pakikilahok. Ang tagumpay na ito ay dahil sa ating pagkakaisa.

25/03/2026

π‡π€πππ˜ ππˆπ‘π“π‡πƒπ€π˜ π‚πŽππ†π‘π„π’π’π–πŽπŒπ€π πŒπ€π‘πˆπ•πˆπ‚ π‚πŽ-ππˆπ‹π€π‘! πŸŽ‰πŸŽ‚

Mula sa SAMA-KA Youth Federation at sa mga bagong kasangga ng mga kabataan kasama ni Ron Rhian Del Mundo , isang taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan po sa inyo, Congresswoman Marivic Co-Pilar !

Maraming salamat po sa inyong walang sawang paglilingkod, malasakit sa mamamayan, at patuloy na pagsusulong ng mga programang makatutulong sa pag-unlad ng District 6 at ng buong komunidad.

Ang inyong dedikasyon at pamumuno ay nagsisilbing inspirasyon sa amin, lalo na sa mga kabataan, upang maging aktibo at makiisa sa mga adhikain para sa mas maayos at maunlad na kinabukasan.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Diyos ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas upang maipagpatuloy ang inyong makabuluhang serbisyo sa bayan.

Maligayang kaarawan po! 🎊✨


25/03/2026

πŒπ€π‹πˆπ†π€π˜π€ππ† πŠπ€π€π‘π€π–π€π, π€πƒπŒπˆπ π‘π„π†πˆπ„ πƒπ€π‹πˆπ’π€π˜! πŸŽ‰πŸŽ‚

Sa araw na ito, taos-puso naming ipinagdiriwang hindi lamang ang inyong kaarawan kundi ang napakalaking papel na ginagampanan ninyo bilang Chairman Emeritus at Founder ng ating pederasyon Admin. Regie Dalisay

Kayo ang nagsisilbing haligi na nagpapanatiling buhay, matatag, at maayos ang mga organisasyong nakapaloob dito. Sa inyong patuloy na paggabay, napapanatili ang pagkakaisa at layunin ng bawat kabataang kabilang sa ating samahan.

Kayo rin ang itinuturing naming puno at puso ng pederasyon ang ilaw na gumagabay at nagbibigay direksyon sa amin upang magpatuloy sa mabuting adhikain.

Bilang β€œina ng mga kabataan” at masipag na admin ng barangay, ramdam namin ang inyong tunay na malasakit, pag-aaruga, at walang sawang dedikasyon sa paglilingkod. Maraming salamat po sa inspirasyon at sakripisyong inilalaan ninyo para sa amin.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Diyos ng mabuting kalusugan, lakas, at mahabang buhay upang maipagpatuloy ang inyong makabuluhang misyon para sa kabataan at komunidad.

Maligayang kaarawan po! 🎊✨


23/03/2026

Oras na para makiisa at malaman ang takbo ng ating mahal na Barangay Sauyo. Inaanyayahan po ang lahat na saksihan ang ating State of the Barangay Address (SOBA) na may temang: Nagkakaisang Barangay tungo sa kalinisan, kaayusan, kapayapaan at kaunlaran.

πŸ—“οΈ Kailan: March 29, 2026 (Linggo)
πŸ“ Saan: NIA Village covered Court
⏰ Oras: alas 8:00 ng umaga

Layunin ng pagtitipon na ito na ilahad ang mga nagawa nating proyekto, mga programa at ang ating mga plano para sa mas progresibong Barangay Sauyo.

πŸ“± HINDI MAKAPUNTA? NO PROBLEM!
Para sa mga hindi makakadalo nang pisikal sa NIA Village covered Court, huwag mag-alala! Mapapanood ang ating programa via Facebook Live dito mismo sa ating official page.
Mag-comment, magtanong, at makilahok mula sa inyong mga tahanan!

Address

Quezon City
1116

Telephone

+639484508217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sa'tin Ka 85 Youth Organization posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sa'tin Ka 85 Youth Organization:

Shortcuts

Share