PATAMABA

PATAMABA Pambansang Kalipunan ng mga Manggagawang Impormal sa Pilipinas

Ngayong ika-12 ng Hunyo, ipinagdiriwang natin ang kalayaan ng ating bansa at ginugunita ang katatagan, pagkakaisa, at pa...
12/06/2026

Ngayong ika-12 ng Hunyo, ipinagdiriwang natin ang kalayaan ng ating bansa at ginugunita ang katatagan, pagkakaisa, at pagmamahal ng mga Pilipino sa bayan.

Kasama ng PATAMABA at Purple Market, ipinagdiriwang natin ang kalayaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga kababaihan, home-based workers, at maliliit na negosyante na magkaroon ng marangal na kabuhayan at mas magandang kinabukasan.

Ang tunay na kalayaan ay ang pagkakaroon ng oportunidad na kumita nang patas, mapalago ang sariling kakayahan, at masuportahan ang pamilya sa pamamagitan ng sariling pagsisikap.

Sa bawat produktong gawa ng ating mga miyembro, ipinapakita natin ang sipag, talento, at lakas ng kababaihang Pilipino.

💜 Suportahan ang lokal.
💜 Suportahan ang kababaihan.
💜 Suportahan ang kabuhayan ng mga home-based workers.

Mabuhay ang sambayanang Pilipino! Mabuhay ang Kalayaan!

Every stitch tells a story.Behind every Purple Market product is a home-based worker turning skill, resilience, and crea...
25/05/2026

Every stitch tells a story.
Behind every Purple Market product is a home-based worker turning skill, resilience, and creativity into a livelihood. From humble spaces come meaningful creations — proof that dignity and empowerment can be sewn into every bag.

“The Workplace You Don’t See” reminds us that work happens beyond factories and offices — in homes, communities, and the hands of women building a better future for their families.

Support local. Support women workers. Support sustainable livelihoods. 💜

Sustainability Plan Workshop: Strengthening Women’s Economic Empowerment Through Sustainable Practices📍 Max's Restaurant...
18/05/2026

Sustainability Plan Workshop: Strengthening Women’s Economic Empowerment Through Sustainable Practices
📍 Max's Restaurant
📅 May 15, 2026

Successfully conducted the Sustainability Plan Workshop, aimed at strengthening women’s economic empowerment through sustainable and long-term practices for women and informal workers.

In partnership with CECI Philippines and CONCERN, the workshop was enriched by the valuable insights of Sandrine Belanger, Organizational Management Advisor, who shared important knowledge on sustainability, organizational strengthening, and women-led economic initiatives. 💜

The workshop focused on:
✅ Strengthening sustainable livelihood practices
✅ Promoting women’s empowerment and economic resilience
✅ Supporting organizational sustainability
✅ Encouraging long-term community development

Held at Max's Restaurant, the activity became a meaningful space for learning, collaboration, and empowerment among participants and advocates for women and informal workers.

Thank you to everyone who participated and continues to support the advocacy for women’s empowerment and sustainable community development.






Celebrate Mother’s Day with love and support for local women entrepreneurs! This May, treat your moms, wives, sisters, a...
11/05/2026

Celebrate Mother’s Day with love and support for local women entrepreneurs!

This May, treat your moms, wives, sisters, and even yourself with proudly local products from Purple Market PH!

🎁 SPECIAL MOTHER’S DAY PROMO:
🛍️ Buy Purple Market products worth ₱1,000 and get 10% discount!
🛒 Shop here: https://www.tiktok.com/?is_from_webapp=1&sender_device=pc

Promo valid until May 31, 2026 only.

Support homebased workers. Support women-led livelihoods. 💜

Mabuhay ang ika-36 na taon ng PATAMABA! 💜Sa loob ng tatlong dekada at higit pa, patuloy nating pinapatunayan na ang laka...
05/05/2026

Mabuhay ang ika-36 na taon ng PATAMABA! 💜

Sa loob ng tatlong dekada at higit pa, patuloy nating pinapatunayan na ang lakas ng manggagawang impormal ay hindi matitinag—nagkakaisa, kumikilos, at lumalaban para sa dignidad, karapatan, at mas inklusibong kinabukasan.

Ngayong taon, sama-sama nating ipinagdiriwang ang ating tagumpay sa isang HYBRID CELEBRATION—may onsite gathering at via Zoom per area, upang mas mapalawak ang partisipasyon ng bawat kasapi sa iba’t ibang lugar.

Sa temang:
“Manggagawang Impormal, Kumilos at Tumindig Laban sa Digmaan, Tungo sa Kaseguruhang Panlipunan at Kapayapaan”

Tuloy-tuloy ang ating panawagan para sa:
✊ Karapatan at proteksyon ng mga manggagawang impormal
✊ Pagpasa ng mga makatarungang polisiya tulad ng MACWIE
✊ Mas matatag na kabuhayan at seguridad para sa bawat pamilya

💻📍 Kahit saan, iisa ang tinig—iisa ang laban!

💜 Sama-sama, patuloy ang laban!
💜 Para sa manggagawang impormal, para sa bayan!




03/05/2026
📍 Villa Ynares, Antipolo & Lagundi, Rizal📅 May 2–3, 2026Nagpunta ang PATAMABA Team sa Rizal para sa Orientation on PATAM...
03/05/2026

📍 Villa Ynares, Antipolo & Lagundi, Rizal
📅 May 2–3, 2026

Nagpunta ang PATAMABA Team sa Rizal para sa Orientation on PATAMABA, VSLA, at MACWIE kasama si Ka Karel Baguisa. 💜

Patuloy nating pinapalakas ang organisasyon ng mga manggagawang impormal—mula sa kaalaman, pag-oorganisa, hanggang sa pagsusulong ng mga polisiya para sa kanilang karapatan at kabuhayan.

Kasabay nito, isinagawa ang KOBO profiling upang makalap ang mahalagang datos at mas maintindihan ang kalagayan ng mga miyembro sa komunidad.

Sama-sama nating itinataguyod ang karapatan at kabuhayan ng mga manggagawang impormal. Tuloy ang laban!

Ngayong Labor Day, nakiisa ang PATAMABA upang ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawang impormal. Hindi kami titigil—t...
01/05/2026

Ngayong Labor Day, nakiisa ang PATAMABA upang ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawang impormal. Hindi kami titigil—tuloy ang laban para sa hustisya at pagkilala! ✊

Ngayong Mayo 1, Araw ng Paggawa, ipinagdiriwang natin ang tibay at tapang ng mga manggagawang impormal. Ang lakas nila a...
01/05/2026

Ngayong Mayo 1, Araw ng Paggawa, ipinagdiriwang natin ang tibay at tapang ng mga manggagawang impormal. Ang lakas nila ay kagaya ng isang kawayan—yumuyuko sa hangin ng pagsubok pero hindi sumusuko.

Patuloy ang laban ng PATAMABA para sa pagkilala, proteksyon, at karapatan ng mga informal worker. Sa pagsusulong ng MACWIE bilang batas, patuloy nating itinataguyod ang mas makatarungan at inklusibong kinabukasan para sa lahat ng manggagawa.

Tuloy ang laban! MACWIE IPASA NA! NOW NA!

Address

Unit 2-D Palmario Apt. #101-A Balingasa Road , Barangay Balingasa, Balintawak
Quezon City
1115

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PATAMABA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PATAMABA:

Share